Dahil sa sunod-sunod na pagsubok na kinaharap ni Apple, ito na nga ba ang gigising sa kaniya upang talikuran ang masamang gawain? Tumugon kaya siya sa tawag ng Panginoon sa kaniyang buhay?
Maagang nakahiligan ni Apple ang paggamit ng mga panlalaking bagay kahit na siya ay isang babae. Malaya niya ring nagagawa ang kaniyang nais lalo na at hindi rin siya pinaghihigpitan ng kaniyang mga magulang. Subalit, ano nga ba naging resulta nito kay Apple habang siya ay lumalaki?
Matapos ang maraming pagsubok na kinaharap ng mag-asawang Rosie at Ronnie, paano nga ba mas nanaig ang kabutihan ng Diyos sa kanilang buhay?
Nais nang makalimutan ni Rosie ang pagkawala ng kaniyang anak. Subalit, pilit pa rin siyang hinahabol ng nakaraan lalo na’t nasangkot siya sa isang aksidente na kumitil din sa buhay ng isang bata. Paano nga ba muling hinarap ni Rosie ang panibagong pagsubok na ito?
Lumalim ang samahan ni Rosie at Ronnie at ‘di nagtagal, sila ay ikinasal. Biniyayaan sila ng anak na nagdala ng galak sa kanilang pamilya. Subalit ang saya na kanilang naranasan ay napalitan ng lungkot at takot nang malaman na may malubhang sakit ang kanilang anak. Ano nga ba ito?
Sa paulit-ulit na pagkakasala ni Joey, paano nga ba nangusap sa kaniya ang Panginoon? Tuloy-tuloy na nga ba ang kaniyang pagbabagong buhay?
Tuluyan na ngang tinalikuran ni Joey ang tawag ng Panginoon sa kaniya na maging lingkod. Nawasak na rin ang kaniyang pamilya dahil bumalik si Joey sa masasamang gawain. Anong buhay na ngayon ang naghihintay kay Joey? May pag-asa pa nga na magbalik-loob siya sa Panginoon?
Bagaman tumugon si Joey sa tawag ng Panginoon sa kaniya na maglingkod bilang Pastor, hindi pa rin niya maiwanan ang buhay na kaniyang nakasanayan. Naglilingkod man siya sa harap ng maraming tao, subalit iba naman ang kaniyang buhay sa tuwing bumababa sa pulpito. Anong buhay ang naghihintay kay Joey ngayong hindi niya mabitawan ang kasalanan na matagal nang bumibihag sa kaniya?
Sa tulong ng kapatid ni Joey, nakakilala siya sa Panginoon. Tinanggap niya Siya bilang Diyos at tagapagligtas at naging laman din siya ng simbahan. Subalit, nagpatuloy pa rin si Joey sa masamang gawain na humantong sa kasalanan. Hanggang kailan nga ba kakayanin ni Joey ang ganitong gawain? Mangusap nga ba sa kaniyang ang Panginoon?
Lumaki nang hindi nagabayang mabuti si Joey. Maagang pumanaw ang kaniyang ina samantalang madalas na wala ang kaniyang driver na ama na maagang umaalis upang maghanapbuhay. Ito ang dahilan upang malaya siyang gawin ang mga bagay na kaniyang gusto sa murang edad.
Dahil sa lumaki sa sirang pamilya si John, ganito na rin nga ba ang magiging kahihinatnan ng kaniyang tahanan? Maging mabuti nga ba siyang ama sa kaniyang pamilya?
Ngayong nakakilala na ang asawa ni John sa Panginoon, ninais nito na madala rin si John sa simbahan upang maranasan ang pagbabago sa kaniyang buhay. Subalit, ilang beses nang tumanggi si John at hindi maiwasan ang bisyo sa paglalaro ng computer games. Sumuko nga ba ang asawa ni John o patuloy na dinaan sa panalangin ang asawa?
Napariwara ang buhay ni John nang ipadala rin siya sa Zambales at makasama ang ama. Natuto siya ng iba’t-ibang bisyo pati na rin ang pinagbabawal na gamot. Naging masalimuot ang buhay ni John kaya naman nagdesisyon ang kaniyang ina na ipadala siya sa ibang bansa upang matakasan ang magulong buhay. Ang tanong, magtagumpay kaya siya?
Kinailangan ng ama ni John na umalis papuntang Zambales upang tulungan ang kaniyang tiyuhin sa negosyo. Kapalit nito ang pagpapagamot ng kaniyang ama dahil sa sakit sa kidney. Dahil dito, ang kaniyang ina ang nagsilbing ama para sa kaniya. Nagagampanan man ng kaniyang ina ang tungkulin, nakakaramdam pa rin si John ng kakulungan sa kaniyang puso.
Paanong nakalaya si Dayan sa tanikala ng pornography? Ano ang naging simula upang maranasan niya ang pag-ibig na matagal na niyang inaasam?
Ngayong nagdesisyon na si Dayan na talikuran ang panonod ng malalaswang palabas, nag-iwan naman ito ng matinding marka sa kaniyang buhay na tila ay hirap siyang makawala. Makalaya pa nga ba si Dayan sa tawag ng laman?
Nakakilala man sa Panginoon si Dayan, hindi pa rin siya makaalis sa pre-marital sex at pagkahumaling sa panonood ng malalaswang palabas. May daan pa nga ba na makawala siya sa ganitong buhay?
Hindi naging maganda ang naging karanasan ni Dayan at kaniyang ina mula sa ama. Ito ang naging dahilan upang naisin niya na hanapin ang pagmamahal sa iba’t-ibang lalaki. Kapareho ng kaniyang ina, matagpuan kaya nila ang mga lalaking tunay na magmamahal sa kanila?
Dahil sa panghihikayat ng tiyuhin ni Dayan, maaga siyang namulat sa panonood ng pornograpiya. Inakala niya na normal lang ito dahil sa malayang panonood na ginagawa ng kamag-anak sa kanilang tahanan. Ano nga ba ang naging epekto nito kay Dayan?