The 700 Club Asia
Paano nga ba makakabangon mula sa karanasan na halos sumira ng iyong buhay? Know that our God is the God of restoration. Gaano man kagulo ang iyong nakaraan, kaya Niya itong ayusin. Maging ang galit sa iyong puso ay puwede Niyang alisin. Lumapit ka lang sa Kaniya and believe that He can turn your brokenness into beauty.
Gaano man kabigat ang iyong pinagdaraanan, hinding-hindi ka matitibag kung gagawin mong pundasyon ang Panginoon sa iyong buhay. Hayaan mo Siyang kumilos sa iyong sitwasyon.
Marumi na ba ang tingin mo sa iyong sarili dahil sa mga nagawa mong kasalanan? Para bang wala nang kuwenta ang iyong buhay dahil sa masalimuot mong nakaraan? Ganyan man ang tingin mo sa iyong sarili, alam mo ba na may Diyos na tanggap ka pa rin sa kabila ng iyong mga ginawa? Kaya ka Niyang iahon mula sa kasalanan na pilit kang hinihila pababa. And yes, God will still accept you despite your past.
Kahit gaano a kabigat ang problemang iyong pinagdaraanan, kumapit ka lang sa pangako ng Diyos. Huwag kang susuko sa buhay dahil may gantimpala ang sino mang nagtitiwala sa Panginoon. Mapagtatagumpayan mo ang pagsubok na ito sa tulong Niya.
Naghahanap ka ba ng tutulong sa ‘yo upang makapagsimula kang muli? Know that God is willing to help you. Kaya mong makalaya mula sa kasalanan at ayusin ang ano mang nasira sa iyong buhay sa tulong Niya. Huwag kang bibitaw dahil kay Hesus ay laging may bagong simula!
Lagi na lang bang bigo ang mga plano mo sa buhay? Nawawalan ka na ba ng pag-asa na maaabot mo pa ang mga pangarap mo? Huwag kang susuko! May magandang plano ang Diyos para sa ‘yo. Hayaan mo Siyang kumilos. Ibigay mo ang iyong buong tiwala sa Kaniya. Tutulungan ka ng Diyos na maabot mo ang tagumpay.
Pakiramdam mo ba ay bibigay ka na dahil sa sunod-sunod na problemang iyong kinakaharap? Nakikita ng Diyos ang iyong sitwasyon. Hindi mo kailangang matakot o mangamba dahil kasama mo Siya. ‘Wag kang susuko, tapat ang ating Diyos.
Kaya kang palayain ng Diyos mula sa kahirapan. Mahirap man ang pinagdaraanan mo ngayon, pero makakaasa ka na hindi ka pababayaan ng Diyos. Kaya Niyang baguhin ang takbo ng iyong buhay. Receive your freedom today!
Nais mo ba ng bagong simula, ngunit hindi mo alam kung paano ito gagawin? Lumapit ka lamang sa Panginoon. Siya ang Diyos na nagbibigay ng bagong simula at kaya Niyang ayusin ang nasira mong buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa, gagabayan ka ng Diyos patungo sa matuwid na landas.
Hindi mo kailangang sarilinin ang matitinding pagsubok na iyong pinagdaraanan. Sasamahan ka ng Panginoon na harapin ang iyong mga problema. Magtiwala ka sa Kaniya dahil hindi ka Niya bibiguin kailanman.