Bagama’t naging magulo ang nakaraan ni Hazel, ninais pa rin niya na magkaroon ng maayos na pamilya sa piling ng kaniyang nobyo. Subalit nang tumagal ang pagsasama ng magkasintahan, nasubok din ang kanilang relasyon. Masosolusyunan nga ba ito nila Hazel o matutulad na lang din sila sa pamilya na kaniyang kinagisnan?
Labis ang sakit na nadama ni Hazel nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Ang inaakala niyang masayang pamilya ay mayroon palang tinatagong sikreto. Ito ang naging dahilan upang hanapin ni Hazel ang kasiyahan sa barkada at bisyo. Ang tanong, ito nga ba ang sagot sa problema na kaniyang kinakaharap?
Lumaki sa mapang-abusong ama si Liza. Ito ang naging dahilan upang magkaroon siya ng galit sa puso. Nagsumikap siya upang makaahon sa buhay subalit ilang beses siyang binabalikan ng kaniyang nakaraan. Matakasan kaya ito ni Liza?
Lumaki si Dang na hinahanap ang pagmamahal ng kaniyang ama. Kaya naman sinubukan niya itong hanapin sa ibang tao pati na rin sa bisyo. Maaga siyang nabuntis at iniwan din ng nobyo. Nalugmok din siya sa iba’t-ibang bisyo na halos sumira na ng kaniyang buhay.
Simula pagkabata, nakahiligan na ni Jen ang sumulat sa mga journals. Kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon, sinimulan niya ang negosyong printing shop upang makagawa ng mga journals na maghihikayat sa mga tao na sumulat ng kanilang life goals.
Malakas ang kinikita ni Brian mula sa pagbebenta ng droga at mga babaeng kaniyang nakikilala. Ito ang ginagawa niyang hanapbuhay kaya naman malaya niyang nakukuha ang mga bagay na ninanais pati na rin ang pakikipag-relasyon sa kapwa lalaki.
Lumaki sa hirap. Inabuso. Binenta at naging palaboy. Ito ang naging buhay ni Joshua sa kaniyang murang edad. Malaking tanong sa kaniyang isip kung bakit niya kailangang maranasan ang ganitong buhay. Naisipan na rin niyang tapusin ang kaniyang buhay upang matigil na ang paghihirap na kaniyang p
Panoorin at ma-inspire kung paano natagpuan ni Anj ang kapayapaan at pagmamahal ng Panginoon na siyang naging daan upang mapatawad ang kaniyang stepfather. Abangan ang final episode ng kaniyang kuwento sa The 700 Club Asia, ngayong hatinggabi sa GMA.
Sa kabila ng matinding pang-aabusong naranasan ni Anj mula sa kaniyang stepfather, may pag-asa pa nga bang patawarin niya ito?
Hindi naiwasan ni Anj na magkaroon ng tampo sa Panginoon dahil sa sunod-sunod na pagsubok na kaniyang kinaharap. Nalihis siya ng landas at tila nawalan na ng pag-asa sa buhay.
Anong buhay ang naghihintay kay Anj ngayong pumanaw na ang kaniyang ina na tinuturing niyang kakampi? Maging maayos kaya ang kaniyang kinabukasan sa kamay ng kaniyang stepfather?
Nag-iwan ng matinding sugat kay Anj at kaniyang kapatid ang pang-aabusong pisikal at emosyonal ng kaniyang stepfather. Mas lumala pa ito nang magkasakit ang kaniyang ina at tila naging pabigat sa paningin ng kaniyang tinuturing na ama.
Roller coaster ride ang naging buhay at relasyon ni Dan and Jane. Ano nga ba ang naging sikreto upang malampasan nila ang bawat problema na nauwi sa happily ever after?
Labis ang lungkot na dinanas ni Jane nang pumanaw ang kaniyang ama. Maraming tanong sa kaniyang isip kung bakit niya pinagdaraanan ang ganitong sitwasyon. Bagama’t nawawalan ng pag-asa sa buhay, patuloy siya na kumapit sa Panginoon. Panoorin kung paano naging karamay ni Jane ang Diyos sa gitna ng pagdadalamhati.
Ngayong lumabas na ang totoong dahilan ng mga hinanakit ni Dan sa buhay, manatili pa rin kaya si Jane sa kaniyang tabi? Mas manaig kaya ang pag-ibig kaysa sa problema?
Dahil sa tindi ng problemang kinaharap ni Gillyn, naisipan na niyang tapusin ang kaniyang buhay. Nalugi ang kaniyang negosyo at nasira pa ang kanilang pamilya.
Nakaranas si Jesse ng pang-aabuso mula sa kamay ng kaniyang ama. Sa paniniwalang ang mga lalaki ay malupit at mapang-abuso, itinakwil niya ang kaniyang sariling kasarian at itinanim sa isipan na siya ay isang babae.
Unwanted child kung maituturing si Gen dahil sa murang edad noong siya ay nabuo sa sinapupunan ng ina. Ilang beses siyang sinubukan ipalaglag subalit hindi ito natuloy. Ito ang naging dahilan upang makaramdam ng galit at lungkot si Gen sa kaniyang puso. Pilit man niyang hanapin ang pagmamahal sa pamilya, bigo niya itong makuha.

Showing 181–198 of 198 results