Malaking pagsubok para kay Niña na itaguyod ang dalawang anak simula nang maghiwalay sila ng kaniyang asawa. Nahirapan din siyang makahanap ng trabaho dahil hindi siya tapos ng pag-aaral. Naging mailap din siya sa pakikipagrelasyon sa kadahilanang takot siyang masaktang muli. Subalit nang makakilala siya ng isang lalaki, muli siyang nabighani kung paano siya tratuhin at pangakuan ng maayos na buhay.
Lumaki sa masaganang pamilya si Niña. Nabibigay ng kaniyang mga magulang ang lahat ng kaniyang hilig dahilan upang siya ay lumaki sa layaw. Hindi nagtagal, napariwara si Niña at maagang namulat sa mga bisyo. Sumabay pa rito nang maaga siyang magkaroon ng anak. Subalit, isang rebelasyon ang nabunyag kay Niña sa gitna ng hindi pagkakaunawaan niya at kaniyang nobyo. Ano ito?
Sa kabila ng sunod-sunod na sakit na dumaan kay Rose at sa kaniyang pamilya, saan sila humugot ng lakas upang malampasan ang lahat ng ito? At paano ginamit ng Panginoon ang mga pagsubok na ito upang lalong mapatibay at mapalalim ang kanilang pagmamahalan bilang isang pamilya?
Laking pasasalamat ni Rose nang maka-recover ang kaniyang anak sa pagkakaroon ng global development delay. Dito, ay mas nakita niya ang kapangyarihan ng pagtitiwala sa Panginoon. Subalit, hindi pa rin dito natatapos ang problemang kinakaharap ni Rose at kaniyang asawa. Patuloy pa nga bang kakapit si Rose sa Panginoon? O tuluyan na siyang lunurin ng problema?
Laking pasasalamat ni Rose sa Panginoon nang matugunan ang matagal na nilang panalangin. Nagkaroon sila ng anak na lalaki at ilang taon lang din ang pagitan ay biniyayaan naman sila ng kambal na babae. Ngunit, hindi ito naging madali para kay Rose at kaniyang asawa.
Katulad ng ibang mag-asawa, dalangin din nina Rose na magkaroon ng sariling pamilya. Ilang beses silang sumubok na makabuo subalit palagi silang bigo dahil sa sakit na mayroon si Rose. Ano nga ba ang karamdaman na mayroon si Rose? Matanggap pa kaya nila ang panalangin na matagal na nilang inaasam?
Kilala ang mga sundalo na isang magiting at matapang na mandirigma. Ganito ang katangian na mayroon si Leo. Subalit, imbes na lakaran ang tamang landas ay kaniyang ginamit ang kapangyarihan na mayroon upang manglamang ng kapwa. Nalulong din siya sa iba’t-ibang kasalanan na halos sumira sa kaniyang buhay. Isa kaya ang laban na ito na mapagtatagumpayan ni Leo?
Kilala si Pablo bilang pinuno ng P-pop group na SB19 na hindi lang recognized sa Pilipinas ngunit maging sa buong mundo. Ngunit sa likod ng tagumpay na tinatamasa ng kanilang grupo, dumaan din pala siya at ang kaniyang pamilya sa isang pagsubok na minsang nagdala ng takot sa kanilang pamilya.
Tingin mo ba na hindi mo na mararanasan ang mahalin nang tama at lubos dahil sa iyong nakaraan? Katulad ni Micah, hindi niya inakala na sa kabila ng kaniyang mga maling nagawa, mayroon pa rin palang totoong magmamahal sa kaniya. Sino nga ba ito? At paano siya tinanggap sa kabila ng kaniyang nakaraan?
Nagtapos ng kursong midwifery si Nida at nagkaroon ng pagkakataon na makapagtrabaho sa Libya. Sa panahon ng kaniyang pagta-trabaho, may isa siyang kaibigan na masipag na ipakilala sa kaniya si Hesus. Subalit dahil sa kalayaan na natatamo sa buhay, binalewala ito ni Nida. Hanggang sa isang matinding pagsubok ang kinaharap ni Nida. Ano nga ba ito? Sino ang naging saklolo niya sa mga oras na ito?
Anuman ang laban mo sa buhay, maging ito man ay kalungkutan, problema sa pamilya, karamdaman, o kahirapan, hindi ka nag-iisa. Dahil kasama mo ang Diyos, kakayanin mo itong malampasan. Sa paglapit mo sa Kaniya, hindi mo lamang mararananasan ang Kaniyang kabutihan. Matitikman mo rin ang tagumpay na may kasamang kapayapaan at pag-asa.
Kung sa paningin mo ay wala nang pag-asa, tandaan mong ang Diyos na pinaglilingkuran mo ay Diyos ng imposible. Sa Kaniya, may himala, pag-asa, at tagumpay! Patuloy kang maniwala dahil ang imposible sa tao, posible sa Diyos.
Kasama mo ang Diyos sa bawat laban ng buhay. Hindi ka Niya iiwan kailanman. Siya ang iyong saklolo sa lahat ng oras at handa Siyang iparanas sa 'yo ang magandang buhay na mayroon Siya para sa iyo, sa oras na lubusan kang manampalataya sa Kaniya.
Si Hesus ang iyong saklolo sa gitna ng ano mang pagsubok. Lagi Siyang nariyan para sa 'yo kaya huwag kang mawalan ng pag-asa. Hindi ka kailanman iiwan ng Panginoon. Kaya ni Lord 'yan!
Sa gitna ng pagod, takot, o kawalan ng kasiguraduhan, tandaan mong hindi ka nag-iisa. May Diyos na nagmamahal at kailanma’y hindi ka pababayaan. Kumapit ka lang sa Kaniya. Siya ang bahalang kumilos para sa'yo.
Paulit-ulit nalang ba ang mga problemang iyong kinakaharap? Pagod ka na ba sa sunod-sunod na pagsubok? Nakikita ng Diyos ang sitwasyon mo, kapatid. At mayroon Siyang solusyon sa bawat pagsubok na iyong kinakaharap. Huwag kang mag-alala, hindi pa tapos ang Diyos sa buhay mo.
Do you feel hurt today because of other people? Are you struggling to release forgiveness and experience peace? Allow God to remove all the pain you're experiencing right now and let Him fill you with His peace. Just come to Him, for His help is always present.
Napupuno ka ba ng takot dahil sa pagsubok na iyong kinakaharap? Huwag kang mag-alala, kaya ni Lord 'yan! Hindi ka iiwan ng Panginoon, kapatid. Handa Siya palagi na tulungan ka.
Ikaw ba ay dumaranas ngayon ng matinding pighati? Tingin mo ba ay hindi ka na makakalaya mula sa lungkot na iyong nararanasan? Kapatid, imposible man sa iyong paningin na malampasan ang problema mo, nais naming ipaalala sa 'yo na kaya ni Lord 'yan. Nakikita Niya ang sitwasyon mo at alam din Niya kung paano ka matutulungan. Huwag kang mawalan ng pag-asa o mahiyang lumapit sa Kaniya.