Dumaan ka man sa matinding pagsubok, makakaasa ka na hindi magbabago ang mga plano ng Diyos para sa ‘yo. Tapat Siya sa Kaniyang mga pangako at hindi Niya binibigo ang sino mang nagtitiwala sa Kaniya. Kaya patuloy ka lang manampalataya, Kapatid. Hindi ka pababayaan ng Diyos.

Sa mga panahon na iniisip mo na hindi ka karapat-dapat sa pag-ibig ng Diyos, nais naming ipaalala sa ‘yo na walang pinipili si Hesus ng taong Kaniyang mamahalin. Tanggap Niya ano pa man ang ating nakaraan at handa Siyang magbigay ng bagong simula sa sino man na nagnanais nito. Kaya kang baguhin ng Diyos, kapatid. Walang imposible sa biyaya Niya.

Ano nga ba ang sikreto upang maging matatag sa buhay? Nais mo bang malaman? Alamin at samahan kami ngayong gabi dito lang sa The 700 Club Asia, Martes, June 25, 9 PM sa aming YouTube channel and midnight sa GMA.
Para ka bang nalulunod dahil sa sunod-sunod na problema? Naghahanap ka ba ng makakapitan upang muling makabangon? Huwag kang mag-alala, nariyan si Hesus upang sumaklolo sa iyo. Tutulungan ka Niya na muling makabangon mula sa pagsubok. Manampalataya ka lamang sa Kaniya sapagkat hindi ka Niya bibitawan.
Nais mo na bang makalaya mula sa kasalanan na matagal nang bumibihag sa ‘yo? Hindi ito imposible, kapatid. May Diyos na handa kang tulungan upang makawala sa ano mang tanikala. Lumapit ka lamang sa Kaniya at ialay ang iyong buhay.
Kung humaharap ka ngayon sa matinding pagsubok, lagi mong tandaan na may Hesus ka na malalapitan. Siya ang iyong lakas at kanlungan. Hindi ka Niya pababayaan at tutulungan ka Niyang magtagumpay sa buhay. Huwag kang bibitaw.
Dahil sa pagmamahal na nagmumula sa Diyos, nagkakaroon tayo ng lakas upang harapin ang bawat pagsubok sa buhay. Tayo ay pinapatatag kaya’t huwag kang mawalan ng pag-asa dahil hindi ka kailanman iiwan ng Diyos.
Tingin mo ba ay hindi na darating ang blessing na matagal mo nang hinihintay? We want to encourage you that God sees your heart. Learn to trust Him and His timing.
Hindi pa huli ang lahat para sa ‘yo, kapatid. May pag-asa pa na naghihintay upang makalaya ka sa ano mang tanikala ang bumibihag sa ‘yo. Lumapit ka lang kay Hesus dahil nariyan Siya upang tulungan ka.
Feeling lost or searching for purpose? We invite you to watch this episode of The 700 Club Asia and discover the life that you can experience with God. Tune in tonight, June 14, at 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA.
Ipagkitawala mo kay Hesus ano man ang gumugulo sa iyong isip. Sa Kaniya mo matatagpuan ng kapayapaan at kapahingahan sa gitna ng mga pagsubok. Hindi ka Niya pababayaan. Lumapit ka lamang sa Kaniya at manamplataya.

Ipagkatiwala mo lamang sa Diyos kung humaharap ang iyong pamilya sa matinding pagsubok. Mas malakas ang pag-ibig ni Hesus kaysa sa ano mang problema. Isa sa Kaniyang pangako ay ang magkaroon ka ng masaya at mapagmahal na tahanan kaya’t huwag kang mawalan ng pag-asa.

Huwag kang mag-alala kung dumaraan ka sa matinding pagsubok. Lagi mong tandaan na nariyan si Hesus na puwede mong lapitan sa oras ng pangangailangan. Hindi ka Niya bibiguin kainlanman. Manampalataya ka lang sa Kaniya.

Nahihirapan ka na bang bitawan ang pagkalulong sa sugal? Nais mo na bang makalaya sa ganyang klase ng tanikala? Tanging si Hesus lamang ang makakatulong sa ‘yo, Kapatid. Kaya Niyang putulin ano mang pagkalulong ang mayroon ka ngayon pati na rin sa pagsusugal. Hayaan mo lamang Siyang kumilos at maghari sa iyong buhay.

Mahirap man makita ang pag-asa sa gitna ng mga pagsubok, patuloy ka lang magtiwala at magpasalamat sa Panginoon. May maganda Siyang plano para sa ‘yo at hindi ka Niya iiwan sa ano mang laban ng buhay. May kasiyahan sa piling ng Diyos.
Kung iniwan ka man ng mga taong iyong pinakamamahal, nais naming ipaalala sa ‘yo na may Diyos kang matatakbuhan. Kaya Niyang punan ano man ang pagkukulang sa iyong buhay. Mahal ka Niya ano man ang iyong nakaraan at hindi ka iiwan kailanman.
Naghahanap ka ba ng sasaklolo sa ‘yo sa gitna ng panganib? Know that God’s help is always available for you. Huwag kang mahihiyang lumapit at tumawag sa Kaniya. Hindi ka Niya bibiguin at lagi kang tutulungan sa lahat ng oras.