Ipagkatiwala mo lamang sa Diyos kung humaharap ang iyong pamilya sa matinding pagsubok. Mas malakas ang pag-ibig ni Hesus kaysa sa ano mang problema. Isa sa Kaniyang pangako ay ang magkaroon ka ng masaya at mapagmahal na tahanan kaya’t huwag kang mawalan ng pag-asa.

Huwag kang mag-alala kung dumaraan ka sa matinding pagsubok. Lagi mong tandaan na nariyan si Hesus na puwede mong lapitan sa oras ng pangangailangan. Hindi ka Niya bibiguin kainlanman. Manampalataya ka lang sa Kaniya.

Nahihirapan ka na bang bitawan ang pagkalulong sa sugal? Nais mo na bang makalaya sa ganyang klase ng tanikala? Tanging si Hesus lamang ang makakatulong sa ‘yo, Kapatid. Kaya Niyang putulin ano mang pagkalulong ang mayroon ka ngayon pati na rin sa pagsusugal. Hayaan mo lamang Siyang kumilos at maghari sa iyong buhay.

Mahirap man makita ang pag-asa sa gitna ng mga pagsubok, patuloy ka lang magtiwala at magpasalamat sa Panginoon. May maganda Siyang plano para sa ‘yo at hindi ka Niya iiwan sa ano mang laban ng buhay. May kasiyahan sa piling ng Diyos.
Kung iniwan ka man ng mga taong iyong pinakamamahal, nais naming ipaalala sa ‘yo na may Diyos kang matatakbuhan. Kaya Niyang punan ano man ang pagkukulang sa iyong buhay. Mahal ka Niya ano man ang iyong nakaraan at hindi ka iiwan kailanman.
Naghahanap ka ba ng sasaklolo sa ‘yo sa gitna ng panganib? Know that God’s help is always available for you. Huwag kang mahihiyang lumapit at tumawag sa Kaniya. Hindi ka Niya bibiguin at lagi kang tutulungan sa lahat ng oras.
When you feel uncertain because of trials, know that there is a God whom you can trust. Have faith in His promises and find the courage to face life's challenges with assurance and peace from Him. God will never let you down.
Alam mo ba na may pamilya kang matatakbuhan sa gitna ng iyong mga pinagdadaanan? Oo, kapatid. Nariyan ang Diyos upang yakapin ka at iparanas sa ‘yo ang pagmamahal ng isang pamilya. Hindi ka pa man lumalapit sa Kaniya ay nakahanda na Siyang tanggapin ka sa lahat ng oras at panahon. May nagmamahal sa ‘yo.
Ang kabutihan ng Diyos ay walang pinipiling panahon. Maaari mo itong maranasan sa lahat ng oras. Kaya kung humaharap ka ngayon sa matinding pagsubok, makakaasa ka na tutulungan ka ng Diyos at hindi pababayaan kailanman.
Sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos. (Luke 1:37) Isa lamang ito sa maraming pangako ng Diyos para sa Kaniyang mga anak. Kaya kung sa tingin mo ay wala ng daan patungo sa tagumpay, patuloy ka lamang manampalataya kay Hesus dahil hindi ka Niya bibiguin kailanman. Sa Kaniya, walang imposible.
Paulit-ulit ka man dumanas ng pagsubok, makasisiguro ka na ang Diyos ay laging handa na tulungan ka at iparanas sa 'yo ang matagumpay na buhay. Kaya huwag kang susuko sa bawat laban dahil tapat ang Diyos sa Kaniyang mga pangako magpakailanman.
Gaano man kabigat ang pagsubok na iyong kinakaharap, may solusyon ang Diyos upang tulungan ka na makabangon muli. Huwag kang susuko, kapatid. Hindi ka pababayaan ng Diyos kailanman. Maaasahan Siya sa lahat ng oras.
May bagay ka ba na kinatatakutan ngayon? Wala ka bang kapayapaan dahil sa pagsubok na iyong kinakaharap? Huwag kang matakot, kapatid dahil hindi ka iiwan ng Diyos. Sasamahan ka Niya sa bawat laban ng buhay at ibibigay sa 'yo ang katagumpayan laban sa mga pagsubok. Manampalataya ka lang sa Kaniya.
Napupuno ka ba ng takot at pangamba? Huwag kang mag-alala. Nariyan si Hesus na kasama mo patungo sa tagumpay ng buhay. Hindi ka Niya bibitawan o iiwan kailanman. Manamplataya ka lang sa Kaniya.
Anong panalangin ang nais mong i-mine ngayon? Be in faith! You can claim victory over your prayers for God will never fail you and He will be your guide.
Mahirap man makita ang katagumpayan dahil sa sitwasyon na kinaroroonan mo ngayon, siguradong makakaasa ka sa pangako ng Diyos na tutulungan ka Niyang malampasan ang bawat pagsubok na iyong kinakaharap. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Know that with God, victory is possible. Watch our 5th night of #TagumpayIMineMoNa at midnight on GMA.
Gaano man katindi ang sakit na iyong pinagdaraanan, kaya pa ring gumawa ng Panginoon ng himala sa iyong sitwasyon. Walang imposible sa Kaniya dahil Siya ang ating Dakilang Manggagamot.