The 700 Club Asia
Ang tingin mo ba sa iyong sarili ay marumi na dahil sa iyong mga naranasan noong bata ka pa? Kung inaakala mo na wala nang tatanggap sa iyo dahil sa iyong nakaraan, alalahanin mo na may Diyos na kayang magbago ng istorya ng buhay mo. Kaya ka Niyang bigyan ng bagong simula at tulungang makabangon muli mula sa pang-aabuso na iyong naranasan. ‘Wag kang mawalan ng pag-asa.
Magbago man ang lahat sa ating paligid, ang pag-ibig ng Panginoon ay kailanma’y hindi magbabago. Tapat Siya mula noon at hanggang ngayon. Laging nakahanda ang Diyos na tulungan kang bumangon mula sa nakaraan. Mahal ka ng Diyos.
Minsan sa buhay, mahirap makita ang pag-asa lalo na kung may mabigat kang pinagdaraanan. Hindi mo maiwasang mapuno ng takot at pangamba. Ngunit, lagi mong tandaan na may Diyos na handang umalalay sa ‘yo. Kaya kang tulungan ng Panginoon na magtagumpay sa buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa.
Hawak ng Diyos ang lahat sa ating buhay. Kaya’t bilang anak Niya, puwede nating ibigay sa Kaniya lahat ng bigat na dinadala natin. Nais ng Diyos na palayain tayo sa ano mang hindi magandang karanasan sa ating buhay. To know more about Him, watch this episode of The 700 Club Asia, Friday, April 14, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA.
Being a parent is one of the most fantastic gifts you can have in life. It’s a beautiful opportunity that can bring great joy! But sometimes, hindi maiwasan ang family conflicts at struggles. Hindi madali magpalaki ng anak, pero thankfully, nandyan si God to help you raise your beautiful children! Tiwala lang.
“Pakikisamahan ko pa po ba ang asawa ko kahit alam kong may babae siya?”
“Madalas kami mag-away ng aking asawa dahil lagi kaming kapos sa pera. Ano po ang dapat ko gawin?”
“What is the secret to ‘happily ever after’ na marriage?
Peter and Christine Kairuz answer your questions about marriage and relationships! WATCH and discover how you can build a strong, healthy, and lasting relationship with your spouse.