Muling humarap si Cris sa pagsubok nang makaranas ng kabiguan sa pag-ibig. Dahil sa bigat na kaniyang pinagdaraanan, muli siyang lumapit sa Panginoon at nagtiwala na kaya siyang tulungan na makabangon muli. Sa pagkausap sa kaniya ng Diyos, muling nabigyan ng pag-asa si Cris na maayos muli ang kaniyang relasyon.
Bagama’t naging aktibo na sa simbahan, nagkaroon naman ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Cris at ng kaniyang Pastor dahilan upang siya ay umalis. Nagtrabaho siya sa isang BPO company bilang call center agent. Hindi naging madali kay Cris na manindigan sa kaniyang pananampalataya nang masubok siyang muli sa bisyo na matagal na niyang tinalikuran. Muli nga ba siyang babalik sa maling gawain?
Tuluyan nang naghiwalay ang mga magulang ni Cris at nagkaroon ng sariling pamilya ang kaniyang ama. Tanging ang kaniyang ina na lamang ang bumubuhay sa kanilang magkakapatid. Sa gitna ng pagsubok sa buhay, nakakilala si Cris sa Panginoon. Nahikayat siya ng kaniyang ina na unang nakakilala kay Hesus. Anong buhay na nga ba ang naghihintay kay Cris ngayong tinanggap niya na si Hesus sa kaniyang buhay?
Maayos at masaganang pamilya ang kinamulatan ni Cris. Nabibigay lahat ng kaniyang ama ang lahat nilang pangangailangan habang inaalagaan naman sila ng kaniyang ina. Subalit, bigla na lamang naglaho ang kasiyahan sa kanilang pamilya nang humarap sila sa matinding pagsubok. Napadalas ang pag-aaway ng kaniyang mga magulang, dahilan upang hanapin ni Cris ang kasiyahan sa ibang bagay.
Kabi-kabilang pagsubok ang kinaharap ni Mari sa kaniyang buhay. Matagal din siyang ilegal na nanirahan sa Amerika, kung saan namuhay siya nang may takot at walang kapayapaan. Ilang beses din niyang tinakbuhan ang pagtanggap kay Hesus bilang Diyos at sariling Tagapagligtas. Subalit sa kabila ng lahat, kinatagpo pa rin siya ng Diyos at inayos ang kaniyang buhay. Paano nga ba ito nangyari?
Malaki ang role ng mga nanay sa isang tahanan. Kasama na rito ang kahalagahan nila sa pagpapalaki ng mga anak. Pero paano nga ba maging isang ina na namumuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos? Panoorin ang kuwento ng “host moms” na sina Camilla Kim-Galvez at Felichi Pangilinan-Buizon dito sa The 700 Club Asia, at tuklasin kung paano sila ginabayan ng Panginoon sa kanilang motherhood journey.
Bilang isang babae, may listahan si Felichi ng mga katangian ng lalaking nais niyang makasama habang buhay. Subalit, hindi naging madali para sa kanya ang tumanggap ng manliligaw—lalo na kung wala siyang kapayapaang nagmumula sa Panginoon. Sa matagal na panahon niyang naghihintay, paano, saan, at kailan nga ba niya makikilala ang lalaking inihanda ng Diyos para sa kaniya?
Dahil sa maagang pagpanaw ng kaniyang ama, lubhang nahirapan sina Erick na makabangon sa buhay. Nasundan pa ito ng paglalim ng hidwaan sa pagitan niya at ng kaniyang ina dahilan upang hanapin ang pagmamahal ng isang pamilya sa barkada na nag-resulta naman sa pagkawasak ng kaniyang buhay. Ngunit sa kanyang pagkalugmok, kinatagpo siya ng Diyos. Tumugon kaya si Erick sa tawag ng pag-ibig ng Diyos?
Paulit-ulit mang nasaktan at napariwara si Allan, hindi pa rin siya pinabayaan ng Panginoon at binigyan ng bagong simula. Ma-encourage sa kaniyang kuwento at alamin kung paano niya tuluyang tinanggap ang Panginoon at nilakaran ang tamang landas patungo sa maayos na buhay.
Maraming beses na sinubukang takbuhan ni Allan ang Diyos. Subalit, paulit-ulit din siyang binibigyan ng Diyos ng bagong pagkakataon at pag-asa. Hanggang sa kinatagpo siya ng Panginoon na naging daan upang maliwanagan ang kaniyang isip. Ito na nga ba ang simula ng pagbabagong buhay ni Allan?
Muling binisita si Allan ng kaniyang ama sa pag-aakalang maaayos pa ang kanilang relasyon. Subalit imbis na matuwa, poot ang naramdaman ni Allan. Mas lalo ring sinira ni Allan ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng droga at mga bisyo. Ilang beses din siyang napaalis sa kolehiyo at huminto sa pag-aaral. Sa gitna ng magulong buhay na nararanasan ni Allan, saan nga ba niya matatagpuan ang bagong pag-asa?
Nang magkaroon ng pagkakataon na makalaya sa puder ng ama, winasak naman ni Allan ang kaniyang buhay sa pagbibisyo tulad ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Humantong na rin siya sa puntong nais na niyang tapusin ang kaniyang buhay upang matapos na ang paghihirap na kaniyang dinaranas. Subalit, patuloy pa rin siyang nakaligtas sa panganib. Saan pa dadalhin si Allan ng galit sa kaniyang puso? Makalaya pa nga ba siya mula dito?
Sa murang edad ni Allan, nakaranas na siya ng matinding pang-aabuso mula sa kaniyang ama. Naging mas malala pa ito nang umalis ang kaniyang ina upang magtrabaho sa ibang bansa. Ito ang naging dahilan upang magkaroon ng matinding galit si Allan sa kaniyang ama. Paano makakalaya si Allan sa magulong tahanan? Hanggang kelan niya mararanasan ang pagmamalupit ng kaniyang ama?
Dahil sa pagkamatay ng kanyang ina, nagsimulang magkaroon ng matinding galit si Joven sa Diyos. Nagrebelde siya at inalay ang kanyang buhay sa kadiliman. Ito na nga ba ang magiging wakas ng kanyang kwento? O may pag-asa pa bang maranasan niya ang pag-ibig ng Diyos at kalayaan mula sa dilim?
kabilang din ang kanyang anim na buwang gulang na apo. Paano siya nanatiling matatag sa kabila ng matinding takot at pagsubok? Saan siya humugot ng lakas upang patuloy na manampalataya?
Paano nga ba makakabangon mula sa buhay na may mapait na nakaraan? Saan mahahanap ang saklolo na matagal nang hinahanap?
Sa murang edad ni Dan ay natuto na siyang gumamit ng pinagbabawal na gamot. Impluwensya ito hindi lang ng mga pinsan kundi ng sariling ama niya mismo. Labis na naapektuhan ang pag-aaral ni Dan at dumagdag pa rito ng mabuntis niya ang kaniyang nobya. May pag-asa pa bang maiayos ni Dan ang kaniyang sarili? Saan niya matatagpuan ang saklolo sa oras ng pangangailangan?
Dahil sa kasabikan na maranasan ang pagmamahal ng magulang, hinanap ni Vernon ang pupuno sa kaniyang puso sa pamamagitan ng barkada. Subalit nagkamali si Vernon sa desisyon na kaniyang ginawa. Napariwara ang kaniyang buhay dahil sa droga at pakikipagtalik sa kapwa lalaki.
Napagdesisyonan na ni Niña na makipaghiwalay sa kaniyang kinakasama dahil sa mas tumitinding gusot sa kanilang relasyon. Mahirap man sa kaniya na tanggapin ito, nagsumikap siya at mag-isang itinaguyod ang mga anak. Sumubok din siyang muling makabangon mula sa kaniyang mga pagkakamali subalit paulit-ulit din siyang bumabalik sa maling gawain. Hanggang sa isang pangyayari ang gumambala kay Niña. Ano ito?
Nakulong ang kinakasama ni Niña dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga. Subalit imbis na lumayo, nahikayat din siya na makisama at ‘di nagtagal ay gumamit na rin ng ipinagbabawal na gamot. Mas lalo ring lumala ang kanilang mga alitan hanggang sa panibagong sikreto ang nabunyag kay Niña? Ano nga ba ito? May pag-asa pa nga bang maayos ang relasyon nila ng kinakasama?