Mas makapangyarihan si Kristo kaysa sa ano mang bagay dito sa mundo. Kaya kung ikaw man ay nahihirapang makawala sa mga tanikala sa iyong buhay, ang Panginoon ay handang tulungan kang makalaya. Napagtagumpayan na Niya ang lahat ng masamang naisin ng kaaway sa buhay mo. Kakampi mo ang Diyos!
Hay PAG-IBIG…just look at what it can do! 🥰❤️ Listen to real-life sweethearts Nolo and Jasmine as they sing “Tugon,” especially penned out of their own love story. Thank You, Lord, for love! Thank You that we get to experience and extend love because You first loved us.

God is always in the business of restoring life. Ano man ang imposible sa mata ng tao ay kayang ayusin ng Diyos. Maging ang buhay mo. Ilapit mo lang sa Kaniya ang lahat ng bigat na iyong dinadala, at hayaan mong ipakita Niya sa iyo kung paano Niyo ito magagawang pagpapala sa iyo.

Uy guys! Kung ikaw ay single at may balak kang ligawan, this is for you! 😊 Pero girls, wait! Kung strong independent woman ka at may gustong manligaw sa 'yo, marami ka ring makukuha sa video na 'to. Sa dami kasi ng paraan ng courtship ngayon, it can be challenging to show the right intentions. There are men na seryoso sa panliligaw, pero hindi alam kung paano i-e-express sa kanilang nililigawan. So, paano nga ba maipapakita ng guys ang kanilang intentions when they are pursuing a woman they admire? Paanorin si Kuya Ruther as he answers this question. Exciting ‘to! ❤️
Uy guys! Kung ikaw ay single at may balak kang ligawan, this is for you! 😊 Pero girls, wait! Kung strong independent woman ka at may gustong manligaw sa 'yo, marami ka ring makukuha sa video na 'to. Sa dami kasi ng paraan ng courtship ngayon, it can be challenging to show the right intentions. There are men na seryoso sa panliligaw, pero hindi alam kung paano i-e-express sa kanilang nililigawan. So, paano nga ba maipapakita ng guys ang kanilang intentions when they are pursuing a woman they admire? Paanorin si Kuya Ruther as he answers this question. Exciting ‘to! ❤️
Tila ba winasak ng nakaraan ang iyong puso? Nawawalan ka na ba ng pag-asang makabangon pang muli mula sa hindi magandang karanasan? Hayaan mo ang Panginoon na kumilos at tanggalin ang lahat ng bigat na dinadala mo ngayon.
Katulad ng sinabi sa kanta ng isang kilalang Christian band, “So blessed I can’t contain it. So much, I've got to give it away.” Ganyan din ang pagpapalang nais iparanas sa iyo ng Panginoon. Nais Niya ang buhay na masagana at mapayapa para sa iyo. Handa ka na bang pagkatiwalaan Siyang lubos sa buhay mo?
Pakiramdam mo ba na tila wala nang silbi ang iyong buhay? Napapagod ka na ba sa problemang iyong dinadala? Ano mang sitwasyon mo ngayon, nakikita ka ng Diyos. May mabuti Siyang plano para sa iyo dahil mahalaga ka sa Kaniya.
Hindi pa huli ang lahat upang magbagong buhay. Laging may pag-asa sa Diyos. Lagi Siyang handang umalalay sa ‘yo anumang pagsubok ang pinagdaraanan mo. Kaya ka Niyang gabayan patungo sa mabuting landas. May plano Siya para sa ‘yo.
Tapos na ang Love Month, single ka pa rin?   Hear Shekinah Gram’s sweet encouragement to all the single people, through her interpretation of Sarah Kroger’s “Belovedness.”    Don’t worry, hindi ka naman ever nakakalimutan ni God, and you are far more than your relationship status! 🥰 Ka-Reverb, celebrate this precious season of singleness. Mag-invest ka sa relasyon mo kay Lord and maximize the gifts He has given you during this moment.
Sa mga oras na nais mo nang sumuko dahil sa sunod-sunod na problema, alalahanin mong may Diyos na handang tumulong sa ‘yo. Kasama mo Siya sa anumang sitwasyon na mayroon ka ngayon. Nais ng Diyos na maranasan mo ang Kaniyang kabutihan. Manamplataya ka lang sa Kaniya.
Puno ba ng galit ang puso mo ngayon? Hayaan mong iparanas sa ‘yo ng Diyos ang Kaniyang wagas na pagmamahal. Hindi Niya nais na mamuhay ka sa galit. Puwede mong ibigay sa Panginoon lahat ng bigat na dinadala mo sa iyong puso.
Our God is the God of many chances. Hindi man naging maganda ang iyong nakaraan, kaya kang tulungan ng Diyos na makapagsimula muli. Hindi Siya nakatingin sa kung ano ang nagawa mo kundi sa kung ano ang kaya Niyang gawin sa buhay mo. ‘Wag kang mawalan ng pag-asa. Mahal ka ng Diyos!
Maging handa ka sa anumang pagsubok na maaari mong harapin. Ang kaaway ay laging nakabantay upang sirain ang iyong buhay. Ngunit, sabi sa salita ng Diyos na ‘wag kang matakot dahil kaya kang ipagtanggol ng Panginoon at bigyan ng maayos na buhay. Patuloy kang mamuhay sa katotohanang mahal ka ng Diyos at hindi ka Niya iiwan kailanman.
Ayawan ka man ng mga taong nakapaligid sa ‘yo, may Diyos na handang mahalin ka nang buong-buo. Tanggap ka ng Panginoon ano man ang iyong nakaraan. Kaya ka Niyang bigyan ng bagong simula.
Para sa mga pusong pagod na - genuine love still exists, maniwala ka! ☺️🥰 Here’s Joselle Feliciano’s rendition of “One Thing Remains” to remind us to always look towards Jesus’ example of true and unchanging love. Get to know more about the Perfect Love that never wavers, and never fails.
Ilapit mo sa Panginoon ang iyong mga pinagdaraanan at manampalataya kang kaya ka Niyang tulungan. Sa Kaniyang presensya ay may tagumpay, kaya huwag kang susuko sa laban!
Alam mo ba na puwede kang lumapit sa Panginoon ano mang oras na kailanganin mo Siya? Laging handa ang Diyos na sagutin ang tawag mo kaya’t ‘wag kang mag-alinlangan na lumapit sa Kaniya.
Dumaan man tayo sa mga problema, ang Diyos ay laging handang ipadama sa atin ang Kaniyang kabutihan. Lagi Siyang may magandang plano na maari mong asahan. Magtiwala ka sa Diyos sapagkat Siya ay mabuti at dapat na pagkatiwalaan.

Showing 221–240 of 265 results