Nahihirapan ka na bang magtiwala muli dahil sa iyong mga naranasan? We want to encourage you dahil mayroon tayong Diyos na mapagkakatiwalaan at maasahan sa lahat ng oras. Kailanman ay hindi Niya binigo ang mga nagtitiwala sa Kaniya nang lubos.
Gaano man kabigat ang pagsubok na iyong kinakaharap, huwag kang mapagod na magtiwala sa Diyos. May kalakip na pagpapala ang kay Hesus ay nananamplataya. Kumapit ka lamang sa Kaniya. Hindi ka Niya bibiguin.
Posible nga ba na mabuo ang buhay na nawasak ng nakaraan? Huwag kang mawalan ng pag-asa! Sa tulong ng Diyos, mabubuo natin muli ang ating buhay. Patuloy ka lang maniwala at manamplataya sa Kaniya.

Walang hindi kayang gawin ang Diyos sa buhay mo. Lagi Siyang may solusyon, ano mang pagsubok ang iyong kaharapin at sa iyong patuloy na pagtitiwala sa Kaniya, mas lalo mong makikita na kailanman ay hindi ka Niya bibiguin. Huwag kang mawalan ng pag-asa, kapatid. Walang imposible sa Diyos.

Puno ba ng galit ang puso mo ngayon? Nahihirapan ka bang makalaya mula sa sama ng loob? We have good news for you! God will help you forgive. Gaano man kabigat ang iyong pinagdaraanan, kaya palayain ng Diyos ang iyong puso mula sa galit. Lumapit ka lang sa Kaniya.
Lubog na lubog ka na ba dahil sa sunod-sunod na pagsubok? Huwag kang mawalan ng pag-asa. Nariyan si Hesus upang tulungan ka na bumangon mula sa problema. Papalakasin ka Niya at gagabayan upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok na kinakaharap mo ngayon.
Sabi sa Salita ng Diyos, Si Hesus ang ating pag-asa. Siya ang ating tulong at sanggalang. At sa kahit anong problema, sa Kaniyang pangalan ay magtitiwala. – Awit 33:20-21 Kaya kung nakakaranas ka ng matinding problema sa buha, patuloy ka lang manamaplataya sa Panginoon. Hindi ka Niya iiwan sa gitna ng laban. Bibigyan ka Niya ng pag-asa at tutulungang makabangon mula sa problema.

Gaano man karumi ang iyong nakaraan, mayroong Diyos na handang tumanggap sa 'yo. Kayang balutin ni Hesus ng Kaniyang pagmamahal ang lahat ng iyong pagkakamali at bigyan ka ng panibagong umpisa. Lumapit ka lamang sa Kaniya.

Hindi nakakalimutan ng Diyos ang mga panalangin mo. Nakikita Niya ang iyong puso at sitwasyon kaya't huwag kang mawalan ng pag-asa. Patuloy ka lang kumapit sa Kaniya. Tapat si Hesus sa Kaniyang mga pangako, kapatid. Hindi ka Niya bibiguin.

Iwanan ka man ng mga taong nakapaligid sa ‘yo, makakaasa ka na hindi ka pababayaan ng Diyos. Tapat ang Kaniyang pagmamahal para sa ‘yo at hindi ito magmamaliw kahit kailan.
Posible pa nga bang makalaya sa mga bagay at sitwasyon na matagal ka nang pinapahirapan? Makapangyarihan ang ating Diyos. Isuko mo lamang ang iyong buhay sa Kaniya sapagkat’t kaya Niyang bigyan ng solusyon ano man ang pinagdaraanan mo ngayon. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Tutulungan ka ng Diyos na makalaya.

Hindi pa huli ang lahat para magbago, kapatid. May pag-asa ka pa na makapagsimula muli kung naliligaw ka man ng landas. Lumapit ka lang sa Panginoon dahil kaya ka Niyang tulungan at may maganda Siyang plano para sa ‘yo.

Nais mo bang makalaya mula sa maling relasyon o maging sa masasakit na pangyayari sa iyong buhay?Let God help you and show you the right path. You can trust Him for God has the best plans for you.
Kayang iparamdam sa ‘yo ng Panginoon ang pag-ibig ng isang ama na kukumpleto sa iyong buhay. Hindi ka Niya iiwan o bibiguin man.
Sobra na ba ang bigat ng problema na iyong dinadala? Huwag kang susuko! Nakikita ng Diyos ang iyong sitwasyon. Puwede mong ilapit sa Kaniya ang iyong pinagdaraanan. Trust God for He will help you carry your burdens.

Biktima ka ba ng pang-aabuso na halos sumira na sa iyong buhay? Kung naghahanap ka ng tutulong sa ‘yo upang makapagsimula muli, may Diyos tayo na puwede mong lapitan. Siya lamang ang may kakayahang ayusin ang iyong nasirang buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa! God can restore your broken life.

Showing all 16 results