Forgiveness
Do you want to know the key to experience blessings in the midst of suffering?
Walang hindi kayang gawin ang Diyos sa buhay mo. Lagi Siyang may solusyon, ano mang pagsubok ang iyong kaharapin at sa iyong patuloy na pagtitiwala sa Kaniya, mas lalo mong makikita na kailanman ay hindi ka Niya bibiguin. Huwag kang mawalan ng pag-asa, kapatid. Walang imposible sa Diyos.
Hindi nagkamali ang Diyos sa paglikha sa ‘yo. Mahalaga ka sa paningin Niya at mayroon Siyang magandang plano sa buhay mo. Hayaan mo lang Siya na maghari at kumilos sa ‘yo. Mahal ka ni Hesus.
Si Hesus ang iyong magsisilbing lakas at tanggulan sa tuwing dumaraan ka sa matinding pagsubok. Tumawag ka lamang sa Kaniya at maniwala dahil handa Siyang tumulong sa lahat ng oras. Iyan ang pangako Niya para sa ‘yo (Awit 28:7). Kaya huwag kang mawawalan ng pag-asa. Hindi ka iiwan at pababayan ng Diyos.
Kapatid, huwag kang mapagod na ipagkitawala kay Hesus ang iyong buhay. Hindi mo pa man nakikita ang resulta sa ngayon, makakaasa ka na may magandang plano ang Diyos para sa ‘yo. Huwag kang mawalan ng pag-asa sapagkat Siya ay mabuti.