The 700 Club Asia
Paano nga ba natin patatawarin ang mga taong nakasakit sa atin? Ano ang dapat gawin kung mismong sarili natin ang hindi natin mapatawad? Remember, don’t be too hard on yourself. Pinatawad ka na ng Panginoon sa lahat ng iyong pagkakamali, at kaya ka Niyang tulungan upang patawarin ang mga taong nanakit sa ‘yo. Nais ng Diyos na makalaya ka sa galit.
Nahihirapan ka bang magmahal ng iyong kapwa? Let the author of love Himself guide you. Hindi pa huli ang lahat upang ipakita sa ibang tao ang pagmamahal na iyong natanggap mula sa Panginoon. Be inspired as you watch this episode of The 700 Club Asia, Monday, May 8, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA.
Gusto mo bang malaman ang plano ng Diyos sa buhay mo? Take a moment to pause and spend time with the Lord. Pray and ask Him for guidance and direction.
Minsan sa buhay, makakaranas ka ng mga pagsubok na para bang wala nang solusyon. Darating ka sa punto na mawawalan ka na ng pag-asang harapin ito, at hindi mo alam kung kanino ka hihingi ng tulong. Pero alam mo ba na may Diyos na handang sumalo sa ‘yo sa panahon ng iyong kabiguan? Ilapit mo lang ano mang bigat ang dinadala mo ngayon dahil tutulungan ka ng Diyos. Hindi ka Niya bibiguin.
God has commanded us to honor our fathers and mothers. He has appointed them to guide us so we can have a meaningful life. Also, this is one of the commandments equipped with a blessing from God.
Ano nga ba ang sukatan ng masayang buhay? Maraming pera? Magandang career? O di kaya naman ay maayos na relasyon? Hayaan mo ang Panginoon na kumilos sa iyong buhay upang makaranas ka ng totoong kasiyahan. Manampalataya ka sa Kaniyang mga pangako. Hindi ka bibiguin ng Diyos.
Ang tingin mo ba sa iyong sarili ay marumi na dahil sa iyong mga naranasan noong bata ka pa? Kung inaakala mo na wala nang tatanggap sa iyo dahil sa iyong nakaraan, alalahanin mo na may Diyos na kayang magbago ng istorya ng buhay mo. Kaya ka Niyang bigyan ng bagong simula at tulungang makabangon muli mula sa pang-aabuso na iyong naranasan. ‘Wag kang mawalan ng pag-asa.
Magbago man ang lahat sa ating paligid, ang pag-ibig ng Panginoon ay kailanma’y hindi magbabago. Tapat Siya mula noon at hanggang ngayon. Laging nakahanda ang Diyos na tulungan kang bumangon mula sa nakaraan. Mahal ka ng Diyos.
Minsan sa buhay, mahirap makita ang pag-asa lalo na kung may mabigat kang pinagdaraanan. Hindi mo maiwasang mapuno ng takot at pangamba. Ngunit, lagi mong tandaan na may Diyos na handang umalalay sa ‘yo. Kaya kang tulungan ng Panginoon na magtagumpay sa buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa.
Hawak ng Diyos ang lahat sa ating buhay. Kaya’t bilang anak Niya, puwede nating ibigay sa Kaniya lahat ng bigat na dinadala natin. Nais ng Diyos na palayain tayo sa ano mang hindi magandang karanasan sa ating buhay. To know more about Him, watch this episode of The 700 Club Asia, Friday, April 14, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA.