God
Kaya kang palayain ng Diyos mula sa kahirapan. Mahirap man ang pinagdaraanan mo ngayon, pero makakaasa ka na hindi ka pababayaan ng Diyos. Kaya Niyang baguhin ang takbo ng iyong buhay. Receive your freedom today!
Nais mo ba ng bagong simula, ngunit hindi mo alam kung paano ito gagawin? Lumapit ka lamang sa Panginoon. Siya ang Diyos na nagbibigay ng bagong simula at kaya Niyang ayusin ang nasira mong buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa, gagabayan ka ng Diyos patungo sa matuwid na landas.
Hindi mo kailangang magpakahirap na i-please o kunin ang loob ng mga taong nakapaligid sa ‘yo para lang magustuhan ka nila. May Diyos na nais kang mahalin kahit sino ka man o ano man ang iyong nakaraan. Handa Siyang iparanas sa ‘yo ang Kaniyang wagas na pag-ibig. Nais mo ba Siyang makilala? Panoorin ngayong gabi ang The 700 Club Asia, Wednesday, June 7, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA, for stories that will help you experience God’s great love.
Gusto mo bang malaman ang plano ng Diyos sa buhay mo? Take a moment to pause and spend time with the Lord. Pray and ask Him for guidance and direction.
Matagal ka na rin bang nananalangin ngunit parang wala namang nababago? Ano nga ba ang mga dapat gawin upang sagutin ni God ang ating mga panalangin? Know and learn as you join this live prayer time of #PUSHPilipinas, hosted by Alex Tinsay and Camilla Kim-Galvez.
When we are consumed with our problems and difficulties, we fail to realize God's plans and ways to help us. But the truth is, God has never left our side. Alam Niya ang iyong pinagdaraanan at alam din Niya kung paano ka tutulungan. He is always present in times of need.
Pakiramdam mo ba na parang wala nang saysay ang iyong buhay dahil sa iyong maruming nakaraan? Huwag kang mabahala. Kaya kang tulungan ng Diyos na magsimula muli. Hindi Siya nakatingin sa iyong nakaraan; ang nais Niya lamang ay lumapit ka sa Kaniya. Tanggapin mo ang panibagong pag-asa at pagmamahal na ibinibigay Niya.
Mag-iba man ang panahon at ang mga tao sa ating paligid, ang pag-ibig ng Diyos para sa atin ay hindi kailanman magbabago. Patuloy tayong makakaasa sa Kaniyang tulong, ano man ang pagsubok na ating harapin.
Ilang araw na lang at Pasko na! Kumusta ka? Kumusta ang puso mo? Ano man ang pinagdaraanan mo ngayon, lagi mong tandaan na kasama mo ang Diyos. Makakabangon kang muli sa tulong Niya. Hindi ka nag-iisa.
Sa mga panahong pinanghihinaan ka ng loob dahil sa dami ng pagsubok sa buhay, alalahanin mo na kaya kang tulungan ng Diyos. Nais Niyang magtagumpay ka sa buhay kaya't 'wag kang mawalan ng pag-asa. Hindi ka Niya iiwan.
Nais ng Diyos na maranasan mo ang masaganang buhay. Ano man ang pinagdaraanan mo, lagi mong isipin na kayang baguhin ng Panginoon ang sitwasyon na mayroon ka ngayon. Mahal ka Niya at hindi ka Niya iiwan kailanman!
















































































































