Tingin mo ba ay hindi ka na kayang tanggapin ni God dahil sa mga nagawa mong kasalanan? Alam mo, walang imposible sa Panginoon. Kaya ka Niyang linisin at baguhin. Handa Siyang bigyan ka ng bagong simula at iparanas ang Kaniyang magandang plano.

Naging tanong mo na rin ba kung bakit parang walang magandang nangyayari sa buhay mo? Huwag kang mawalan ng pag-asa. Kayang iparanas sa 'yo ni God ang magandang buhay. May plano Siya para sa 'yo dahil special ka sa Kaniya.

Mayroon ka bang taong nasaktan dahil sa pagiging mayabang at mapagmataas? Nasubukan mo na bang humingi ng tawad? Kung hindi pa, maaari kang humingi ng tulong sa Diyos. Ask Him to give you wisdom on how to do it. It's not too late. Kaya kang tulungan ng Panginoon.

Huwag kang mag-alala para sa kinabukasan mo. Ang mga plano ng Diyos ay hindi tulad ng pangako ng tao na napapako. God has a great plan for your life, and He knows when to fulfill it. Believe and have faith for His promises can surely be trusted.
Alam ni Lord ang pinagdaraanan mo kaya't huwag kang matakot sa mga pagsubok na puwede mong harapin. Magtiwala ka lang dahil hindi ka Niya iiwan o pababayaan.

It's tough to let go of something or someone we value. But when we trust God's will and purpose for our lives, we will learn that His way is the best. Learn to let go and let God. Be in faith! The Lord is with you.

Sa buhay, hindi natin maiiwasang magkaroon ng bad days. But the good news is, we have a good God who sustains and helps us. In Him, we are assured of good and brighter days. So, let us put our trust in Him.

Napapagod ka na bang hanapin sa ibang bagay ang tinatawag na "happiness"? Paano nga ba mararamdaman ang totoong saya sa puso? Kapatid, true happiness can only be found in God. Hindi matutumbasan ng kahit ano’ng materyal na bagay o tagumpay ang saya na kayang iparanas sa 'yo ng Panginoon. Lumapit ka lang sa Kaniya dahil handa Siyang tanggapin ka.

Are you struggling with a particular sin? Every weakness you have is an opportunity for God to show His strength and fulfill His promises. Allow Him to transform you and restore what the enemy has stolen from you. Be in faith, God has prepared the best for you!

Walang lungkot ang hindi kayang pagaanin ng Diyos. He is always present in times of need and ready to give you, His peace. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Kaya ka Niyang bigyan ng panibagong simula. Magtiwala ka lang!

Do you always give your best and yet people don't seem to value what you can offer? God knows your heart. He knows your intention, and you are precious in His eyes. It is okay to pause and take a rest. God sees your worth.

Malaking bagay ang naidudulot ng galit sa puso. Mahirap at hindi natin kayang baguhin ang ating sarili. Ngunit sa tulong ng Panginoon, nagiging posible ang pagpapatawad at pagbabago. Lumapit ka lang sa Kaniya dahil kaya Niyang pagalingin ang iyong puso.

Paano nga ba tayo makalilimot mula sa masakit na nakaraan? Posible nga bang mapatawad ang mga taong naging dahilan ng hindi magandang karanasan? We cannot change our past, but we can definitely strive and look forward to a good future. God is in the business of restoration, and He can give you a new beginning because He Himself is the greatest example that forgiveness is possible.

Yes. No. Wait. Pakiramdam mo ba ay palagi na lang "no" or "wait" ang sagot ni God sa prayers mo? Mahirap bang makakuha ng "yes" sa Kaniya? Kapatid, God knows what is best for you. Mahirap man maintindihan ang plano Niya, pero kailangan nating magtiwala. Keep praying and remember that God's timetable is always perfect.

Sa mga oras na mahirap makita ang pag-asa at saya, nariyan ang Diyos na handang iparanas ang pag-ibig Niya. Huwag kang mahiyang lumapit sa Kaniya.

Mahirap umasa sa pangako ng mga tao. Walang kasiguraduhan kung lagi silang nariyan sa oras ng ating pangangailangan. But we want to remind you that there is a God who is always available and present in times of need. He will never leave you.

Kung nahihirapan ka dahil sa tindi ng iyong problemang pinagdaraanan ngayon, huwag kang mawalan ng pag-asa. Our God can help you and give you hope. Be in faith!

Nahihirapan ka bang magpatawad dahil sa iyong mga napagdaanan? Posible pa kayang mawala ang galit sa puso mo dahil sa iyong nakaraan? If you are struggling to forgive those who have hurt you, seek God for wisdom and guidance. He will help you go through it.

Takot ang kadalasang ginagamit ng kaaway upang malayo ang ating focus kay God. Ito rin ang nagiging cause upang hindi natin magawa ang mga bagay na inilaan sa atin ni Lord. But we want to remind you that God is always on our side every time we face our battles. It takes a giant leap of faith to let go of our fears and allow God to help us experience His love and peace.

Nahihirapan ka bang mag-move on? Wala man tayong kakayahang baguhin ang mga nangyari noon ay mayroon naman tayong chance upang ayusin ang ating future. It is important to let go of your past and always remember the lesson it has taught you. ‘Wag kang matakot harapin ang future. Surrender your fears to God, for He will help you succeed in your plans.