Sa dami ng problemang kinaharap ni Loida, paano binago ng Diyos ang takbo ng kaniyang buhay at ginamit ang mga pinagdaanan niya upang maging pagpapala sa ibang tao?
Nagkaroon ng nobyo si Loida na tinanggap siya sa kabila ng kaniyang sitwasyon. Mayroon mang babala na huwag ituloy ang pag-iibigan ngunit hindi ito pinakinggan ni Loida. Ano nga ba ang naging kapalit ng hindi niya pagsunod na nagdulot ng alitan sa kanilang pamilya?
Tila nawawalan na ng pag-asa si Loida dahil sa kaniyang tumitinding karamdaman. Pakiramdam niya’y pabigat na lamang siya sa kaniyang pamilya kaya hindi niya maiwasang isipin kung mas maigi na lang ba na mawala na siya sa mundo. Sa ganitong kinakaharap ni Loida, paano niya naranasan ang kapayapaan na nagbigay pag-asa sa kaniyang buhay?
Hindi pa man tuluyang nakaka-recover si Loida mula sa kaniyang unang operasyon, panibagong pagsubok na naman ang kaniyang kinaharap. Mayroon na namang pumutok na ugat sa kaniyang ulo na kinailangang ma-operahan agad. Lumalaki na rin ang kanilang gastos sa ospital kaya napilitan na ang kaniyang pamilya na magbenta ng kanilang mga ari-arian.
Minsan ka na rin bang napatanong kung bakit nga ba nakakaranas ng matinding sakit ang ibang tao? Ganyan ang pinagdaanan ni Loida nang malaman niyang mayroon siyang malubhang sakit. Sa kabila ng tagumpay na kaniyang natamo, hindi rin siya nakawala sa pagsubok na babago ng kaniyang buhay. Ano nga ba ito?
Muling nagkabalikan si Cindy at ang ama ng kaniyang ikalawang anak. Ngunit gustuhin man niyang manatili sa relasyon, masyado namang naging mapang-abuso ang kaniyang kinakasama. Nakaranas din ng pananakit maging ang kaniyang bunsong anak. Paano nga ba muling kinatagpo ni Hesus si Cindy at ipinaranas ang Kaniyang wagas na pag-ibig?
Isa sa tanging hiling ng anak ni Cindy sa kanyang kaarawan ay ang makilala ang kanyang tunay na ama. Labis naman ang pag-aalala ni Cindy kung maibibigay nga ba niya ito sa anak, lalo na’t matinding sakit at galit ang iniwan ng ama ng kaniyang anak sa kanya. Ngayon na naranasan na ni Cindy ang pag-ibig mula kay Hesus, ito na rin kaya ang simula ng kanyang pagpapatawad?
Matapos humarap sa matinding pagsubok, panibagong hamon ang kinailangang malampasan ni Cindy sa kaniyang buhay. Siya ay pinagsamantalahan at hindi nagkaroon ng pagkakataong maipagtanggol ang sarili sa nang-abuso sa kaniya. Gustuhin man ni Cindy na magsumbong ay mas pinili na lamang niyang manahimik, maiwasan lamang na mabigyan ng problema ang kaniyang mga magulang. Saan tatakbo si Cindy ngayong humaharap muli siya sa matinding problema? Kanino niya matatagpuan ang tulong na kaniyang kailangan?
Matinding sakit ang idinulot kay Cindy nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Nagkaroon siya ng matinding galit sa ama nang malamang bumuo siya ng ibang pamilya habang nagtatrabaho sa ibang bansa. Ito ang nagtulak kay Cindy upang magrebelde at hanapin ang pag-ibig sa ibang bagay.
Patapon na kung maituturing ang naging buhay ni Philip dahil sa kabi-kabilang kasalanan na kaniyang nagawa. Nalulong siya sa iba’t-ibang bisyo at nagkaroon ng maraming karelasyon. Dahil sa kawalan ng pag-asa na mararanasan pa ang maayos na buhay, inisip na niya ang magpakamatay. Subalit iba ang plano ng Diyos para kay Philip.
Bagama’t humarap sa sunod-sunod na pagsubok si Mary Joy, nakita pa rin niya ito na may plano ang Diyos sa kaniyang buhay. Panoorin kung paanong kumilos si Hesus sa buhay ni Mary Joy sa kabila ng matinding pagsubok na kaniyang pinagdaanan.
Dahil sa pagkawala ng ama ni Mary Joy, kinailangan niyang mas mag pursige upang makatulong sa kaniyang ina. Bagama’t malaking dagok para sa kanila ang kaniyang nakatatandang kapatid na mas lalong naging lulong sa droga dahil sa pagpanaw ng kaniyang ama. Kanino nga ba matatagpuan ni Mary Joy ang saklolo na matagal na niyang hinihintay? Makalaya pa nga ba siya sa madilim na bahagi ng kaniyang buhay?
Inakala ni Mary Joy na tapos na ang pagluluksa mula sa dalawang kapatid na pumanaw. Subalit, hindi pa man nakakahinga mula sa trahdeyang naranasan, panibagong pagsubok ang kanilang hinarap ng maaksidente ang kaniyang ama. Paano nga ba siya bumangon sa madilim na sitwasyon ng kaniyang buhay?
Dahil sa pagpanaw ng dalawang kapatid ni Joy, ninais niyang mas maging malapit sa natitira niyang kapatid. Ngunit, hindi ito naging madali dahil sa pagkakalulong ng kaniyang kuya sa droga.
Bagama’t salat sa buhay ang pamilya ni Joy, mayaman naman ang kanilang tahanan sa pagmamahal. Malapit siya sa kaniyang mga kapatid maging sa kanilang mga magulang. Subalit, dahil sa isang trahedya, nabalot ng lungkot ang dating masayang tahanan. Ano nga ba ang nangyari?
Sa ilang beses na pagkakadapa ni RC, paano niya nga ba ito nalampasan? Saan niya nahanap ang mga kasagutan sa kaniyang problema?
Dahil sa sunod-sunod na pagsubok na kinaharap ni RC, naisipan na niyang tapusin ang kaniyang buhay. Ito ang nakikita niyang solusyon upang matakasan ang mga problema. Saan nga ba matatagpuan ni RC ang tulong upang makalaya sa mga pagsubok na kaniyang kinakaharap? Sino ang kaniyang naging sandigan sa mga panahong ito?
Pilit na hinanap ni RC ang pagmamahal sa iba’t-ibang lalaki. Ito ang nakikita niyang paraan upang mapunan ang kakulangan sa kaniyang puso. Hanggang sa natagpuan niya ang kaniyang mapapangasawa na nagdala ng saya sa kaniyang buhay. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng mga supling subalit mayroong nagbago sa kanilang pagsasama. Ano nga ba ito? At saan hahantong ang problemang kanilang kinaharap?
Sumubok si RC na magsumbong sa kaniyang ina tungkol sa pang-aabuso ng kaniyang stepfather. Subalit hindi siya pinaniwalaan nito. Labis ang naramdaman na lungkot at sakit ni RC kaya binaling na lang niya ang atensyon sa barkada at iba’t-ibang bisyo. Ito ang kaniyng ginawang daan upang makalaya sa sakit na pinagdaraanan. Saan mahahanap ni RC ang tulong patungo sa pagbabago?
Bata pa lamang si RC nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Nagkaroon ng panibagong asawa ang kaniyang ina subalit nahirapan siyang tanggapin ito. Nakaranas din siya ng pang-aabuso sa kamay ng kaniyang stepfather. Anong buhay ang naghihintay para kay RC? Makalaya pa nga ba siya sa ganitong sitwasyon?