Hindi mo kailangang magpakahirap na i-please o kunin ang loob ng mga taong nakapaligid sa ‘yo para lang magustuhan ka nila. May Diyos na nais kang mahalin kahit sino ka man o ano man ang iyong nakaraan. Handa Siyang iparanas sa ‘yo ang Kaniyang wagas na pag-ibig. Nais mo ba Siyang makilala? Panoorin ngayong gabi ang The 700 Club Asia, Wednesday, June 7, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA, for stories that will help you experience God’s great love.

Patuloy ka mang hinihila pababa ng mga pagsubok sa buhay, lagi mong tandaan na may Diyos na handang umalalay sa ‘yo. Kaya ka Niyang tulungan kahit na nasa gitna ka ng magulong sitwasyon. Maaasahan mo ang Panginoon!

Pilit bang sinusubok ng problema ang relasyon ninyong mag-asawa? Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Tutulungan kayo ng Diyos na maitaguyod ang inyong pamilya. Patuloy kayong magtiwala sa Kaniya dahil Siya ang susi sa matagumpay na pagsasama. Hindi Niya kayo pababayaan.

Dumaan ka man sa matinding hamon ng buhay, makakasiguro ka na hindi ka pababayaan ng Diyos. Mahal ka Niya at ipagtatanggol ka mula sa ano mang gawa ng kaaway. Be encouraged as you watch tonight’s episode of The 700 Club Asia, Friday, June 2, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA.
Hindi ka na ba makausad dahil sa dami ng iyong problema? Gusto mo na bang sumuko dahil nawawalan ka na ng pag-asa? Tuloy lang! Kasama mo ang Diyos. He is on your side. Hindi ka Niya iiwan sa gitna ng pagsubok; Siya ang iyong sandigan at tulong sa oras ng pangangailangan.
Lahat tayo ay dumaraan sa matitinding pagsubok. Minsan, nakakawala ito ng pag-asa hanggang sa punto na nais mo na lang sumuko at bumitaw. Pero alam mo ba na puwede mong isuko sa Panginoon kung ano man ang iyong dinadala? Puwede mo Siyang pagkatiwalaan. Tutulungan ka Niya na mapagtagumpayan ang iyong mga problema.

Our God is a great provider! Nakakaranas ka ba ngayon ng kagipitan? Makakaasa kang kayang baguhin ng Diyos ang sitwasyon mo. Hindi ka Niya pababayaan at kaya Niyang ibuhos sa iyong buhay ang pagpapala. Magtiwala ka lang sa Kaniya.

Our God is a great provider. Dumaan ka man sa financial challenges, hinding-hindi ka Niya pababayaan. Higit pa sa mga ibon sa himpapawid ang pagmamahal sa iyo ng Panginoon. Hindi ka Niya hahayaang magkulang.

Huwag kang matakot sa mga problemang dumarating sa iyong buhay. Sa katunayan, normal lang ang mga pagsubok na 'yan at dapat asahan. Pero tandaan mo na hindi ka kailanman pababayaan ng Diyos. Sasamahan ka Niya at tutuparin Niya ang lahat ng Kaniyang plano sa iyong buhay. Bumangon ka at 'wag kang mawalan ng pag-asa. Rejoice, because God is faithful to His promises!
Madaling mawalan ng pag-asa lalo na kung matindi ang pinagdaraanan natin sa buhay. Mabuti na lang at ang Diyos na ating sinasamba ay kayang gumawa ng himala. Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa!
Hindi talaga maiiwasan ang matitinding pagsubok sa buhay. Mabuti na lamang at mayroon tayong Diyos na handang tumulong sa atin. Magtiwala ka sa kaya Niyang gawin sa buhay mo. He has the power to turn your trials into a series of victories!
Parang pasan mo ba ang mundo dahil sa bigat ng iyong mga problema? Nawawalan ka na rin ba ng pag-asang makakaahon ka pa sa kahirapan? Gaano man katindi ang pagsubok na iyong pinagdaraanan, alalahanin mo na mayroon kang kakampi sa laban ng buhay. Nariyan ang Diyos upang tulungan at samahan ka. Learn from Him and receive power, strength, and rest.
Kapag inuna mo ang Diyos, papatunayan Niya sa 'yo na tapat Siya sa Kaniyang pangako -- pangako ng pagpapala, kagalingan, o kapayapaan sa puso at isipan. Walang makakapigil sa plano at pangako ng Diyos na pagpalain ang iyong buhay. Kaya kung dumaraan ka man sa matinding problema, makakaasa ka sa tulong ng Diyos.
Ano ang ipinapanalangin mo sa mga oras na ito? Kagalingan? Kaginhawaan? Maayos na relasyon? Ano man ang nilalaman ng puso mo, kaya 'yang ipagkaloob ng Diyos sa 'yo. Alam Niya kung ano ang kailangan mo kaya huwag kang mangamba. Kaya kang pagpalain ng Diyos!
Madalas, pakiramdam natin na wala nang makakatulong sa atin sa tindi ng ating pinagdaraanan. Mabuti na lamang at laging may solusyon ang Diyos. Puwede tayong lumapit sa Kaniya sa tuwing nawawalan na tayo ng pag-asa. Hinding-hindi Niya tayo bibiguin at lagi Siyang handang umalalay sa atin.
Sa kahit anong pagsubok na maaari mong pagdaanan, lagi mong isipin na may tapat na Diyos na handang tumulong sa 'yo. Sasamahan ka Niya at hindi kailanman iiwan, kaya't manampalataya ka sa Panginoon! Tutulungan ka Niyang makabangon muli.
Alam mo ba na kung lagi mong sasarilinin ang mga problema na iyong dinadala, patuloy ka lang mapapagod? May Diyos tayo na handang tumulong sa iyo, kapatid. Nais Niya na makaranas ka ng maayos na buhay kaya't huwag kang mahiya na ilapit sa Kaniya ang lahat ng bigat na pinagdaraanan mo. Tutulungan ka ng Panginoon.

Sa gitna ng sunod-sunod na pagsubok, posible pa nga ba na maranasan ang masaganang buhay? Kung nawawalan ka na ng pag-asa, nais naming ipaalala sa 'yo na maaari kang lumapit sa Diyos at humingi ng tulong. Bibigyan ka Niya ng lakas sa gitna ng iyong mga problema. Tapat Siya sa lahat ng Kaniyang salita. Kaya ka Niyang tulungan!

Walang sino man ang tuluyang makakapagbago ng sirang buhay ng tao, kundi ang Diyos lang. Makakabangon ka at magkakaroon ng bagong pag-asa. Sa tulong Niya, maaari kang makapagsimulang muli.
Sa tuwing nakakaranas ka ng takot dulot ng problema, lagi mong tandaan na nakikita ng Diyos ang iyong sitwasyon. May solusyon Siya sa lahat ng iyong pinagdaraanan, at hindi ka Niya pababayaan. ‘Wag kang mawalan ng pag-asa!

Showing 141–160 of 221 results