Encouragement
Malapit ka na bang sumuko dahil sa problema na kinakaharap mo ngayon? Nawawalan ka na ba ng pag-asa na maaayos pa ang iyong sitwasyon? Kumapit ka lang sa Panginoon. Siya ang iyong pag-asa at tapat na katuwang sa mga pagsubok na kinakaharap mo. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil walang imposible sa Diyos.
Posible ba na manaig pa rin ang pag-ibig kahit na nahaharap ka sa matinding pagsubok? Kung nahihirapan ka na ipakita ang pagmamahal sa iba sa gitna ng problema, si Hesus ang sagot sa iyong pangangailangan. Kaya Niyang punuuin ng pagmamahal ang iyong puso at gawing masaya ang iyong buhay. Hayaan mo lamang na Siya na maghari sa ‘yo.
Nakakaranas ka ba ngayon ng kakapusan at nais mo nang makaahon sa kahirapan? Nais naming ipaalala sa ‘yo na mayroon tayong Diyos na mapagpala. Hindi Niya hahayaan na habang buhay kang dumanas ng kahirapan. Huwag kang mawalan ng pag-asa at patuloy kang manampalataya kay Hesus.
Hindi nakakalimutan ng Diyos ang mga pangako Niya para sa ‘yo. Tapat Siya sa Kaniyang mga salita at handang gawin ang magagandang bagay sa iyong buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Hindi binibigo ni Hesus ang mga taong nagtitiwala sa Kaniya.
Nakakaramdam ka ba ng kakulangan sa buhay mo ngayon? Naghahanap ka ba ng tutulong sa ‘yo upang mapunan ang lungkot sa puso mo?





















































































































