The 700 Club Asia

Paulit-ulit mang nasaktan at napariwara si Allan, hindi pa rin siya pinabayaan ng Panginoon at binigyan ng bagong simula. Ma-encourage sa kaniyang kuwento at alamin kung paano niya tuluyang tinanggap ang Panginoon at nilakaran ang tamang landas patungo sa maayos na buhay.
Maraming beses na sinubukang takbuhan ni Allan ang Diyos. Subalit, paulit-ulit din siyang binibigyan ng Diyos ng bagong pagkakataon at pag-asa. Hanggang sa kinatagpo siya ng Panginoon na naging daan upang maliwanagan ang kaniyang isip. Ito na nga ba ang simula ng pagbabagong buhay ni Allan?
Muling binisita si Allan ng kaniyang ama sa pag-aakalang maaayos pa ang kanilang relasyon. Subalit imbis na matuwa, poot ang naramdaman ni Allan. Mas lalo ring sinira ni Allan ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng droga at mga bisyo. Ilang beses din siyang napaalis sa kolehiyo at huminto sa pag-aaral. Sa gitna ng magulong buhay na nararanasan ni Allan, saan nga ba niya matatagpuan ang bagong pag-asa?
Nang magkaroon ng pagkakataon na makalaya sa puder ng ama, winasak naman ni Allan ang kaniyang buhay sa pagbibisyo tulad ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Humantong na rin siya sa puntong nais na niyang tapusin ang kaniyang buhay upang matapos na ang paghihirap na kaniyang dinaranas. Subalit, patuloy pa rin siyang nakaligtas sa panganib. Saan pa dadalhin si Allan ng galit sa kaniyang puso? Makalaya pa nga ba siya mula dito?
Sa murang edad ni Allan, nakaranas na siya ng matinding pang-aabuso mula sa kaniyang ama. Naging mas malala pa ito nang umalis ang kaniyang ina upang magtrabaho sa ibang bansa. Ito ang naging dahilan upang magkaroon ng matinding galit si Allan sa kaniyang ama. Paano makakalaya si Allan sa magulong tahanan? Hanggang kelan niya mararanasan ang pagmamalupit ng kaniyang ama?