May makakatulong pa nga ba kay Johnwell na makalaya mula sa tanikala ng adiksyon? O huli na ang lahat para siya ay magbago?
Ngayong kumakatok na ang salita ng Diyos sa puso ni Johnwell patungo sa pagbabago, tanggapin niya kaya ito? O mas nanaisin niya na lakaran ang makasalanang buhay na kaniyang nakasanayan?
Inakala ni Aprila na bisyo lamang tulad ng droga, alak, at paglalaro ng computer games ang magiging problema niya sa asawang si Johnwell. Subalit hindi niya inaakala na mas may lalala pa pala sa mga ito, na siyang mas makakaapekto sa relasyon nilang mag-asawa. Ano kaya ito?
Ngayong tuluyan nang nawasak ang pamilya ni Johnwell dahil sa pabayang ama, may rason pa ba upang ipagpatuloy ang kaniyang mga pangarap? O matatalo siya ng galit na dinadala sa kaniyang puso?
Sa likod ng mga pinagdaanan ni Amelia sa buhay, ano ang naging simula upang makalaya siya mula sa madilim na nakaraan? Paano siya nakalaya sa tanikala ng kasalanan?
Sa muling pagkikita ni Amelia at kaniyang ama, muli ring bumalik sa kaniyang alaala ang pang-aabusong kaniyang naranasan mula dito. Maiayos pa kaya ang kanilang relasyon? Magkaroon nga ba ng tunay na kapatawaran sa kabila ng mabigat na kasalanan na nagawa sa kaniya ng ama?
Katulad ng kaniyang ina, naranasan din ni Amelia ang mabaon sa utang at pumasok sa maling relasyon. Paano ngayon haharapin ni Amelia ang patong-patong na problema na kaniyang kinakaharap? Totoo nga bang naipapasa ang kasalanan ng magulang sa kanilang mga anak?

Sa murang edad, nakaranas na ng pang-aabuso si Amelia mula sa kaniyang ama. Matagal niya itong itinago, na kalaunan ay naging dahilan upang magkaroon siya ng galit sa kaniyang puso.

Paano naranasan ni Jason ang pag-ibig ng Diyos na siyang bumago sa kaniyang buhay? Ano ang naging hakbang upang lakaran niya ang tamang landas pagkatapos ng madilim na nakaraan?
Inakala ni Jason na tapos na ang kaniyang paghihirap nang dalhin siya sa bilangguan. Subalit ang hindi niya inaakala, mayroong mas matinding pagsubok na naghihintay sa kaniya. Ano kaya ito?
Anong buhay ang naghihintay kay Jason ngayong hawak na siya ng awtoridad dahil sa patong-patong na kasalanan? Malampasan kaya niya ang madilim na buhay na kaniyang kinakaharap?
Nang masimulan ni Jason ang nakasanayang pagnanakaw, humantong pa ito sa mas marami at malalang kasalanan. Ano nga ba ang buhay na naghihintay kay Jason dahil sa maling desisyon na kaniyang ginagawa?

Malaki ang naging epekto kay Jason nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Nagkaroon ng galit sa kaniyang puso dahilan upang maging miserable ang kaniyang buhay. Hanggang saan nga ba hahantong ang pagtatanim niya ng galit sa ama?

Sa dinami-rami ng mga pagsubok na kinaharap ng pamilya ni Dick, magkaroon pa kaya ng kapatawaran sa kanilang pamilya? Ano ang naging simula upang maibalik ang pagmamahalan sa kanilang tahanan?

Dahil sa paulit-ulit na pambababae ni Dick, nagpasya na ang kaniyang asawa na makipaghiwalay sa kaniya. Bukod pa rito, sunod-sunod na rin ang mga away nilang mag-asawa na dumagdag sa dahilan upang itigil na ang kanilang pagsasama. Piliin nga ba ni Dick ang magbago at ayusin ang kanilang relasyon? O patuloy nang bitawan ang kaniyang pamilya?

Patong-patong na ang pagsubok na kinakaharap ni Dick. Maging ang asawa at anak niya ay naapektuhan na dahil sa mga maling desisyon na kaniyang ginawa. Mararanasan pa nga ba nila ang maayos na pamilya? Hanggang saan kakapit ang asawa’t anak ni Dick?

Ngayong napasok na ni Dick ang buhay na lulong sa gambling, ano nga ba ang naging epekto nito sa kaniya maging sa pamilya na kaniyang binuo?

Dala ng impluewensya sa paligid, paano nabuksan ang isip ni Dick upang magsimula na kahiligan ang pagsusugal? Hanggang saan hahantong ang ganitong bisyo?

God is our refuge and strength, a very present help in trouble. (Psalm 46:1) Always remember that you can run to God when your life is full of uncertainties and trouble. He will never let you down, for you can find a safe place in His presence. You can experience peace in the midst of trials by allowing God to reign in your life.