Puno ka ba ng problema at nawawalan na ng pag-asa? Learn and discover how you can experience victory amid trials as you watch the first night of #TagumpayIMineMoNa, midnight on GMA.
Nais mo bang mas matutunan pa kung paanong magmahal at magbigay ng respeto sa iba? Your best example is Jesus! Lumapit ka lamang sa Kaniya at hayaan Siyang turuan ka.
Sa kabila ng matitinding pagsubok ng buhay, mayroon pa bang pag-asa upang makamtan ang totoong tagumpay?

Alam mo ba na kaya kang palayain ng Panginoon mula sa iyong nakaraan? Oo, lumapit ka lamang sa Kaniya dahil Siya ang Diyos na kayang ayusin ano man ang nasira sa buhay mo. Isuko mo lamang ang iyong buhay kay Hesus. Hindi ka Niya bibiguin.

Patuloy ka lang mabibigo kung sa ibang bagay mo hahanapin ang kukumpleto sa 'yo. Si Hesus ang sagot sa lahat ng iyong pangangailangan. Siya lamang ay sapat na sa buhay mo. Kailangan mo lamang na tanggapin Siya at hayaang kumilos sa iyong buhay. Hindi ka bibiguin ng Panginoon.
Ano nga ba ang basehan ng isang matagumpay na buhay? Maraming pera? Magandang sasakyan? Maayos na trabaho?
Ano nga ba ang sikreto sa pagkakaroon ng matagumpay na buhay? Bakit may mga taong nakakamit ito?
Hindi tinitingnan ng Diyos ang iyong nakaraan. Gaano man ito kadilim ay tanggap ka Niya. Mahalaga ka sa Kaniyang paningin at kayang bigyan ng panibagong simula. Mahal ka ni Hesus. Yayakapin ka Niya kahit na sino ka pa.
Marriage is truly a blessing when we allow Jesus to be front and center of it. Kaya kung humaharap kayong mag-asawa sa matinding pagsubok, ilapit mo lamang ‘yan sa Panginoon. Hayaan mo Siyang kumilos sa inyong buhay at pagsasama. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil handa Siyang maging gabay Niyong mag-asawa.

Isa sa mga pinakamagandang regalo na puwede mong matanggap ay ang magkaroon ng relasyon sa Panginoon. Dala nito ang masayang buhay na hindi mo matatagpuan saan man. At ang unang hakbang upang makamit ito ay ang tanggapin si Hesus sa iyong buhay.

Isa sa mga pangako ng Diyos sa Kaniyang mga anak ay ang kapayapaan na nagmumula sa Kaniya. Kaya kung dumaraan ka ngayon sa matinding pagsubok, makakaasa ka na tutulungan ka ng Diyos at bibigyan ng kapayapaan upang malampasan ang bawat problema. Hindi ka Niya pababayaan. Makakasa ka sa Panginoon sa lahat ng oras.

Hindi nakatingin ang Diyos sa iyong nakaraan. Kaya Niyang balutin ng Kaniyang pagmamahal ang lahat ng iyong pagkakamali. Huwag kang mahiyang lumapit kay Hesus. Bibigyan ka Niya ng bagong simula.

Kung naghahanap ka ng tutulong sa ‘yo upang lakaran ang landas patungo sa maayos at makabuluhang buhay, lumapit ka kay Hesus. May maganda Siyang plano para sa ‘yo at bibigyan Niya ng kahulugan ang iyong buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa.

Sa bawat pagsubok na dumarating sa ating buhay, nariyan palagi ang Diyos upang tulungan ka. Kaya Niyang ipakita ang Kaniyang kabutihan sa kahit anong sitwasyon. Magtiwala ka lamang sa Panginoon dahil hindi ka Niya pababayaan kailanman.

Nakakaranas ka man ng sunod-sunod na pagsubok sa buhay, lagi mong tandaan na nariyan ang Diyos upang bigyan ka ng lakas na harapin ang bawat problema. Tapat Siya sa lahat ng oras at gagabayan ka Niya sa landas ng iyong buhay. Manampalataya ka lang sa Panginoon.
Lugmok ka ba dahil sa dami ng problemang nararanasan mo? Maaari kang kumapit at humingi ng tulong sa Diyos! Tutulungan ka Niyang mapagtagumpayan ang mga problemang mayroon ka ngayon. Magtiwala at kumapit ka lang sa Kaniya. Hindi ka pababayaan ng Panginoon!
Sa panahon na kailangan mo ng masasandalan, may Diyos ka na iyong makakaagapay. Hindi ka Niya pababayaan at handa ka Niyang tulungan sa laban mo sa buhay. Manampalataya ka lang sa Kaniya dahil alam ng Panginoon kung paano ka tutulungan sa iyong mga problema.
Hindi man maganda ang sitwasyong kinalalagyan mo ngayon, kumapit ka lang sa Panginoon! He is always ready to help you in times of need. Kaya’t ‘wag kang mawalan ng pag-asa dahil may magandang plano ang Diyos sa buhay mo.

Gaano man kabigat ang iyong pinagdaraanan, hinding-hindi ka matitibag kung gagawin mong pundasyon ang Panginoon sa iyong buhay. Hayaan mo Siyang kumilos sa iyong sitwasyon.

Anong tanikala sa buhay ang pilit kang hinihila pababa? Kahirapan? Bisyo? O ‘di kaya naman ay magulong relasyon? Mas malakas ang Diyos kaysa sa ano mang problema na kinakaharap mo ngayon. Kaya ka Niyang palayain at bigyan ng panibagong buhay. Just surrender your worries and anxieties to Him because with God, we are forever free -- free from sin and anything else that enslaves us.

Showing 1–20 of 52 results