Hindi inaasahan ni Czarihan na sa kabila ng kaniyang kapansanan, makakatagpo rin siya ng lalaking magpapatibok ng kaniyang puso. Subalit, nahinto ang kanilang masayang relasyon nang malamang tutol ang ina ng kaniyang nobyo sa kaniya dahil sa kaniyang kalagayan. Nabalot ng lungkot si Czarinah lalo na at tatlong taon na rin silang magkasintahan. Paano niya ito tinanggap? Hindi na nga ba niya mararanasan ang umibig muli dahil sa kaniyang kapansanan?
Hindi naging madali ang buhay para sa magkapatid na Czarinah at Camille. Nararamdaman man nila ang pagmamahal sa kanilang tahanan, kabaliktaran naman nito ang kanilang nararanasan tuwing nasa eskwelahan. Lumala ang panunukso sa kanila na nakaapekto sa buhay ng magkapatid.
Laking pasalamat pa rin ni Brenda nang dumating ang panganay na anak na si Czarina sa kanilang buhay. Hindi nagtagal, pinagpala silang muli ng isa pang anak. Subalit, kagaya ni Czarinah, mayroon ding kapansanan ang nakababatang kapatid.
Hindi maipaliwanag ni Brenda at Alvin ang saya na nadarama nang malaman na magkakaroon na sila ng anak. Labis ang pag-iingat ni Brenda upang makasiguro na ligtas ang sanggol sa kaniyang sinapupunan. Subalit, nang dumating na ang kanilang anak, laking gulat ng mag-asawa na mayroon itong kapansanan. Ano nga ba ang kondisyon ng anak ni Brenda?
Simula ng maranasan ni Leo at Kath ang pag-ibig ng Diyos, nagbago ang takbo ng kanilang buhay at nagkaroon ng kapatawaran sa kanilang mga puso. Subalit, ano naman kaya ang magiging reaksyon ng mga taong nakapligid sa kanila ngayong may pagbabago na sa kanilang buhay?
With great joy and gratitude, we celebrate the coming of the One who brought everlasting peace, love, and hope to this world, with HESUS AMING HARI, the newest Christmas song from Reverb Worship. Featuring the voices of Reverb Worship’s newest artists, the song is a joyful declaration that Jesus is King, this Christmas and forevermore. Because of this, we have a reason to sing, celebrate, and worship no matter what the season holds for each of us and our families.
Sakit sa ulo ng eskwelahan si Kath. Laging pinapatawag ang kaniyang magulang dahil madalas siyang masangkot sa gulo. Ano nga ba ang dahilan ng kaniyang pag-uugali?
Dahil sa pagpanaw ng mga magulang ni Leo, mas nagkaroon siya ng kalayaan na gawin ang kaniyang gusto. Subalit, kasabay din nito ang patuloy niyang pagdalo sa gawain ng Panginoon.
Bata pa lamang si Leo nang mapansin niya ang kaibahan mula sa mga lalaking kalaro. Maliban sa malabot na pagkilos, nasanay din siya na puro kababaihan ang nakakasama. Ito ang naging dahilan ng kaniyang pagkalito sa kaniyang tunay na kasarian. Paano nga ba ito tatanggapin ng kaniyang mga magulang?
Nagsunod-sunod ang mga oportunidad na nagbukas para kay Minda. Naging maganda ang takbo ng kaniyang buhay at naging maayos ang kita sa trabaho. Subalit ang naging kapalit naman nito ay ang kawalan ng oras sa kaniyang asawa. Ano nga ba ang pipiliin ni Minda lalo’t nanggaling siya sa mahirap na buhay?
Dahil sa sunod-sunod na pagsubok na pinagdaanan ni Minda, nagkaroon ito ng epekto sa kaniyang pisikal na katawan. Dumanas siya ng matinding sakit na halos tumapos sa kaniyang buhay. Malampasan niya kaya ito?
Ang biyaya ng Diyos ay mananatili magpakailanman. Sa bawat pagsubok at hamon ng buhay, ang Kaniyang pagmamahal at biyaya ay hindi nagmamaliw. Hindi Niya tayo kailanman iiwan o pababayaan. Patuloy lang tayong magtiwala dahil ang Kaniyang biyaya ay laging sapat at walang hangganan.
“For unto us a Child is born, Unto us a Son is given; And the government will be upon His shoulder. And His name will be called Wonderful, Counselor, Mighty God, Everlasting Father, Prince of Peace.” Isaiah 9:6, NKJV "Hesus Aming Hari" is the newest Christmas song from Reverb Worship, featuring the amazing voices of our newest artists. Isa lang ang mensahe na gusto naming iparating with this song: Jesus is King—not just this Christmas but through every season! 👑
Pagod ka na ba sa walang katapusang problema? May pag-asa ka pa, kapatid. Kasama mo ang Diyos sa bawat pagsubok at bibigyan ka Niya ng lakas sa araw-araw. Huwag kang mahihiyang lumapit sa Kaniya.
Sa bawat hamon ng buhay, tandaan mo na ang biyaya ng Diyos ang tanging kailangan mo. Hindi ka Niya pababayaan. Magtiwala ka sa Kaniyang plano para sa iyo.
“God is Good” declares God’s unchanging nature—faithful, good, and worthy of praise. Hazel Faith and Caleb Santos bring us this powerful affirmation, reminding us of God’s goodness that we experience time and again in our lives.

Showing 221–240 of 1341 results