Hope
Maraming bagay ang dapat nating ipagpasalamat sa Diyos ngayong bagong taon. Kung nahihirapan kang gawin ito, samahan si Alex Tinsay ngayong gabi sa #PUSHPilipinas at alamin kung paano nga ba tayo magkakaroon ng pusong mapagpasalamat.
Ano ang mga bagay na nais mong maranasan at matanggap ngayong bagong taon? Sabay-sabay nating itaas 'yan sa Panginoon. Samahan si Alex Tinsay sa live prayer time tonight ng #PUSHPilipinas.
Isa ka ba sa mga sumulat ng tinatawag na "#2023Goals"? Pero ano nga ba ang mga dapat nating gawin upang magawa ang mga bagay na ating sinulat para sa taong ito? Alamin ang sagot ngayong gabi sa #PUSHPilipinas, hosted by Alex Tinsay.
Christmas is fast approaching! Are your gifts ready? 🤨🤔😉 Well, here’s our early gift for you! Enjoy this cover of “O Holy Night” by Neo Rivera! Let this song remind you that Jesus was given for you and me. ‘Yan ang regalo ni Lord sa’yo ngayong pasko, pag-asa na kahit basag ka ngayon ay kaya kang buohin ng Panginoon. ❤️
Ngayong paparating na ang Pasko, isa ka ba sa mga nakakaramdam ng tinatawag na "Christmas Blues"? We are here to help you and pray for you. Watch tonight's episode of #PUSHPilipinas and know how you can overcome Christmas Blues through prayer, hosted by Erick Totañes and Camilla Kim-Galvez.
Ilang araw na lang at Pasko na! Kumusta ka? Kumusta ang puso mo? Ano man ang pinagdaraanan mo ngayon, lagi mong tandaan na kasama mo ang Diyos. Makakabangon kang muli sa tulong Niya. Hindi ka nag-iisa.
Sa mga panahong pinanghihinaan ka ng loob dahil sa dami ng pagsubok sa buhay, alalahanin mo na kaya kang tulungan ng Diyos. Nais Niyang magtagumpay ka sa buhay kaya't 'wag kang mawalan ng pag-asa. Hindi ka Niya iiwan.
We doubt God's love for us especially when we are facing difficulties or disappointments in life. But, we must remember that God loved us and even sacrificed His Son just to save us. That's how much God loves you. Kaya't 'wag kang mawalan ng pag-asa dahil mahal ka ng Diyos. Hindi ka Niya iiwan.
Hindi man maganda ang takbo ng buhay mo ngayon, alalahanin mo na may mga pangako ang Diyos na puwede mong panghawakan. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil nariyan Siya upang palakasin ka. Lagi mong tandaan, kasama mo ang Diyos sa lahat ng laban mo sa buhay.
There is nothing more powerful than the love of God for us. His great love can heal, transform, free us from the bondage of sin, and lead us to an abundant life.
Nais ng Diyos na maranasan mo ang masaganang buhay. Ano man ang pinagdaraanan mo, lagi mong isipin na kayang baguhin ng Panginoon ang sitwasyon na mayroon ka ngayon. Mahal ka Niya at hindi ka Niya iiwan kailanman!

















































































































