Paulit-ulit mang nasaktan at napariwara si Allan, hindi pa rin siya pinabayaan ng Panginoon at binigyan ng bagong simula. Ma-encourage sa kaniyang kuwento at alamin kung paano niya tuluyang tinanggap ang Panginoon at nilakaran ang tamang landas patungo sa maayos na buhay.
Maraming beses na sinubukang takbuhan ni Allan ang Diyos. Subalit, paulit-ulit din siyang binibigyan ng Diyos ng bagong pagkakataon at pag-asa. Hanggang sa kinatagpo siya ng Panginoon na naging daan upang maliwanagan ang kaniyang isip. Ito na nga ba ang simula ng pagbabagong buhay ni Allan?
Muling binisita si Allan ng kaniyang ama sa pag-aakalang maaayos pa ang kanilang relasyon. Subalit imbis na matuwa, poot ang naramdaman ni Allan. Mas lalo ring sinira ni Allan ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng droga at mga bisyo. Ilang beses din siyang napaalis sa kolehiyo at huminto sa pag-aaral. Sa gitna ng magulong buhay na nararanasan ni Allan, saan nga ba niya matatagpuan ang bagong pag-asa?
Nang magkaroon ng pagkakataon na makalaya sa puder ng ama, winasak naman ni Allan ang kaniyang buhay sa pagbibisyo tulad ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Humantong na rin siya sa puntong nais na niyang tapusin ang kaniyang buhay upang matapos na ang paghihirap na kaniyang dinaranas. Subalit, patuloy pa rin siyang nakaligtas sa panganib. Saan pa dadalhin si Allan ng galit sa kaniyang puso? Makalaya pa nga ba siya mula dito?
Sa murang edad ni Allan, nakaranas na siya ng matinding pang-aabuso mula sa kaniyang ama. Naging mas malala pa ito nang umalis ang kaniyang ina upang magtrabaho sa ibang bansa. Ito ang naging dahilan upang magkaroon ng matinding galit si Allan sa kaniyang ama. Paano makakalaya si Allan sa magulong tahanan? Hanggang kelan niya mararanasan ang pagmamalupit ng kaniyang ama?
Dahil sa pagkamatay ng kanyang ina, nagsimulang magkaroon ng matinding galit si Joven sa Diyos. Nagrebelde siya at inalay ang kanyang buhay sa kadiliman. Ito na nga ba ang magiging wakas ng kanyang kwento? O may pag-asa pa bang maranasan niya ang pag-ibig ng Diyos at kalayaan mula sa dilim?
kabilang din ang kanyang anim na buwang gulang na apo. Paano siya nanatiling matatag sa kabila ng matinding takot at pagsubok? Saan siya humugot ng lakas upang patuloy na manampalataya?
Paano nga ba makakabangon mula sa buhay na may mapait na nakaraan? Saan mahahanap ang saklolo na matagal nang hinahanap?
Sa murang edad ni Dan ay natuto na siyang gumamit ng pinagbabawal na gamot. Impluwensya ito hindi lang ng mga pinsan kundi ng sariling ama niya mismo. Labis na naapektuhan ang pag-aaral ni Dan at dumagdag pa rito ng mabuntis niya ang kaniyang nobya. May pag-asa pa bang maiayos ni Dan ang kaniyang sarili? Saan niya matatagpuan ang saklolo sa oras ng pangangailangan?
Dahil sa kasabikan na maranasan ang pagmamahal ng magulang, hinanap ni Vernon ang pupuno sa kaniyang puso sa pamamagitan ng barkada. Subalit nagkamali si Vernon sa desisyon na kaniyang ginawa. Napariwara ang kaniyang buhay dahil sa droga at pakikipagtalik sa kapwa lalaki.
Napagdesisyonan na ni Niña na makipaghiwalay sa kaniyang kinakasama dahil sa mas tumitinding gusot sa kanilang relasyon. Mahirap man sa kaniya na tanggapin ito, nagsumikap siya at mag-isang itinaguyod ang mga anak. Sumubok din siyang muling makabangon mula sa kaniyang mga pagkakamali subalit paulit-ulit din siyang bumabalik sa maling gawain. Hanggang sa isang pangyayari ang gumambala kay Niña. Ano ito?
Nakulong ang kinakasama ni Niña dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga. Subalit imbis na lumayo, nahikayat din siya na makisama at ‘di nagtagal ay gumamit na rin ng ipinagbabawal na gamot. Mas lalo ring lumala ang kanilang mga alitan hanggang sa panibagong sikreto ang nabunyag kay Niña? Ano nga ba ito? May pag-asa pa nga bang maayos ang relasyon nila ng kinakasama?
Malaking pagsubok para kay Niña na itaguyod ang dalawang anak simula nang maghiwalay sila ng kaniyang asawa. Nahirapan din siyang makahanap ng trabaho dahil hindi siya tapos ng pag-aaral. Naging mailap din siya sa pakikipagrelasyon sa kadahilanang takot siyang masaktang muli. Subalit nang makakilala siya ng isang lalaki, muli siyang nabighani kung paano siya tratuhin at pangakuan ng maayos na buhay.
Lumaki sa masaganang pamilya si Niña. Nabibigay ng kaniyang mga magulang ang lahat ng kaniyang hilig dahilan upang siya ay lumaki sa layaw. Hindi nagtagal, napariwara si Niña at maagang namulat sa mga bisyo. Sumabay pa rito nang maaga siyang magkaroon ng anak. Subalit, isang rebelasyon ang nabunyag kay Niña sa gitna ng hindi pagkakaunawaan niya at kaniyang nobyo. Ano ito?
Sa kabila ng sunod-sunod na sakit na dumaan kay Rose at sa kaniyang pamilya, saan sila humugot ng lakas upang malampasan ang lahat ng ito? At paano ginamit ng Panginoon ang mga pagsubok na ito upang lalong mapatibay at mapalalim ang kanilang pagmamahalan bilang isang pamilya?
Laking pasasalamat ni Rose nang maka-recover ang kaniyang anak sa pagkakaroon ng global development delay. Dito, ay mas nakita niya ang kapangyarihan ng pagtitiwala sa Panginoon. Subalit, hindi pa rin dito natatapos ang problemang kinakaharap ni Rose at kaniyang asawa. Patuloy pa nga bang kakapit si Rose sa Panginoon? O tuluyan na siyang lunurin ng problema?
Laking pasasalamat ni Rose sa Panginoon nang matugunan ang matagal na nilang panalangin. Nagkaroon sila ng anak na lalaki at ilang taon lang din ang pagitan ay biniyayaan naman sila ng kambal na babae. Ngunit, hindi ito naging madali para kay Rose at kaniyang asawa.
Katulad ng ibang mag-asawa, dalangin din nina Rose na magkaroon ng sariling pamilya. Ilang beses silang sumubok na makabuo subalit palagi silang bigo dahil sa sakit na mayroon si Rose. Ano nga ba ang karamdaman na mayroon si Rose? Matanggap pa kaya nila ang panalangin na matagal na nilang inaasam?
Kilala ang mga sundalo na isang magiting at matapang na mandirigma. Ganito ang katangian na mayroon si Leo. Subalit, imbes na lakaran ang tamang landas ay kaniyang ginamit ang kapangyarihan na mayroon upang manglamang ng kapwa. Nalulong din siya sa iba’t-ibang kasalanan na halos sumira sa kaniyang buhay. Isa kaya ang laban na ito na mapagtatagumpayan ni Leo?

Showing 1–20 of 907 results