Kung sa tingin mo ay wala ng solusyon ang problemang pinagdaraanan mo, nais naming ipaalala sa ‘yo na may Diyos na handang tumulong sa ‘yo. Naririnig Niya ang mga panalangin mo at may sagot din Siya sa mga ito. Lumapit ka lang sa Kaniya.
Posible pa nga bang maranasan ang pag-ibig ng Diyos sa kabila ng hindi magandang nakaraan? Hindi nakatingin ang Diyos sa iyong mga nagawa. Handa pa rin Siyang iparanas sa ‘yo ang Kaniyang kabutihan dahil tanggap ka ng Panginoon. Tutulungan ka Niyang makabangon muli.
Ang salita ng Diyos ay nagbibigay-buhay sa Kaniyang mga anak. Kaya’t kung dumaraan ka sa matinding pagsubok, hayaan mong ang Kaniyang pangako ang iyong maging sandigan at katuwang sa pagharap sa iyong mga problema. Manampalataya ka lang sa Panginoon sapagkat Hindi ka Niya bibiguin.
Amidst the lies that the enemy tells us, may you be reminded to keep on trusting in what the word of God says. Let His voice be your assurance of what He can do in our lives, as it brings you truth, hope, and life.
Nagkukulang ba ang panggastos mo sa araw-araw? Hindi mo man maiwasang mabahala, makakaasa ka na God will provide for your needs. Patuloy kang sa Kaniya ay manampalataya dahil hindi ka Niya pababayaan.

'Wag ka mahiya if wala kang idea kung ano’ng ginagawa mo sa life. Kasi kami rin! 😅 Gusto mo bang ma-gets kung bakit napakahirap naman ng adulting season na ‘to? Watch this!

'Wag ka mahiya if wala kang idea kung ano’ng ginagawa mo sa life. Kasi kami rin! 😅 Gusto mo bang ma-gets kung bakit napakahirap naman ng adulting season na ‘to? Watch this!
Kung pakiramdam mo na ikaw ay naliligaw na ng landas sa dami ng iyong mga pagkakamali at mahihirap na pinagdaraanan sa buhay, ang Panginoon ay palaging nariyan upang ikaw ay tulungan at iligtas. Hayaan mong Siya ang magturo sa iyo pabalik sa tuwid na matuwid na landas.

Dumaranas ka man ng matinding kakulangan sa buhay, huwag kang mawalan ng pag-asa. Mayroon tayong Diyos na handa kang tulungan na makaahon sa kahirapan. Manampalataya ka lang sa Kaniya. Hindi ka pababayaan ng Diyos.

Maayos at magandang buhay ba ang nais mo? Si Lord ang bahala sa ‘yo! As you welcome Him in your life and make Him the center of it, you’ll realize that life is better together with God.
"May pag-asa pa bang darating?" Tinatanong mo rin ba ito dahil sa dami ng pinagdaraanan mo ngayon? Huwag kang susuko. Alam ng Diyos ang iyong sitwasyon at tutulungan ka Niyang malagpasan ito.
Walang imposible sa Diyos. Kaya ka Niyang tulungan upang makaalis ka sa problema na kinalalagyan mo ngayon. Huwag mong tuldukan ang buhay mo sapagkat may magandang plano ang Diyos para sa 'yo. Kumapit ka lang sa Panginoon.
Maraming pagsubok ang puwede mong kaharapin sa araw-araw. Ngunit, ano man ang dumating na tukso na makakasira sa ‘yo, huwag kang magpapalinlang. Sa Diyos mo lang ituon ang iyong mata. Siya lamang ang tamang daan patungo sa maayos na buhay.
Pakiramdam mo ba na tila wala ng direksyon ang iyong buhay? Nariyan ang Diyos upang tulungan ka! Gagabayan ka Niya sa matuwid na landas at handa Siya maging tsuper ng iyong buhay. Si Hesus ang bahala sa ‘yo kaya’t huwag kang mag-alala.

Alam mo ba na puwede kang magkaroon ng maayos na buhay habang nandito ka sa mundo? Ang dapat mo lang gawin ay ialay ang iyong buhay sa Diyos at hingin ang Kaniyang tulong. Gagabayan ka Niya.

Hindi sagot ang pagpapakamatay upang matakbuhan ang iyong mga problema. Hayaan mong tulungan ka ng Diyos. Kaya Niyang baguhin ang buhay mo at Siya ang iyong magiging gabay patungo sa landas ng pagbabago.

Higit na makapangyarihan ang Diyos kaysa sa ano mang masamang espiritu. Kaya't kung nais mong makalaya mula sa tanikala na bumibihag sa 'yo, tawagin mo lang ang pangalan ng Panginoong Hesus. Ialay mo ang iyong buhay sa Kaniya at Siya ang iyong gawing gabay. May kalayaan sa Panginoon!

Marami ka mang haraping pagsubok sa buhay, nariyan palagi ang Panginoon upang tulungan ka. Patuloy kang manampalataya dahil hindi ka bibiguin ng Diyos.
Ipagkatiwala mo sa Diyos ano man ang iyong pinagdaraanan at tiyak na mararanasan mo ang pagbabago at masayang buhay na laan Niya para sa iyo. Huwag kang mawalan ng pag-asa! Hindi pa tapos ang Panginoon sa buhay mo.
Ano ang nais mong baguhin sa iyong buhay ngayon? Relasyon? Makalaya sa bisyo? Utang? Kung sa tingin mo ay wala nang paraan upang makapagsimula kang muli, alalahanin mo na walang imposible sa Panginoon. Kaya Niyang baguhin ano man ang nasira sa iyong buhay. Hindi ka bibiguin ng Diyos.