Placeholder
Sa murang edad pa lamang, iniwan na si Myla ng kanyang ina. Lumaki siya sa poder ng kanyang lolo at tila uhaw sa pagmamahal ng tunay na magulang. Kasabay pa nito ang matinding kahirapan na kanyang naranasan na madalas ay wala silang makain sa maghapon. Sa maagang pagkakamulat ni Myla sa mapait na reyalidad ng buhay, anong kinabukasan ang naghihintay sa kanya?
May pag-asa pa ang Pilipinas, kapatid. Kaya sa panahong tila nawawala ang hustisya at katotohanan, manindigan tayo para sa katuwiran ng Diyos. Huwag tayong mawalan ng pag-asa sapagkat ang Diyos ay patuloy na may ginagawa.
Kapatid, ang pagbabago ay puwedeng magsimula sa ‘yo. Patuloy mong gawin ang tama may nakakakita man nito o wala.
In this time full of problems and trials, may you continue to be an instrument of God’s blessing to others. May you never grow tired of doing good, even when the people around you are not.
Kabi-kabila man ang kasakiman, patuloy kang manampalataya at maniwala na si Hesus ang ating pag-asa. Siya ang magtatanggol at magbibigay ng katarungan sa mga naaapi.
Pagod ka na ba ipaglaban ang saloobin at katotohanan? Nawawalan ka na ba ng pag-asa na makakamit pa ang katarungan? Kapatid, kay Hesus mo matatagpuan ang tunay na hustisya. Siya ang magtatanggol sa ‘yo kaya’t hind imo kailangang matakot. Lumapit ka lang sa Kaniya, Siya ang magtatanggol sa ‘yo.
Humarap ka man sa matinding pagsubok ng buhay, makakaasa kang hindi ka iiwan ng Diyos. Lagi ka Niyang sasamahan at poprotektahan sa anumang problema. Patuloy ka lang magtiwala at manampalataya sa Kanya.
Madilim na bahagi ng kanilang buhay kung maituturing ang pinagdaanan ng ilan sa ating mga kababayan noong kasagsagan ng gyera sa Israel. Malaking katanungan para sa kanila kung paano sila nakaligtas sa bingit ng kamatayan.
Hostages. Attacks. Pain. These are just some of the things Israel went through during the Hamas attack. In this episode, hear how the survivors share their stories of courage and hope in the middle of fear and loss.
Matapos ang mahigit dalawang taong kaguluhan sa bansang Israel, kumusta na nga ba ang kanilang kalagayan? Paano sila nakabangon mula sa madilim na pangyayari?
Sa kabila ng patong-patong na pagkakamaling kinaharap ni Reymark, paano niya naranasan ang pag-ibig ng Diyos na kailanman ay hindi siya iniwan?
Laking pasasalamat ng asawa ni Reymark nang makilala niya ang Panginoon. Naging aktibo siya sa simbahan at miyembro pa ng dance ministry. Ngunit sa kabila ng kaniyang aktibong paglilingkod sa Panginoon, mas lumakas at patuloy pa rin ang mga tukso kay Reymark.
Sa pag-aakala na magiging matino na si Reymark dahil isa na siyang ama, tila ay mas lalong lumala ang kaniyang masamang gawain. Patuloy siya sa pambababae at ginagamit ang katawan upang may maipangtustos sa pamilya. Subalit, isang pagkakataon ang gumising kay Reymark. Ano nga ba ito? At ano ang pagbabago ang dala nito sa kaniyang buhay?
Dahil sa pang-aabusong naranasan ni Reymark sa kamay ng kaniyang stepfather, nagkaroon siya ng matinding galit sa puso. Lalong nadagdagan ang kaniyang dinadala nang makaranas din siya ng pang-aabuso mula sa kapwa lalaki. Ito ang nagmulat sa kaniya sa mapait na reyalidad na nagbukas ng daan upang mahumaling siya sa iba’t ibang bisyo at patuloy na hanapin ang pagmamahal.
Lumaki si Reymark nang walang ama. At sa kawalan ng haligi ng kanilang tahanan, pakikipagrelasyon ang naging sandalan ng kaniyang ina. Sa kasamaang-palad, nakaranas si Reymark ng pang-aabuso mula sa isa sa mga ito, ngunit tiniis na lamang ito ng kaniyang ina sa pagnanais na may makatuwang sa pagtataguyod ng pamilya. Anong buhay ang naghihintay kay Reymark?
Kahit ano pa ang nakaraan mo, tandaan mo ito: mahal ka ng Diyos. Hindi hadlang ang iyong pagkukulang o pagkakamali sa pag-ibig Niya. Kay Hesus ay may kapatawaran, bagong simula, at walang hanggang pagmamahal.
Pakiramdam mo ba ay hindi ka kamahal-mahal? Nais naming ipaalala sa ‘yo, kapatid, mayroong Diyos na nagmamahal sa’yo nang higit pa sa inaakala mo. Sa Kaniya, hindi ka kailanman mag-iisa.
Maybe you feel unlovable because of your appearance or current situation, but may this remind you that you are valuable in God’s eyes. No matter how complicated your past or present situation may be, God loves you.
Sa tuwing pakiramdam mong wala nang tatanggap o magmamahal sa’yo, o tila ba hindi ka na mahalaga, nais naming ipaalala na mayroong Diyos na tunay na nagpapahalaga sa’yo—si Hesus.

Showing 1–20 of 198 results