Nais mo bang magbalik loob kay Hesus? Malaya ka na gawin ito, kapatid. Hindi Siya nakatingin sa iyong nakaraan o naging kasalanan. Lumapit ka lamang sa Kaniya nang buong puso at bibigyan ka Niya ng bagong simula. Mahal ka ng Panginoon.
Walang hanggan ang pag-ibig ng Diyos para sa ‘yo. Puwede kang bumalik sa Kaniya at magsimula muli kasama ang Panginoon sa kabila ng iyong mga naging pagkakamali. Hindi pa huli ang lahat upang magbago, kapatid. Posible pang maranasan mo ang magandang buhay na mayroon Siya para sa iyo basta’t lumapit ka lamang kay Hesus.
Hangad mo bang magkaroon ng bagong buhay ngayong bagong taon? Handa kang tulungan ni Hesus. Gagabayan ka Niya patungo sa tamang landas ng maayos na buhay. Siya ay may magandang plano para sa iyo. Hayaan mo lamang Siya na maghari sa buhay mo.
Gaano man kadilim ang iyong sitwasyon, nais naming ipaalala sa ‘yo na mayroong Diyos na handa kang tulungan upang harapin ang bawat araw. Hindi ka Niya bibitawan sa gitna ng problema. Makakaasa ka na kayang palitan ng Panginoon ng saya ang bawat lungkot na iyong nadarama. Manampalataya ka lang.
Ma-inspire ngayong gabi sa mga kuwentong nagbigay pag-asa sa ating mga kababayan sa nagdaang 2023. Truly, to God be the Glory for all that He has done in our lives for the past year.

Isa ka ba sa mga nagnanais ng magandang simula ngayong bagong taon? Kapatid, kay Hesus, maaari mong maranasan ang maayos na buhay. Isama mo ang Panginoon sa iyong mga plano at hayaan Siyang gabayan ka patungo sa tamang landas. Kayang iparanas sa ‘yo ng Diyos ang magandang buhay.

Tunay ngang mabuti ang Diyos sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap natin sa nagdaang taon.

Hindi pa huli ang lahat upang magsimula muli. Tutulungan ka ng Diyos na makabangon mula sa madilim mong nakaraan. Laging may bagong simula sa piling ng Panginoon kaya huwag kang mahiyang lumapit sa Kaniya.
Hindi mo ba maiwasang makaramdam ng pangamba ngayong paparating na ang Pasko? Alam ng Diyos ang nilalaman ng iyong puso. Ipaparanas Niya sa ‘yo ang kapayapaan at pagmamahal na papawi sa iyong kalungkutan ngayong kapaskuhan. He is the reason for this season and God wants you to have a merry Christmas.

Ano nga ba ang sikreto upang maranasan ang masayang Pasko? Kung nais mong malaman ang sagot, kilalanin at tanggapin mo si Hesus sa iyong buhay. Siya ang dahilan kung bakit tayo may Pasko; ang Siyang tunay na biyaya sa panahong ito.

Posible pa kayang maranasan ang masayang buhay sa kabila ng madilim na nakaraan? Our God is a great redeemer! Kaya Niyang palitan ng maayos at magandang simula ano man ang iyong pinagdaraanan. May pag-asa sa Diyos, kapatid. Tutulungan ka Niyang magsimula muli.

Puno ba ng hinanakit ang iyong puso dahil sa iyong nakaraan? Nais mo bang makalaya mula sa tanikala ng galit? Hayaan mong si Hesus ang maghari sa iyong buhay. Kaya Niyang alisin ang ano mang nagbibigay bigat sa iyong puso at palitan ito ng pagmamahal. Lumapit ka lamang sa Kaniya.

Pakiramdam mo ba ay wala nang nagmamahal sa ‘yo? Nais mo na bang tapusin ang iyong buhay para lamang takasan ang mga problema? Kapatid, mayroong Diyos na higit na nagmamahal sa ‘yo. Talikuran ka man ng tao sa paligid mo pero si Hesus ay laging nariyan upang yakapin ka. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Hindi ka iiwan ng Diyos.
Nangangailangan ka ba ng tutulong sa ‘yong lakaran ang matuwid na landas? Nais mo bang maranasan ang maayos na buhay? Nariyan si Hesus upang tulungan ka. Siya ang iyong gabay patungo sa maayos at matuwid na buhay na nais Niya para sa iyo. Lumapit ka lamang sa Kaniya at gawing Diyos ng iyong buhay. Tutulungan ka Niya.
Nasa gitna ka man ng madilim na sitwasyon ngayon, nariyan si Hesus upang gabayan ka patungo sa maayos na buhay. Sasamahan ka Niyang malampasan ano mang pagsubok ang kaharapin mo. Hindi ka pababayaan ng Diyos.

Paano nga ba magiging merry ang iyong Christmas? Discover the answer as you watch this episode of The 700 Club Asia, Tuesday, December 5, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA.

Alam mo ba na mayroong magandang kinabukasan na naghihintay sa ‘yo? Oo, kapatid. At madi-discover mo ito sa panahong magtiwala ka nang buo sa Panginoon. Kaya Niyang iparanas sa iyo ang maayos na buhay nang higit pa sa iyong naiisip. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Tapat si Hesus sa Kaniyang salita.

Matagal ka na bang nakakulong sa kasalanan at kahirapan? Naghahanap ka ba ng tutulong sa 'yo na makawala sa tanikala ng buhay? Si Hesus lamang ang iyong pag-asa. Kaya ka Niyang tulungan na makalaya sa ano mang bagay na bumibihag sa 'yo. Lumapit ka lamang sa Kaniya at ialay ang iyong buhay. Hindi ka iiwan ng Diyos.

Pakiramdam mo ba na walang pinatutunguhan ang iyong mga panalangin? Naririnig ka ng Diyos, kapatid. Alam Niya ang nilalaman ng iyong puso at may solusyon Siya sa bawat problemang pinagdaraanan mo. Patuloy ka lang maniwala at magtiwala sa Kaniya sapagkat tapat Siya sa Kaniyang mga pangako.

Si Hesus ang sikreto sa maayos at matagumpay na buhay. Kaya kung nais mong maranasan ang galak na papawi sa iyong mga problema, lumapit ka lamang sa Panginoon. Hindi ka Niya bibiguin at may maganda Siyang plano para sa ‘yo.