Join us in praising the powerful name of Jesus, whose resurrection heralds the greatest hope the world has ever known. Mica Pineda leads us in worship with the song, “I Speak Jesus.”

Being a parent is one of the most fantastic gifts you can have in life. It’s a beautiful opportunity that can bring great joy! But sometimes, hindi maiwasan ang family conflicts at struggles.   Hindi madali magpalaki ng anak, pero thankfully, nandyan si God to help you raise your beautiful children! Tiwala lang.

On this day, we remember the cross - where great suffering and great mercy met. Thank you, Jesus, that through You alone are we saved and redeemed. 🙏🏻❤️ Worship with Nolo Lopez in this medley of “At the Cross” and “In Christ Alone.”

“Pakikisamahan ko pa po ba ang asawa ko kahit alam kong may babae siya?”

“Madalas kami mag-away ng aking asawa dahil lagi kaming kapos sa pera. Ano po ang dapat ko gawin?”

“What is the secret to ‘happily ever after’ na marriage?

Peter and Christine Kairuz answer your questions about marriage and relationships! WATCH and discover how you can build a strong, healthy, and lasting relationship with your spouse.

Nais ng Diyos na maranasan nating maghilom mula sa sakit na dulot ng ating nakaraan. ‘Wag kang mawalan ng pag-asa. Nakikita ng Diyos ang puso mo. Kaya Niyang ayusin ang iyong buhay. Know more about Him as you watch The 700 Club Asia’s Holy Week episode, Wednesday, April 5, 9 pm on our YouTube channel and midnight on GMA.
May matinding sakit ka ba na pinagdaraanan ngayon? Nawawalan ka na ba ng pag-asang gumaling? Remember, God has the power to heal. Napagtagumpayan Niya na sa krus ano mang sakit ang dinaranas mo ngayon. Walang imposible sa Diyos kaya magtiwala kang kaya Niyang ipagkaloob ang kagalingan na matagal mo nang inaasam. Manampalataya at magtiwala ka sa Kaniya.
‘Wag mong isipin na wala kang halaga. Pantay-pantay ang pagtingin sa ating ng Panginoon at ang pag-ibig Niya sa atin ay laging sapat. Hindi hadlang ang iyong kalagayan upang magampanan mo ang plano at kalooban ng Diyos sa iyong buhay. Mahalaga ka sa Kaniya.
Minsan, tayo ay humaharap sa matitinding pagsubok sa buhay. Ngunit huwag mong kalilimutan na nariyan ang Diyos na handang alalayan ka sa bawat laban. Sa Kaniya ka humugot ng lakas upang malampasan mo ito. Hinding-hindi ka Niya iiwan.
Bilang babae, maaring may mga panahon na hindi umaayon sa iyo ang mga bagay at pagkakataon. Ngunit huwag mong hayaang maging hadlang ito sa iyong pagbangon. Mahalaga ka sa paningin ng Diyos. May maganda Siyang plano para sa ‘yo at tutulungan ka Niya na makamit ito.
Mahirap man na kalimutan ang pait ng nakaraan, kaya kang bigyan ng Diyos ng kalakasan upang bumangon muli. Lagi Siyang may paraan kaya huwag kang mawalan ng pag-asa.
Lahat tayo ay may mga pangarap na nais maabot. Gaano man kahirap ang iyong sitwasyon, patuloy kang maniwala at magtiwala na kaya kang tulungan ng Diyos na abutin ang mga ito. Walang imposible sa Kaniya.
Mas makapangyarihan si Kristo kaysa sa ano mang bagay dito sa mundo. Kaya kung ikaw man ay nahihirapang makawala sa mga tanikala sa iyong buhay, ang Panginoon ay handang tulungan kang makalaya. Napagtagumpayan na Niya ang lahat ng masamang naisin ng kaaway sa buhay mo. Kakampi mo ang Diyos!

God is always in the business of restoring life. Ano man ang imposible sa mata ng tao ay kayang ayusin ng Diyos. Maging ang buhay mo. Ilapit mo lang sa Kaniya ang lahat ng bigat na iyong dinadala, at hayaan mong ipakita Niya sa iyo kung paano Niyo ito magagawang pagpapala sa iyo.

Tila ba winasak ng nakaraan ang iyong puso? Nawawalan ka na ba ng pag-asang makabangon pang muli mula sa hindi magandang karanasan? Hayaan mo ang Panginoon na kumilos at tanggalin ang lahat ng bigat na dinadala mo ngayon.
Katulad ng sinabi sa kanta ng isang kilalang Christian band, “So blessed I can’t contain it. So much, I've got to give it away.” Ganyan din ang pagpapalang nais iparanas sa iyo ng Panginoon. Nais Niya ang buhay na masagana at mapayapa para sa iyo. Handa ka na bang pagkatiwalaan Siyang lubos sa buhay mo?
Pakiramdam mo ba na tila wala nang silbi ang iyong buhay? Napapagod ka na ba sa problemang iyong dinadala? Ano mang sitwasyon mo ngayon, nakikita ka ng Diyos. May mabuti Siyang plano para sa iyo dahil mahalaga ka sa Kaniya.
Hindi pa huli ang lahat upang magbagong buhay. Laging may pag-asa sa Diyos. Lagi Siyang handang umalalay sa ‘yo anumang pagsubok ang pinagdaraanan mo. Kaya ka Niyang gabayan patungo sa mabuting landas. May plano Siya para sa ‘yo.
Sa mga oras na nais mo nang sumuko dahil sa sunod-sunod na problema, alalahanin mong may Diyos na handang tumulong sa ‘yo. Kasama mo Siya sa anumang sitwasyon na mayroon ka ngayon. Nais ng Diyos na maranasan mo ang Kaniyang kabutihan. Manamplataya ka lang sa Kaniya.
Puno ba ng galit ang puso mo ngayon? Hayaan mong iparanas sa ‘yo ng Diyos ang Kaniyang wagas na pagmamahal. Hindi Niya nais na mamuhay ka sa galit. Puwede mong ibigay sa Panginoon lahat ng bigat na dinadala mo sa iyong puso.

Showing 181–200 of 221 results