Encouragement
Dala ng impluewensya sa paligid, paano nabuksan ang isip ni Dick upang magsimula na kahiligan ang pagsusugal? Hanggang saan hahantong ang ganitong bisyo?
God is our refuge and strength, a very present help in trouble. (Psalm 46:1) Always remember that you can run to God when your life is full of uncertainties and trouble. He will never let you down, for you can find a safe place in His presence. You can experience peace in the midst of trials by allowing God to reign in your life.
Dumaan ka man sa matinding pagsubok, makakaasa ka na hindi magbabago ang mga plano ng Diyos para sa ‘yo. Tapat Siya sa Kaniyang mga pangako at hindi Niya binibigo ang sino mang nagtitiwala sa Kaniya. Kaya patuloy ka lang manampalataya, Kapatid. Hindi ka pababayaan ng Diyos.
Sa mga panahon na iniisip mo na hindi ka karapat-dapat sa pag-ibig ng Diyos, nais naming ipaalala sa ‘yo na walang pinipili si Hesus ng taong Kaniyang mamahalin. Tanggap Niya ano pa man ang ating nakaraan at handa Siyang magbigay ng bagong simula sa sino man na nagnanais nito. Kaya kang baguhin ng Diyos, kapatid. Walang imposible sa biyaya Niya.
Ipagkatiwala mo lamang sa Diyos kung humaharap ang iyong pamilya sa matinding pagsubok. Mas malakas ang pag-ibig ni Hesus kaysa sa ano mang problema. Isa sa Kaniyang pangako ay ang magkaroon ka ng masaya at mapagmahal na tahanan kaya’t huwag kang mawalan ng pag-asa.
Huwag kang mag-alala kung dumaraan ka sa matinding pagsubok. Lagi mong tandaan na nariyan si Hesus na puwede mong lapitan sa oras ng pangangailangan. Hindi ka Niya bibiguin kainlanman. Manampalataya ka lang sa Kaniya.
Nahihirapan ka na bang bitawan ang pagkalulong sa sugal? Nais mo na bang makalaya sa ganyang klase ng tanikala? Tanging si Hesus lamang ang makakatulong sa ‘yo, Kapatid. Kaya Niyang putulin ano mang pagkalulong ang mayroon ka ngayon pati na rin sa pagsusugal. Hayaan mo lamang Siyang kumilos at maghari sa iyong buhay.