Hindi naiwasan ni Anj na magkaroon ng tampo sa Panginoon dahil sa sunod-sunod na pagsubok na kaniyang kinaharap. Nalihis siya ng landas at tila nawalan na ng pag-asa sa buhay.
Sa mga panahon na kailangan mo ng makakapitan, nariyan ang Diyos na puwede mong maging sandigan. Ang Kaniyang biyaya ay laging handa para sa 'yo. Patuloy ka lamang lumapit at manamplataya kay Hesus.
Mayroon ka bang panalangin na matagal mo nang hinihintay? Huwag kang mapagod na magtiwala kay Hesus. Tapat Siya sa Kaniyang mga pangako at hindi Niya binibigo ang mga taong nagtitiwala nang buo sa Kaniya. May habag ang Diyos, kapatid. Hindi ka Niya bibiguin.
Kung humaharap ka sa matinding pagsubok ngayon, nakikita ng Diyos ang iyong sitwasyon. Mas higit na makapangyarihan ang Kaniyang biyaya kaysa sa ano mang problema. Kaya't huwag kang mawalan ng pag-asa, kapatid. Tapat ang Diyos sa Kaniyang salita.
Posible nga bang maranasan ng isang tao ang maayos na buhay kahit na dumaan siya sa madilim na nakaraan? Ganyan ang naranasang buhay ni Judy. Walang imposible sa Panginoon sa mga taong nagtitiwala at nananamplataya sa Kaniya. Ma-inspire sa kaniyang kuwento.
Sa tuwing tinatakbuhan ni Judy ang mabuting balita, patuloy na gumagawa ang Panginoon ng paraan upang marinig niya ito. Paano nga ba ito tatanggapin ni Judy at magtitiwala na may magandang plano ang Diyos sa kaniya sa kabila ng kaniyang pinagdaanan?
Lumaki si Yna na hiwalay ang kaniyang mga magulang. Nakakakuha man siya ng sustento mula sa ama, tila may kakulangan pa rin sa kaniyang puso. Ano nga ba ito? Mahanap kaya niya ang sagot? Mauulit din ba ang sitwasyong ito sa kaniyang sariling pamilya?
Nakikita ng Diyos ang sitwasyon mo, Kapatid. Mahirap man makita ang pag-asa pero hindi binibigo ng Diyos ang mga taong lubusang nagtitiwala sa Kaniya. Kaya't patuloy ka lang na manamplataya kay Hesus. Walang imposible sa Kaniya.
Napapagod ka na bang maniwala sa himala? Nariyan ang Diyos upang patunayan sa 'yo na walang imposible sa Kaniya. Hayaan mo lamang Siyang kumilos sa iyong buhay. Hindi ka kailanman bibiguin ng Panginoon.
Sa pagnanais ni Alain na lakaran ang panibagong buhay, sumama siya sa mga taong makakatulong sa kaniya upang talikuran ang mga masasamang gawain na kaniyang nakasanayan. Nagkaroon din ng pagnanais sa kaniyang puso na tulungan ang mga taong dumaraan sa parehong pagsubok na kaniyang pinagdaanan. Tuloy-tuloy na nga ba ang bagong pag-asa para kay Alain?
Dahil sa matinding pagsubok na kinakaharap ni Alain, halos mawalan na siya ng pag-asang magpatuloy pa sa buhay. Makawala pa nga ba siya sa pagkakakulong sa madilim na yugtong ito ng kaniyang buhay?
Ngayong nagkaroon ng hindi magandang bunga ang mga maling gawa ni Alain, kanino niya matatagpuan ang tulong at kalinga na kaniyang kailangan? Malampasan kaya niya ang madilim na bahaging ito ng kaniyang buhay?
Simula pagkabata ay hindi na naranasan ni Alain ang pagmamahal ng ama. Nagsumikap man sa pag-aaral ay hindi ito naging sapat upang makuha ang atensyon na ninanais. Ito ang naging dahilan upang hanapin niya ang pagmamahal sa maling pamamaraan.

Showing 1–20 of 520 results