Encouragement
Pakiramdam mo ba hinahabol ka ng tukso? O hindi kaya naman ay marupok ka at di mo kayang iwasan ito?
Hindi natin maiiwasan na mapuno ng takot at pangamba sa tuwing may pinagdaraanan tayong hindi natin inaasahan. Mabuti na lamang at mayroon tayong Diyos na maaari nating takbuhan. Ang Kaniyang pag-ibig at pag-iingat ay lagi nating maaasahan.
When we are consumed with our problems and difficulties, we fail to realize God's plans and ways to help us. But the truth is, God has never left our side. Alam Niya ang iyong pinagdaraanan at alam din Niya kung paano ka tutulungan. He is always present in times of need.
Pakiramdam mo ba na parang wala nang saysay ang iyong buhay dahil sa iyong maruming nakaraan? Huwag kang mabahala. Kaya kang tulungan ng Diyos na magsimula muli. Hindi Siya nakatingin sa iyong nakaraan; ang nais Niya lamang ay lumapit ka sa Kaniya. Tanggapin mo ang panibagong pag-asa at pagmamahal na ibinibigay Niya.














































































































