Amidst the lies that the enemy tells us, may you be reminded to keep on trusting in what the word of God says. Let His voice be your assurance of what He can do in our lives, as it brings you truth, hope, and life.
Nais mo bang makalaya mula sa maling relasyon o maging sa masasakit na pangyayari sa iyong buhay?Let God help you and show you the right path. You can trust Him for God has the best plans for you.
Nagkukulang ba ang panggastos mo sa araw-araw? Hindi mo man maiwasang mabahala, makakaasa ka na God will provide for your needs. Patuloy kang sa Kaniya ay manampalataya dahil hindi ka Niya pababayaan.
Kayang iparamdam sa ‘yo ng Panginoon ang pag-ibig ng isang ama na kukumpleto sa iyong buhay. Hindi ka Niya iiwan o bibiguin man.
Kung pakiramdam mo na ikaw ay naliligaw na ng landas sa dami ng iyong mga pagkakamali at mahihirap na pinagdaraanan sa buhay, ang Panginoon ay palaging nariyan upang ikaw ay tulungan at iligtas. Hayaan mong Siya ang magturo sa iyo pabalik sa tuwid na matuwid na landas.
Nawalan ka ba ng trabaho? O ‘di kaya naman ay dumaraan sa matinding sakit? Sunod-sunod man na problema ang iyong kinakaharap, lagi kang makakaasa na kasama mo ang Diyos sa lahat ng oras. Nakikita ng Panginoon ang iyong sitwasyon at alam Niya kung paano ka matutulungan. Lumapit ka lang sa Kaniya.
In the midst of trials and storms, remember that Jesus is our anchor and a constant companion. He will give you the hope and strength to overcome. Don't be afraid; Jesus is always with you.
Araw-araw ka nalang bang nakakaramdam ng kabigatan sa iyong puso? Ilapit mo lamang ‘yan sa Panginoon. Kaya Niyang alisin ano mang kapaitan ng buhay ang iyong pinagdaraanan. Nais ng Panginoon na maranasan mo ang kapayapaan na nagmumula sa Kaniya.

Dumaranas ka man ng matinding kakulangan sa buhay, huwag kang mawalan ng pag-asa. Mayroon tayong Diyos na handa kang tulungan na makaahon sa kahirapan. Manampalataya ka lang sa Kaniya. Hindi ka pababayaan ng Diyos.

Nahihirapan ka bang makita na totoo ang Panginoon dahil sa hirap ng pinagdadaanan mo sa buhay? Huwag kang mawalan ng pag-asa for our God is real and alive. Nakikita Niya ang iyong pinagdaraanan at alam ng Diyos kung paano ka matutulungan. Manampalataya ka lang sa Kaniya.

Nahihiya ka bang lumapit sa Panginoon dahil sa masalimuot mong nakaraan? Ang ating Diyos ay hindi madamot at laging handang magpatawad. Hindi Siya nakatingin sa iyong pagkakamali at handa Siyang tulungan ka na makapagsimula muli. Dahil in Christ, there is no condemnation.

Sa dami ng mga pangyayari sa ating paligid, madaling mawalan ng pag-asa. Ngunit tapat ang Diyos sa Kaniyang mga pangako. Kaya Niyang gumawa ng himala sa iyong buhay at makakaasa ka na hindi ka Niya pababayaan. Huwag kang bibitaw and believe that God has plan for your life.

Maayos at magandang buhay ba ang nais mo? Si Lord ang bahala sa ‘yo! As you welcome Him in your life and make Him the center of it, you’ll realize that life is better together with God.
Ang pag-ibig ng Diyos ay kayang punan ano man ang pagkukulang sa iyong buhay. Just come to God and experience His pure love for you.

Naghahanap ka ba ng tunay at walang hanggang pag-ibig? Maaari mong matagpuan ito sa Panginoon. At hindi ito katulad ng pag-ibig ng tao na may limitasyon at naghihintay ng kapalit. Kaya Niyang iparanas sa 'yo ang ganitong uri ng pagmamahal na hinahanap ng iyong puso at kukumpleto sa iyong buhay. Lumapit ka lang sa Kaniya.

Ano man ang iyong nakaraan, huwag kang matakot na magsimula muli. Mayroon tayong Diyos na gagabay sa ‘yo upang magkaroon ka ng maayos na buhay. Maniwala ka na sa tulong ng Panginoon, kakayanin mong magbago.
Nakakaranas ka man ng sunod-sunod na pagsubok sa buhay, lagi mong tandaan na nariyan ang Diyos upang bigyan ka ng lakas na harapin ang bawat problema. Tapat Siya sa lahat ng oras at gagabayan ka Niya sa landas ng iyong buhay. Manampalataya ka lang sa Panginoon.
Sa kabila ng mga pagsubok at problema, laging may pag-asa. Kapag kasama natin ang Diyos, tiyak na may pag-asa. Huwag kang mapagod na manalangin at magtiwala sapagkat mayroon tayong tapat na Panginoon sa lahat ng oras.
Are you hoping for a turnaround in your current situation? Do you find yourself feeling hopeless, uncertain if change will come? Remember, God has a unique plan for you. All you need to do is allow Him to lead you and see His goodness in your life. Don’t lose hope!
Kung saan-saan ka ba kumakapit para lang matugunan ang lahat ng iyong pangangailangan? Nasubukan mo na bang sa Diyos umasa? Sa Kaniya, may malalapitan ka sa oras ng kagipitan! Ilapit mo sa Diyos ang lahat ng bigat na iyong pinagdaraanan at makakaasa ka na hindi ka Niya pababayan.