Tuluyan na ngang tinalikuran ni Joey ang tawag ng Panginoon sa kaniya na maging lingkod. Nawasak na rin ang kaniyang pamilya dahil bumalik si Joey sa masasamang gawain. Anong buhay na ngayon ang naghihintay kay Joey? May pag-asa pa nga na magbalik-loob siya sa Panginoon?
Bagaman tumugon si Joey sa tawag ng Panginoon sa kaniya na maglingkod bilang Pastor, hindi pa rin niya maiwanan ang buhay na kaniyang nakasanayan. Naglilingkod man siya sa harap ng maraming tao, subalit iba naman ang kaniyang buhay sa tuwing bumababa sa pulpito. Anong buhay ang naghihintay kay Joey ngayong hindi niya mabitawan ang kasalanan na matagal nang bumibihag sa kaniya?
Sa tulong ng kapatid ni Joey, nakakilala siya sa Panginoon. Tinanggap niya Siya bilang Diyos at tagapagligtas at naging laman din siya ng simbahan. Subalit, nagpatuloy pa rin si Joey sa masamang gawain na humantong sa kasalanan. Hanggang kailan nga ba kakayanin ni Joey ang ganitong gawain? Mangusap nga ba sa kaniyang ang Panginoon?
Lumaki nang hindi nagabayang mabuti si Joey. Maagang pumanaw ang kaniyang ina samantalang madalas na wala ang kaniyang driver na ama na maagang umaalis upang maghanapbuhay. Ito ang dahilan upang malaya siyang gawin ang mga bagay na kaniyang gusto sa murang edad.
Dahil sa lumaki sa sirang pamilya si John, ganito na rin nga ba ang magiging kahihinatnan ng kaniyang tahanan? Maging mabuti nga ba siyang ama sa kaniyang pamilya?
Ngayong nakakilala na ang asawa ni John sa Panginoon, ninais nito na madala rin si John sa simbahan upang maranasan ang pagbabago sa kaniyang buhay. Subalit, ilang beses nang tumanggi si John at hindi maiwasan ang bisyo sa paglalaro ng computer games. Sumuko nga ba ang asawa ni John o patuloy na dinaan sa panalangin ang asawa?
Napariwara ang buhay ni John nang ipadala rin siya sa Zambales at makasama ang ama. Natuto siya ng iba’t-ibang bisyo pati na rin ang pinagbabawal na gamot. Naging masalimuot ang buhay ni John kaya naman nagdesisyon ang kaniyang ina na ipadala siya sa ibang bansa upang matakasan ang magulong buhay. Ang tanong, magtagumpay kaya siya?
Kinailangan ng ama ni John na umalis papuntang Zambales upang tulungan ang kaniyang tiyuhin sa negosyo. Kapalit nito ang pagpapagamot ng kaniyang ama dahil sa sakit sa kidney. Dahil dito, ang kaniyang ina ang nagsilbing ama para sa kaniya. Nagagampanan man ng kaniyang ina ang tungkulin, nakakaramdam pa rin si John ng kakulungan sa kaniyang puso.
Paanong nakalaya si Dayan sa tanikala ng pornography? Ano ang naging simula upang maranasan niya ang pag-ibig na matagal na niyang inaasam?
Ngayong nagdesisyon na si Dayan na talikuran ang panonod ng malalaswang palabas, nag-iwan naman ito ng matinding marka sa kaniyang buhay na tila ay hirap siyang makawala. Makalaya pa nga ba si Dayan sa tawag ng laman?
Nakakilala man sa Panginoon si Dayan, hindi pa rin siya makaalis sa pre-marital sex at pagkahumaling sa panonood ng malalaswang palabas. May daan pa nga ba na makawala siya sa ganitong buhay?
Hindi naging maganda ang naging karanasan ni Dayan at kaniyang ina mula sa ama. Ito ang naging dahilan upang naisin niya na hanapin ang pagmamahal sa iba’t-ibang lalaki. Kapareho ng kaniyang ina, matagpuan kaya nila ang mga lalaking tunay na magmamahal sa kanila?
Dahil sa panghihikayat ng tiyuhin ni Dayan, maaga siyang namulat sa panonood ng pornograpiya. Inakala niya na normal lang ito dahil sa malayang panonood na ginagawa ng kamag-anak sa kanilang tahanan. Ano nga ba ang naging epekto nito kay Dayan?
Ano mang panahon, hindi nagbabago ng katapatan ng Diyos. Lagi Siyang handa na gumawa ng himala sa iyong buhay. Kaya patuloy ka lang manampalataya at magtiwala kay Hesus.
Alam ng Panginoon ang iyong mga pangangailangan sa araw-araw, kapatid. Nakikita Niya ang sitwasyon mo at mayroon Siyang solusyon upang tugunin ang iyong mga panalangin. Hindi ka pababayaan at pagkukulangin ng Diyos kaya magtiwala ka lamang sa Kaniya.
Napapagod ka na bang maghintay sa matagal mo nang ipinapanalangin? Nawawalan ka na ba ng pag-asa na mangyayari pa ang nilalaman ng iyong puso? Kapatid, nais naming sabihin sa 'yo na naririnig ng Diyos ang iyong mga dasal. Magtiwala ka lamang sa Kaniyang takdang oras at plano dahil kailanman ay hindi Niya binibigo ang mga taong nagtitiwala sa Kaniya.
Pagod ka na ba sa sunod-sunod na pagsubok na iyong kinakaharap? Naghahanap ka na ba ng tutulong sa iyo upang malampasan mo ang mga paghihirap? Kayang gumawa ng Diyos ng himala sa iyong buhay. Tutulungan ka Niyang makabangon muli at bibigyan ka Niya ng panibagong pag-asa. Kumapit ka lamang sa Kaniya.
Anong himala ng Diyos ang hindi mo pa nararanasan? Kagalingan? Kasaganaan? Bagong simula? Ano man ang iyong pangangailangan, manampalataya ka na kayang iparanas sa 'yo ni Hesus ang mga bagay na iyong inaasam. Walang imposible sa Kaniya at tunay na tapat ang Diyos!
Tila nawawalan ka na ba ng pag-asa na mararanasan mo pa ang maayos na buhay? Nais mo na bang sumuko at bumitaw? Kapit lang, kapatid! Kayang gumawa ng Diyos ng himala kahit pa sa gitna ng pagsubok na iyong kinakaharap. Lumapit ka lamang sa Kaniya at ialay ang iyong buhay. Walang imposible sa Diyos.
Hindi mo ba maiwasang mag-aalala kung paano mairaraos ang pang araw-araw na gastusin? Mayroon ka bang pangangailangan na tila imposible mong makuha? God can perform miracles over your needs. Ang kailangan mo lang gawin ay maniwala at manampalataya sa Kaniya. He knows the cry of your heart at hindi ka Niya pababayaan.