Isa sa mga hiling ng mga bagong mag-asawa ang magkaroon ng anak. Ito rin ang dalangin ng mag-asawang Joebert at Vangie sa Panginoon. Hindi naman sila binigo ng Panginoon at nagkaroon ng supling. Subalit, matapos nito, humarap naman sila sa matinding pagsubok? Ano nga ba ito?
Sa kabila ng magulong pagsasama ni Sheila at kaniyang asawa, paano nga ba kumilos ang Diyos sa kanilang relasyon upang manumbalik ang kanilang pagmamahalan?
Habang tumatagal ay mas lumalala ang magulong pagsasama ni Sheila at kaniyang asawa. Naisipan na rin niyang tapusin ang kaniyang buhay para lamang malampasan ang kalbaryong kinakaharap. Subalit, parati rin itong napipigilan. Hanggang saan nga ba kayang kumapit ni Sheila upang maitaguyod ang pamilyang sinimulan? May pag-asa pa nga bang magbagong buhay ang kaniyang asawa?
Ngayong nakita na ni Sheila ang totoong ugali ng asawa, laking problema sa kaniya kung paano pa siya makakawala sa relasyong kaniyang pinasok. Mas lumala pa ito nang may aminin sa kaniya ang kaniyang asawa. Ano nga ba ito?
Nagkaroon ng nobyo si Sheila na isang foreigner. Subalit tutol dito ang kaniyang ama kaya naman ganoon na lamang ang paghihigpit kay Sheila. Bagamat nabigyan ng paalala tungkol sa karelasyon, ipinagpatuloy pa rin ni Sheila ang pagpapakasal sa kaniyang nobyo. Anong buhay ang naghihintay kay Sheila ngayong sinuway niya hindi lang ama kundi pati na rin ang tinuturing niyang spiritual leader?
Walang nagawa si Sheila kundi ang manahimik nang makaranas ng pang-aabuso sa kanilang family driver. Sa murang edad, hindi nagawang magsumbong sa mga magulang at mas pinili na lamang na manahimik. Ano ang naging epekto nito kay Sheila hanggang sa kaniyang pagtanda?
Hindi man naging maayos ang naging simula ni Loribel sa buhay, hindi naman hinayaan ng Panginoon na hindi maranasan ni Loribel ang magandang planong inilaan Niya. Ano nga ba ang ginawa ni Loribel upang makamit ang matagumpay na buhay?
Laking pasasalamat ni Loribel nang matapos na ang gyera sa Marawi. Subalit, hindi doon natapos ang misyon ni Loribel. Muli siyang tinawag ng Panginoon na bumalik sa kanilang lugar upang ipagpatuloy ang kaniyang nais na maging isang doctor. Laking pangamba naman ni Loribel kung saan siya kukuha ng kaniyang panggastos sa pag-aaral.
Matapos ang sunod-sunod na pagpapalang natatanggap ni Loribel, panibagong pagsubok naman ang kaniyang kinaharap. Nakaranas siya ng isang matinding sakit, dahilan upang makaramdam siya ng takot at pangamba. Subalit, isang araw ay nangusap sa kaniya ang Panginoon sa pamamagitan ng isang panaginip. Ano nga kaya ito? Sumunod nga ba si Loribel sa kabila ng pagsubok na kinakaharap?
Nagpatuloy si Loribel sa pagdalo sa gawain ng Panginoon. Dito ay kaniyang nakita ang pagkilos ng Diyos sa kaniyang buhay. Sunod-sunod din ang pagpapalang natatanggap ni Loribel kaya’t laking pasasalamat niya sa Diyos.
Hindi naging madali ang buhay para kay Loribel at sa kaniyang pamilya. Minsan ay isang beses lamang sila kung kumain dahil sa kakapusan sa buhay. Sumabay pa rito ang magulong relasyon ng kaniyang ama’t ina. Anong buhay ang naghihintay kay Loribel kung sa murang edad pa lamang ay ito na ang kaniyang kinagisnan?
Ilang beses naglabas-pasok sa kulungan si Boy at nasampahan ng iba’t-ibang kaso. Subalit, sino ang mag-aakala na magkakaroon pa siya ng maayos na buhay? Sino ang tumulong sa kaniya upang magsimulang muli?
Dala ng kahirapan, hinikayat si Boy ng kaniyang asawa na bumalik sa masamang gawain. Subalit patuloy na tumatanggi si Boy dahil sa pangungusap ng Panginoon sa kaniya. Hanggang sa patuloy na sinubok si Boy at ang kaniyang pamilya sa kanilang pangangailangan sa pera. Muli nga bang matutuksong bumalik si Boy sa masamang gawain?
Tuluyan mang nakalaya si Boy mula sa pagkakakulong, siya naman ang pinagdiskitahan ng kaniyang dating amo. Binaril si Boy at tinamaan ng tatlong beses, dahilan upang maging kritikal ang kaniyang kalagayan. Sa sitwasyong ito, nakita ni Boy ang pagkilos ng Panginoon sa kaniyang buhay. Sa anong paraan nga ba ito nangyari?
Imbes na maging matino, mas lalong lumala ang kasalanang ginagawa ni Boy sa kaniyang buhay. Natuto siyang pumatay sa edad na 19 at napabilang sa mga most wanted person sa kanilang lugar. Subalit, ano nga bang dahilan kung bakit humantong sa ganitong sitwasyon si Boy?
Nanggaling si Boy sa isang magulong pamilya. Naghiwalay ang kaniyang mga magulang nang dahil sa pang-aabuso ng kaniyang ama. Upang may maipangtustos sa pangangailang nilang magkakapatid, nagtrabaho bilang hostess sa club ang kaniyang ina. Dito nagsimulang makaranas ng pangungutya si Boy mula sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Saan nga ba humantong ang galit sa puso ni Boy dala ng madilim na nakaraan sa pamilya at mapanuksong kapaligaran?
Ano ang naging sikreto ni Lynn upang malampasan lahat ng pagsubok na kaniyang kinaharap sa buhay? Sino ang kaniyang naging kakampi sa oras ng kagipitan?
Laking pasalamat ni Lynn sa Panginoon nang tulungan siyang malampasan ang kaniyang karamdaman. Subalit, hindi pa rin doon natatapos ang pagsubok sa kaniya ng kaaway. Panibagong problema ang kinaharap ni Lynn nang masangkot ang isa pa niyang anak sa aksidente. Ito na nga ba ang magpapasuko kay Lynn?
Hindi pa man tuluyang naghihilom si Lynn mula sa pagkawala ng anak, panibagong pagsubok na naman ang kaniyang kinaharap. Nalaman ni Lynn na mayroon din siyang matinding sakit na puwedeng tumapos sa kaniyang buhay. Ngunit bakit mayroong kapayapaan si Lynn sa kabila ng kaniyang nararanasan? Saan nga ba siya humuhugot ng lakas ng loob?

Showing 141–160 of 198 results