God Can Turn Your Tests into Blessing | #BlessingsIMineMoNa LIVE TV Special Day 4 Livestream
You Also May Like
Sa buhay, marami tayong mararanasan na iba’t ibang bagyo – nariyan ang physical, emotional, at kahit pa spiritual. Anuman ang bagyo sa iyong buhay ngayon, nararapat lang na tayo ay may matibay na kinakapitan upang hindi tayo matumba at sumuko. Alalahanin mo na ang Diyos ay laging nariyan para tulungan ka. Maaari kang lumapit at humingi ng tulong sa Kaniya. Panoorin ang mga kuwentong tiyak na magpapalakas at magbibigay sa ‘yo ng inspirasyon sa panahong ito. Dito lang sa The 700 Club Asia, Monday, July 19, 9 pm on our YouTube channel and 12 midnight on GMA.
Maraming mga bagay ang puwedeng umagaw ng ating attention; nariyan ang trabaho, mga anak, pamilya, pag-aaral libangan at kung ano ano pa. Sa dami ng maaari nating isipin, paano nga ba natin mapapanatili na maging sentro ng buhay natin si Kristo? Posible nga ba ito sa kabila ng kaliwa’t kanang mag responsibilidad at kaganapan sa ating buhay? Alamin sa The 700 Club Asia, Wednesday, July 21, 9 pm on our YouTube channel and 12 midnight on GMA.
May patutunguhan ba ang buhay na walang gabay ng Diyos? Kung isa ka sa mga umiiwas sa pagkilos ng Diyos sa iyong buhay at hindi mo na alam kung saan ka pupunta, may mensahe ang Diyos para sa ‘yo. Nais Niyang ayusin ang buhay mo kung magtitiwala ka lang sa Kaniya. Narito ang iba’t ibang istorya ng buhay na binago ng Panginoon. Be encouraged and be inspired kung paano sila nakaahon mula sa dilim ng kasalanan! Abangan dito lang sa The 700 Club Asia, Monday, July 26, 9 pm on our YouTube channel and 12 midnight on GMA.
Anu-anong bagyo na ang iyong nalampasan sa buhay? Naaalala mo pa ba kung paano ka tinulungan ng Diyos para maka-survive? Kung paano Siya gumamit ng mga tao para i-bless ka at ang iyong pamilya? Narito ang mga kuwento na magpapaalala sa ‘yo na anuman ang iyong nararanasan, God is still in control! Hindi tayo dapat mag-worry, because we have every reason to trust the One who is faithful. May you continue to trust in His greater purpose for your life as you watch The700 Club Asia this Tuesday, July 27, 9 pm on our YouTube channel and 12 midnight on GMA.
Sa gitna ng paghihirap at krisis na ating nararanasan, paano nga ba tayo makakatulong sa ibang taong nangangailangan? Sa paanong paraan tayo maaaring gamitin ng Diyos upang maging pagpapala sa kanila? Ma-inspire sa mga kuwento ng kapayapaan, pagpapala, at pagbabago!
Do you sometimes feel like giving up sa dami ng challenges na hinaharap mo every day? To the point na pagsuko na lang talaga ang naiisip mong solusyon sa lahat, and you are thinking that maybe you could finally have peace within you kapag tinakasan mo ang trials sa buhay mo instead of facing it. But the truth is, abot-kamay mo na ito. You just have to strengthen your faith in God and He will provide you peace in all aspects of your life. Kaya don’t give up and keep your faith stronger than your doubts and fears, because He got you!
May mga pagkakataong nadadala tayo ng takot at pagkabalisa dahil sa mga nangyayari sa mundo. Ngunit maaari tayong kumapit at magtiwala kay God, the author, and source of grace. In Him, we can find complete peace, new strength, and hope.
Punong puno ka ba ng problema sa buhay? Ayaw mo na bang magising dahil sa bigat ng iyong nararanasan? ‘Wag kang sumuko. Kahit mahirap paniwalaan, know that God is with you, and He will never abandon you. He will never allow you to suffer beyond what you can handle because you are His child. He knows everything about you and He loves you.
God Can Turn Your Tests into Blessing | #BlessingsIMineMoNa LIVE TV Special Day 4 Livestream
Makapangyarihan ang Diyos na mayroon tayo. Kaya Niyang gumawa ng himala sa mga taong naniniwala sa Kaniya. Kaya kung humaharap ka ngayon sa matinding pagsubok, kayang baguhin ng Diyos ang iyong sitwasyon at gawin itong maganda. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Kailanma’y hindi binibigo ng Diyos ang mga taong nagtitiwala sa Kaniya.
Be the first to review “God Can Turn Your Tests into Blessing | #BlessingsIMineMoNa LIVE TV Special Day 4 Livestream” Cancel reply
This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.
There are no reviews yet.