Hindi ka nag-iisa sa laban ng buhay. Kakampi mo ang Diyos at tutulungan ka Niyang malampasan ang bawat problema. Kaya’t huwag kang matakot!

Hindi sagot ang pagpapakamatay upang matakbuhan ang iyong mga problema. Hayaan mong tulungan ka ng Diyos. Kaya Niyang baguhin ang buhay mo at Siya ang iyong magiging gabay patungo sa landas ng pagbabago.

Nakikita ng Diyos ang sitwasyon mo ngayon. Ramdam mo man na hindi fair ang buhay, alam ng Panginoon ang iyong pangangailangan at kaya ka Niyang tulungan. Huwag kang mawalan ng pag-asa. God sees your situation.

Higit na makapangyarihan ang Diyos kaysa sa ano mang masamang espiritu. Kaya't kung nais mong makalaya mula sa tanikala na bumibihag sa 'yo, tawagin mo lang ang pangalan ng Panginoong Hesus. Ialay mo ang iyong buhay sa Kaniya at Siya ang iyong gawing gabay. May kalayaan sa Panginoon!

Nakikita ng Diyos ang sitwasyon mo. At hindi mo kailangang matakot dahil alam Niya kung paano ka tutulungan. Kailangan mo lang manamplataya na Siya ang Diyos na nagbibigay ng magandang buhay. Hindi ka bibiguin ng Panginoon.

Nasaktan ka na ba o naloko? Hayaan mong tulungan at palayain ka ng Panginoon mula sa sakit at kalungkutan na nararamdaman mo. Huwag mong isipin na walang nagmamahal sa 'yo. You are loved by God, and you are precious in His eyes.

Marami ka mang haraping pagsubok sa buhay, nariyan palagi ang Panginoon upang tulungan ka. Patuloy kang manampalataya dahil hindi ka bibiguin ng Diyos.
Tapat ang Diyos sa lahat ng oras. Nakikita Niya ang iyong kinalalagyan at alam ng Panginoon kung paano ka tutulungan. Patuloy kang kumapit sa Kaniya at huwag kang mawalan ng pag-asa. Always believe that God can turn your bad situation into good.
Sawa ka na ba sa paulit-ulit na problema na dumarating sa iyong buhay? Nais mo na bang makaranas ng pagbabago? Hindi pa huli ang lahat para sa 'yo! Laging handa ang Diyos upang tanggapin ka at bigyan ng bagong simula. Lumapit ka lang sa Kaniya dahil ang Diyos ang daan patungo sa tunay na pagbabago.
Sa tuwing humaharap ka sa problema, tandaan mo na kaya kang iligtas at tulungan ng Diyos. Manampalataya ka lang sa Kaniya dahil hindi Niya pinababayaan ang mga taong sa Kaniya ay nagtitiwala. Ililigtas ka Niya!
Let God restore your relationships. Kaya ka Niyang tulungang patawarin ang mga taong nakasakit sa 'yo. Hindi hahayaan ng Diyos na malugmok ka sa sakit ng nakaraan. Ilapit mo lang ito sa Panginoon dahil handa Siyang tulungan ka na maiayos ang nasira mong relasyon.
Sa panahon na kailangan mo ng masasandalan, may Diyos ka na iyong makakaagapay. Hindi ka Niya pababayaan at handa ka Niyang tulungan sa laban mo sa buhay. Manampalataya ka lang sa Kaniya dahil alam ng Panginoon kung paano ka tutulungan sa iyong mga problema.
Sobra na ba ang bigat ng problema na iyong dinadala? Huwag kang susuko! Nakikita ng Diyos ang iyong sitwasyon. Puwede mong ilapit sa Kaniya ang iyong pinagdaraanan. Trust God for He will help you carry your burdens.
Ipagkatiwala mo sa Diyos ano man ang iyong pinagdaraanan at tiyak na mararanasan mo ang pagbabago at masayang buhay na laan Niya para sa iyo. Huwag kang mawalan ng pag-asa! Hindi pa tapos ang Panginoon sa buhay mo.
Ang Salita ng Diyos ay tunay na makapangyarihan. Kaya tayo nitong tulungan na malampasan ang mga pagsubok natin sa buhay. Dito rin natin mababasa ang mga pangako ng Panginoon na maaari nating panghawakan.
Normal lang na makaramdam ng lungkot sa tuwing hindi umaayon sa plano ang mga nais natin. Pero alam mo ba na kung hihingin mo ang tulong at gabay ng Panginoon sa pagbuo ng iyong mga plano, ano man ang mangyari, you can be confident in His plans. He will surely work all things together for good; to those who love Him and are called according to His purpose.
Hindi man maganda ang sitwasyong kinalalagyan mo ngayon, kumapit ka lang sa Panginoon! He is always ready to help you in times of need. Kaya’t ‘wag kang mawalan ng pag-asa dahil may magandang plano ang Diyos sa buhay mo.

Biktima ka ba ng pang-aabuso na halos sumira na sa iyong buhay? Kung naghahanap ka ng tutulong sa ‘yo upang makapagsimula muli, may Diyos tayo na puwede mong lapitan. Siya lamang ang may kakayahang ayusin ang iyong nasirang buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa! God can restore your broken life.

Sa tuwing sinusubok ng problema ang iyong pananampalataya, patuloy ka lang na magtiwala sa Diyos. Ang naniniwala sa Kaniyang Salita ay kailanma’y hindi mabibigo. Huwag mong hayaan na matalo ka ng takot at pangamba, kapatid. Your faith in God will give you a strong foundation in life.
Ano ang nais mong baguhin sa iyong buhay ngayon? Relasyon? Makalaya sa bisyo? Utang? Kung sa tingin mo ay wala nang paraan upang makapagsimula kang muli, alalahanin mo na walang imposible sa Panginoon. Kaya Niyang baguhin ano man ang nasira sa iyong buhay. Hindi ka bibiguin ng Diyos.