Nahihirapan ka na bang magtiwala muli dahil sa iyong mga naranasan? We want to encourage you dahil mayroon tayong Diyos na mapagkakatiwalaan at maasahan sa lahat ng oras. Kailanman ay hindi Niya binigo ang mga nagtitiwala sa Kaniya nang lubos.
Sa kabila ng matitinding pagsubok ng buhay, mayroon pa bang pag-asa upang makamtan ang totoong tagumpay?
Gaano man kabigat ang pagsubok na iyong kinakaharap, huwag kang mapagod na magtiwala sa Diyos. May kalakip na pagpapala ang kay Hesus ay nananamplataya. Kumapit ka lamang sa Kaniya. Hindi ka Niya bibiguin.
Posible nga ba na mabuo ang buhay na nawasak ng nakaraan? Huwag kang mawalan ng pag-asa! Sa tulong ng Diyos, mabubuo natin muli ang ating buhay. Patuloy ka lang maniwala at manamplataya sa Kaniya.
Dahil kay Hesus, maaari mo nang maranasan ang tunay na kalayaan mula sa mga tanikala sa iyong buhay. Kahit pa naging magulo ang iyong nakaraan, kaya itong baguhin ng Panginoon. Walang imposible sa kapangyarihan ng Diyos kaya’t patuloy kang manampalataya sa Kaniya.
Huwag kang mawalan ng pag-asa sa tuwing humaharap ka sa matinding pagsubok. Nakikita ng Panginoon ang iyong sitwasyon at may sagot Siya sa bawat problema na iyong pinagdaraanan.
Alam mo ba na sa kabila ng iyong mapait na nakaraan, puwede mo pa ring maranasan ang maayos na buhay? Oo, kapatid. Sa oras na hayaan mo ang Panginoon na samahan ka sa bawat pagkakataon ng iyong buhay, mas lalo mong makikita kung gaano ka Niya kamahal. Tutulungan ka Niyang muling makabangon at mapagtagumpayan ang mga kinakaharap mo sa buhay.

Walang hindi kayang gawin ang Diyos sa buhay mo. Lagi Siyang may solusyon, ano mang pagsubok ang iyong kaharapin at sa iyong patuloy na pagtitiwala sa Kaniya, mas lalo mong makikita na kailanman ay hindi ka Niya bibiguin. Huwag kang mawalan ng pag-asa, kapatid. Walang imposible sa Diyos.

Pakiramdam mo ba na tila wala nang patutunguhan ang iyong buhay? Nawawalan ka na rin ba ng pag-asa at nais mo na lang sumuko? Hindi pa huli ang lahat para sa ‘yo, kapatid. Kay Hesus, maari mong maranasan ang bagong simula, panibagong pag-asa, at ang maayos na buhay.

Pagod ka na ba sa paulit-ulit na sakit na iyong dinaranas sa buhay? Nais mo bang makalaya mula sa nakaraan? Kay Hesus mo matatagpuan ang totoong kalayaan. Kaya Niyang palitan ng pagmamahal, ano mang sakit ang mayroon sa iyong puso.

Discover how God can help you achieve your dreams as you watch tonight’s episode of The 700 Club Asia, Tuesday, April 16, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA.

Alam mo ba na kaya kang palayain ng Panginoon mula sa iyong nakaraan? Oo, lumapit ka lamang sa Kaniya dahil Siya ang Diyos na kayang ayusin ano man ang nasira sa buhay mo. Isuko mo lamang ang iyong buhay kay Hesus. Hindi ka Niya bibiguin.

Hindi pa huli ang lahat upang maranasan mo ang magandang buhay, kapatid. Tutulungan ka ng Diyos na mabawi ano mang nawala sa iyong buhay at papalitan Niya ito ng mas maganda. Kailangan mo lang na magtiwala sa Kaniya. Tapat ang Diyos sa Kaniyang mga pangako.

Nais mo bang makalaya mula sa masamang gawain? Naghahanap ka ba ng tutulong sa ‘yo upang magkaroon ng bagong simula? Si Hesus ang sagot sa iyong pangangailangan. Siya ang iyong tagapagligtas at tutulong sa ‘yo na makapagsimula muli sa kabila ng iyong nakaraan. Lumapit ka lamang sa Kaniya at isuko ang iyong buhay.

Nahihirapan ka na bang magtiwala dahil sa sakit na naidulot ng nakaraan? Huwag kang mag-alala, kapatid. Tutulungan ka ng Diyos na mawala ang iyong takot at muling matutunan kung paano magtiwala. Kailanman ay hindi Niya binigo ang Kaniyang mga pangako sa atin kaya naman Siya ay tunay mong mapagkakatiwalaan ng iyong buhay.

Kasama mo ang Diyos, ano pa man ang problemang harapin mo. Kailangan mo lang magtiwala sa Kaniya at hayaan Siyang maghari sa buhay mo. Nakikita ni Hesus ang iyong sitwasyon kaya’t makakaasa ka na hindi ka Niya pababayaan.

Pinatawad ka na ng Diyos sa lahat ng iyong mga pagkakamali. Malaya ka na mula sa nakaraan at ito na ang bagong simula para sa iyo. Tutulungan ka ng Diyos na lakaran ang panibagong buhay na ibibigay Niya. Mahal at tanggap ka ng Diyos.

Gusto mo na bang sumuko dahil sa sunod-sunod na pagsubok na iyong kinakaharap? Huwag kang mawalan ng pag-asa, kapatid. Nakikita ng Diyos ang iyong sitwasyon. Huwag kang mapagod na maniwala at manalangin sa Kaniya. Tutulungan ka Niya sa laban ng buhay.
Hindi binibigo ng Diyos ang mga taong sa Kaniya ay nagtitiwala. Kaya kung may pinagdadaanan ka man ngayon sa buhay, huwag kang mahiyang lumapit sa Panginoon. Tutulungan ka Niya na malampasan ang mga pagsubok sa buhay mo basta’t magtiwala ka lamang sa Kaniya. Hindi ka iiwan ng Diyos.