Hope
Dumaan ka man sa matinding pagsubok, makakaasa ka na hindi magbabago ang mga plano ng Diyos para sa ‘yo. Tapat Siya sa Kaniyang mga pangako at hindi Niya binibigo ang sino mang nagtitiwala sa Kaniya. Kaya patuloy ka lang manampalataya, Kapatid. Hindi ka pababayaan ng Diyos.
Sa mga panahon na iniisip mo na hindi ka karapat-dapat sa pag-ibig ng Diyos, nais naming ipaalala sa ‘yo na walang pinipili si Hesus ng taong Kaniyang mamahalin. Tanggap Niya ano pa man ang ating nakaraan at handa Siyang magbigay ng bagong simula sa sino man na nagnanais nito. Kaya kang baguhin ng Diyos, kapatid. Walang imposible sa biyaya Niya.
Hindi nakakalimutan ng Diyos ang mga pangako Niya para sa ‘yo. Tapat Siya sa Kaniyang mga salita at handang gawin ang magagandang bagay sa iyong buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Hindi binibigo ni Hesus ang mga taong nagtitiwala sa Kaniya.
Ano nga ba ang sikreto upang maranasan ang masayang Pasko? Kung nais mong malaman ang sagot, kilalanin at tanggapin mo si Hesus sa iyong buhay. Siya ang dahilan kung bakit tayo may Pasko; ang Siyang tunay na biyaya sa panahong ito.
Paano nga ba patatawarin ang mga taong nakasakit sa ‘yo? Posible pa nga ba na maayos ang mga nasirang relasyon? Ilapit mo lamang kay Hesus ang lahat ng bigat na iyong pinagdaraanan. Tutulungan ka Niya na patawarin ang mga taong nakagawa sa ‘yo ng mali at bigyan sila ng pagmamahal. Walang imposible sa Diyos. Kaya Niyang ayusin ano man ang nasirang relasyon sa iyong buhay.
Nais mo bang magkaroon ng pagbabago sa iyong buhay ngunit hindi mo alam kung paano sisimulan? Kailangan mo ang Diyos, kapatid. Siya lang ang makakatulong sa 'yo upang baguhin ang iyong buhay at lakaran ang matuwid na landas. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil tutulungan ka Niya.