When you feel uncertain because of trials, know that there is a God whom you can trust. Have faith in His promises and find the courage to face life's challenges with assurance and peace from Him. God will never let you down.
Alam mo ba na may pamilya kang matatakbuhan sa gitna ng iyong mga pinagdadaanan? Oo, kapatid. Nariyan ang Diyos upang yakapin ka at iparanas sa ‘yo ang pagmamahal ng isang pamilya. Hindi ka pa man lumalapit sa Kaniya ay nakahanda na Siyang tanggapin ka sa lahat ng oras at panahon. May nagmamahal sa ‘yo.
Ang kabutihan ng Diyos ay walang pinipiling panahon. Maaari mo itong maranasan sa lahat ng oras. Kaya kung humaharap ka ngayon sa matinding pagsubok, makakaasa ka na tutulungan ka ng Diyos at hindi pababayaan kailanman.
Sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos. (Luke 1:37) Isa lamang ito sa maraming pangako ng Diyos para sa Kaniyang mga anak. Kaya kung sa tingin mo ay wala ng daan patungo sa tagumpay, patuloy ka lamang manampalataya kay Hesus dahil hindi ka Niya bibiguin kailanman. Sa Kaniya, walang imposible.
Paulit-ulit ka man dumanas ng pagsubok, makasisiguro ka na ang Diyos ay laging handa na tulungan ka at iparanas sa 'yo ang matagumpay na buhay. Kaya huwag kang susuko sa bawat laban dahil tapat ang Diyos sa Kaniyang mga pangako magpakailanman.
Gaano man kabigat ang pagsubok na iyong kinakaharap, may solusyon ang Diyos upang tulungan ka na makabangon muli. Huwag kang susuko, kapatid. Hindi ka pababayaan ng Diyos kailanman. Maaasahan Siya sa lahat ng oras.
May bagay ka ba na kinatatakutan ngayon? Wala ka bang kapayapaan dahil sa pagsubok na iyong kinakaharap? Huwag kang matakot, kapatid dahil hindi ka iiwan ng Diyos. Sasamahan ka Niya sa bawat laban ng buhay at ibibigay sa 'yo ang katagumpayan laban sa mga pagsubok. Manampalataya ka lang sa Kaniya.
Napupuno ka ba ng takot at pangamba? Huwag kang mag-alala. Nariyan si Hesus na kasama mo patungo sa tagumpay ng buhay. Hindi ka Niya bibitawan o iiwan kailanman. Manamplataya ka lang sa Kaniya.
Anong panalangin ang nais mong i-mine ngayon? Be in faith! You can claim victory over your prayers for God will never fail you and He will be your guide.
Mahirap man makita ang katagumpayan dahil sa sitwasyon na kinaroroonan mo ngayon, siguradong makakaasa ka sa pangako ng Diyos na tutulungan ka Niyang malampasan ang bawat pagsubok na iyong kinakaharap. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Know that with God, victory is possible. Watch our 5th night of #TagumpayIMineMoNa at midnight on GMA.
Gaano man katindi ang sakit na iyong pinagdaraanan, kaya pa ring gumawa ng Panginoon ng himala sa iyong sitwasyon. Walang imposible sa Kaniya dahil Siya ang ating Dakilang Manggagamot.
Nakakaranas ka ba ng kakapusan sa pera? Lagi ka bang nag-aalala kung paano makakaraos sa araw-araw? Know that we have a God who can provide all your needs. He can help you overcome poverty and experience victory over it.
Naghahanap ka ba ng makakasama upang maabot ang matagumpay na buhay? We want to introduce you to someone who can help you achieve true victory. Know the answer by watching our 2nd night of #TagumpayIMineMoNa at midnight on GMA.
Puno ka ba ng problema at nawawalan na ng pag-asa? Learn and discover how you can experience victory amid trials as you watch the first night of #TagumpayIMineMoNa, midnight on GMA.
Alam mo ba na kahit hindi naging maganda ang iyong nakaraan, posible mo pa ring maranasan ang magandang buhay? Oo, kapatid. Walang imposible sa Diyos. Allow Him to reveal Himself and His beautiful plans for you.
Si Hesus ang iyong saklolo sa gitna ng mga pagsubok na iyong kinakaharap. Lagi ka lamang tumawag sa Kaniya dahil handa Siyang tulungan ka sa bawat oras. Hindi ka bibiguin ng Panginoon sapagkat Siya ang ating matibay na sandigan.
Nais mo bang mas matutunan pa kung paanong magmahal at magbigay ng respeto sa iba? Your best example is Jesus! Lumapit ka lamang sa Kaniya at hayaan Siyang turuan ka.
Have you ever wondered why bad things happen to good people? Or where God is in the middle of a bad situation?
Nais mo na bang iwan ang iyong dating pamumuhay? Gusto mo na bang magbago subalit hindi mo alam kung paano sisimulan? May makakatulong sa ‘yo. Siya ay si Hesus. Ano man ang iyong nakaraan, kaya Niyang bigyan ka pa rin ng bagong simula. Ialay mo lamang ang iyong buhay sa Kaniya.