Kapag mabigat na ang pinagdaraanan mo at tila wala ka nang lakas, huwag kang mawalan ng pag-asa. Sa paglapit mo sa Diyos, matatagpuan mo ang kapahingahan at kalakasan na iyong kailangan.
Know that God is with you even in the lowest points of your life. We invite you to watch the 8th night of The 700 Club Asia’s live TV special, #Restart, at midnight on GMA, and be reminded that God will never leave you in your battles.
Pagod ka na bang harapin ang laban nang mag-isa? Tandaan mo, kasama mo ang Diyos sa bawat pagsubok. Kahit gaano kabigat ang problema, hinding-hindi ka nag-iisa. Nariyan si Hesus na nagbibigay lakas at tagumpay. Huwag kang mawawalan ng pag-asa.
Sa tuwing naiisipan mo nang sumuko dahil sa pagsubok, piliin mong patuloy na lumaban dahil hindi ka nag-iisa. Nariyan ang Diyos upang samahan ka at bigyan ng lakas na harapin ang bawat problema. Kumapit ka sa Kaniya, kapatid. Dahil sa Kaniya, mayroong tagumpay!
Kay Hesus, ang imposible ay nagiging posible at ang himala ay nagiging totoo. Kaya kahit gaano kahirap ang sitwasyon mo, tandaan mo na kapag kumilos ang Diyos, may mangyayaring kamangha-mangha. Huwag kang mawawalan ng pag-asa.
Kapatid, maaaring mahirap ang pinagdaraanan mo ngayon. Pero sa Panginoon, may tunay tayong katagumpayan. Kaya patuloy kang magtiwala at kumapit sa pangako ng Diyos. Siya ay tapat at kailanman ay 'di tayo pababayaan.
Sa gitna ng pagod at gulo, hindi masama ang huminto at magpahinga. Puwede kang lumapit sa presensya ng Diyos at hayaan Siyang bigyan ka ng lakas at pag-asa. Magsimula ka muli kasama ang Diyos.
Pagod ka na bang humarap sa sunod-sunod na pagsubok ng buhay? Kapatid, mayroon tayong Diyos na puwede mong takbuhan. Handa Siyang sumaklolo sa’yo at bigyan ka ng kalakasan. Lumapit ka sa Kaniya at manampalataya.
Matapos humarap sa sunod-sunod na pagsubok sa buhay, may pag-asa pa nga bang makabangon muli at muling makaranas ng kaginhawaan? Hindi pa huli ang lahat, kapatid! God is ready to give you a brand new start. Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa.
Sa gitna ng lahat ng pagsubok, may isang bagay na siguradong hindi nagbabago—ang pag-asang mayroon tayo kay Hesus. Puwede mo itong maranasan sa lahat ng oras basta’t patuloy ka lang na manampalataya at lumapit sa Kaniya.
Nakakaramdam ka ba ng takot dahil sa mga pagsubok na iyong kinakaharap? Huwag kang mag-alala, kapatid. Nariyan si Hesus upang ingatan at palakasin ka sa pagharap sa bawat hamon ng buhay. Lumapit ka lamang sa Kaniya—hindi ka Niya kailanman bibiguin.
Pakiramdam mo ba'y wala nang patutunguhan ang lahat? Huwag kang bibitaw—may pag-asa sa Diyos, kapatid.
Alam ng Diyos ang pinagdaraanan mo, at hindi ka Niya kailanman pababayaan. Kaya kahit mahirap at masakit, huwag kang mawalan ng pag-asa dahil tutulungan ka Niya. Kumapit ka lang at manamplataya.
Sa gitna ng lahat ng problema, kabiguan, at kawalang-katiyakan sa buhay, isa lang ang hindi nagbabago at iyon ay ang pag-asa na matatagpuan natin kay Hesus. Hindi Siya napapagod magmahal, hindi Siya sumusuko, at kailanman ay hindi Siya nawawala. Kaya kung nawawalan ka na ng pag-asa sa mga oras na ito, alamin kung paano ka kayang tulungan ni Hesus.
Sino'ng mag-aakalang ang dating transgender ay tuluyang magbabago? Matapos makilala si Hesus, tuluyang isinuko ni Ronnie ang kaniyang buhay at naging masigasig siya sa pagbabahagi ng Salita ng Diyos sa iba. Pero natigil ito nang dumating ang lockdown. Paano siya nanatiling matatag sa kaniyang pananampalataya?
Isa si Pat sa mga nawalan ng hanapbuhay nang tumama ang COVID-19 pandemic. Bilang professional photographer silang mag-asawa, labis ang kanilang pangamba kung saan kukuha ng panggastos lalo na’t sabay silang nawalan ng pinagkakakitaan. Sa gitna ng takot at pangamba, may ipinagkaloob na hindi inaasahang pagpapala ang Panginoon kay Pat. Ano nga ba ito?
Not every love story is easy. But with God at the center, even the toughest trials can lead to the most beautiful “I do.” Watch the inspiring story of Winner and Cent as they share their journey through challenges, delays, and uncertainties. What God has joined together, no trial can tear apart.
Bilang isang events manager, naging malaking pagsubok kay Jay nang dumating ang COVID-19 pandemic. Malaking takot sa kaniya kung saan kukuha ng pangtustos sa pangangailangan ng kaniyang pamilya. Dumagdag pa sa kaniyang iisipin nang magkaroon pa siya ng COVID-19 virus. Saan nga ba humugot ng lakas ng loob si Jay sa kaniyang mga pinagdaanan?
Maayos at maganda ang naging trabaho ng mga magulang ni Eunice, kaya naman naging masagana ang takbo ng kanilang pamumuhay. Ngunit sa isang iglap, nasubok ito nang magkaroon ng pandemya. Nawalan ng trabaho ang kaniyang ama, kaya napilitan ang kaniyang ina na magdoble-kayod para sa kanilang pamilya. Dahil dito, labis na pangamba ang bumalot sa kanilang tahanan, lalo na kay Eunice. Ano’ng buhay ang naghihintay sa kanila? Paano nila nakita ang kapangyarihan ng panalangin sa kanilang buhay?
Ngayong nabigyan ng pangalawang pagkakataon si Cris sa kaniyang relasyon, ginawa na niya kung ano ang nararapat—ang gawing sentro ng relasyon si Hesus.