Our God is the God of many chances. Hindi man naging maganda ang iyong nakaraan, kaya kang tulungan ng Diyos na makapagsimula muli. Hindi Siya nakatingin sa kung ano ang nagawa mo kundi sa kung ano ang kaya Niyang gawin sa buhay mo. ‘Wag kang mawalan ng pag-asa. Mahal ka ng Diyos!
Maging handa ka sa anumang pagsubok na maaari mong harapin. Ang kaaway ay laging nakabantay upang sirain ang iyong buhay. Ngunit, sabi sa salita ng Diyos na ‘wag kang matakot dahil kaya kang ipagtanggol ng Panginoon at bigyan ng maayos na buhay. Patuloy kang mamuhay sa katotohanang mahal ka ng Diyos at hindi ka Niya iiwan kailanman.
Ayawan ka man ng mga taong nakapaligid sa ‘yo, may Diyos na handang mahalin ka nang buong-buo. Tanggap ka ng Panginoon ano man ang iyong nakaraan. Kaya ka Niyang bigyan ng bagong simula.
Ilapit mo sa Panginoon ang iyong mga pinagdaraanan at manampalataya kang kaya ka Niyang tulungan. Sa Kaniyang presensya ay may tagumpay, kaya huwag kang susuko sa laban!
Alam mo ba na puwede kang lumapit sa Panginoon ano mang oras na kailanganin mo Siya? Laging handa ang Diyos na sagutin ang tawag mo kaya’t ‘wag kang mag-alinlangan na lumapit sa Kaniya.
Dumaan man tayo sa mga problema, ang Diyos ay laging handang ipadama sa atin ang Kaniyang kabutihan. Lagi Siyang may magandang plano na maari mong asahan. Magtiwala ka sa Diyos sapagkat Siya ay mabuti at dapat na pagkatiwalaan.
Ano man ang pagsubok na iyong hinaharap, huwag kang mawalan ng pag-asa. Kaya kang tulungan ng Diyos at bigyan ng kalayaan mula sa iyong mga problema. ‘Wag kang mawalan ng pag-asa, kumapit ka lang sa Kaniya!
Nawawalan ka na ba ng pag-asa sa buhay? Our God is the God of hope and new beginnings. Gaano man kagulo ang buhay mo ay kayang-kaya itong ayusin ng Diyos.
Kakampi mo ang Diyos at hindi ka Niya iiwan o pababayaan. Romans 8:31-32 (NLT) says, “If God is for us, who can ever be against us? Since he did not spare even his own Son but gave him up for us all, won’t he also give us everything else?”
Are you struggling to raise your children? Do you need healing from the trauma you’ve experienced from your parents? Seek God’s help and experience comfort and healing from Him.

Life's challenges may shake us, pero mayroon tayong Panginoon na maaari nating kapitan sa oras ng pagsubok. Siya rin ang matibay nating sandigan na maari nating maging kublihan sa panahon na tayo ay nanghihina. Kaya huwag kang susuko, hindi ka Niya iiwan. Your future is secure in God's hands!

Hindi natin maiiwasan na mapuno ng takot at pangamba sa tuwing may pinagdaraanan tayong hindi natin inaasahan. Mabuti na lamang at mayroon tayong Diyos na maaari nating takbuhan. Ang Kaniyang pag-ibig at pag-iingat ay lagi nating maaasahan.

When we are consumed with our problems and difficulties, we fail to realize God's plans and ways to help us. But the truth is, God has never left our side. Alam Niya ang iyong pinagdaraanan at alam din Niya kung paano ka tutulungan. He is always present in times of need.

Do you want to have peace and love in your life? This is possible through God. You can start by seeking Him and acknowledging your need for His help. Handa Siyang iparanas sa 'yo ang kapayapaan at pagmamahal na kailangan mo.

Pakiramdam mo ba na parang wala nang saysay ang iyong buhay dahil sa iyong maruming nakaraan? Huwag kang mabahala. Kaya kang tulungan ng Diyos na magsimula muli. Hindi Siya nakatingin sa iyong nakaraan; ang nais Niya lamang ay lumapit ka sa Kaniya. Tanggapin mo ang panibagong pag-asa at pagmamahal na ibinibigay Niya.

Sa tuwing tayo ay may pinagdaraanan, madalas hindi natin maiwasang magduda sa pagmamahal ng Diyos para sa atin. Pero nananatili ang katotohanan na sa bawat pagsubok na dumarating, hindi Niya tayo kailanman iniwang mag-isa. Piliin mong manalig at panghawakan ang mga pangako Niya. Hayaan mong iparanas Niya sa iyo ang wagas Niyang pag-ibig sa araw-araw.

"At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus" (Mga Taga-Filipos 4:19, RTPV). This is not a promise of wealth, or an easy life. Pero dahil alam ng Diyos kung ano ang iyong kailangan, ito ay Kaniyang ibibigay ayon sa Kaniyang kalooban. Pinagpapala ng Diyos ang mga taong sumusunod sa Kaniya at hindi sila magkukulang.

Mukhang hopeless na ba ang situation mo ngayon? Do you feel anxious because of the problems you're facing? Here's a reminder that our Lord is fully aware of what you are going through. Allow Him to give you hope as you trust Him to move in your situation and do miracles in your life.

Mag-iba man ang panahon at ang mga tao sa ating paligid, ang pag-ibig ng Diyos para sa atin ay hindi kailanman magbabago. Patuloy tayong makakaasa sa Kaniyang tulong, ano man ang pagsubok na ating harapin.

Parang nalulunod ka na ba sa dami ng iyong problema? Kapit lang! Mahal na mahal ka ng Panginoon. Hindi ka Niya pababayaan. Siya ang magliligtas at gagabay sa iyo.

Showing 201–220 of 221 results