Nakaranas na ng pang-aabuso, siya pa ang kinasuhan. Ito ang mabigat na pagsubok na hinarap ni Krizzia habang nasa ibang bansa. Halos mawalan siya ng pag-asa at napuno ng galit ang kaniyang puso. Ngunit saan nga ba niya natagpuan ang katarungan? At paano niya nagawang patawarin ang mga taong nagkasala laban sa kaniya?
May pag-asa pa bang makaramdam ng kapayapaan kung ang puso ay puno ng poot? Saan matatagpuan ang kalayaan sa kapatawaran? Let God make you free from the chains of bitterness. Watch tonight’s episode of The 700 Club Asia, Thursday, September 18, at midnight on GMA.
Hindi madali ang magpatawad sa mga taong nakasakit sa’yo. Subalit, ang tunay na kapatawaran ay nagsisimula sa Panginoon. Siya ang nagbibigay ng lakas at kapayapaan upang makalaya ka mula sa galit at sama ng loob. Kaya kung nais mong maranasan ang kapayapaan at kalayaan mula sa nakaraan, lumapit ka lamang kay Hesus.
Matagal ka na bang nakakulong sa tanikala ng galit? Nais mo bang makalaya ngunit hindi mo alam kung saan magsisimula? Let God set you free from unforgiveness. Nothing is impossible with Him. Just come to the Lord for He is ready to help you.
Sa likod ng pagpapatawa at magandang ngiti, matagal palang nabihag ng kasalanan ang artistang si Jan Manual. Kawalan ng kapayapaan at pag-asa ang ilang ulit niyang kinaharap. Paano siya nakabangon mula rito? Saan niya natagpuan ang pagmamahal na tuluyang bumago sa kaniyang buhay?
Patuloy ka bang humaharap sa sunod-sunod na problema? Nawawalan ka na ba ng pag-asa na makabangon pa? Kumapit at lumapit ka lamang sa Diyos, at bibigyan ka Niya ng lakas upang malampasan ang bawat pagsubok.
“Then you will experience God’s peace, which exceeds anything we can understand. His peace will guard your hearts and minds as you live in Christ Jesus.” (Phil. 4:7, NLT) Going through mental health struggles isn’t easy and it can be lonely. But the Lord promised in His Word that He will be with us through it all and that He can give us peace that goes beyond our trials. In Him, there is hope!
Paano nga ba mapagtatagumpayan ang bawat pagsubok, lalo na pagdating sa mental health? Ano ang susi upang malampasan ang mga ito?
Paulit-ulit mang nadapa si Iking sa kaniyang mga pagkakamali, paano niya naman naranasan ang paulit-ulit na pagpapatawad at pag-ibig ng Diyos?
Nagkaroon ng matinding galit noon si Iking sa kaniyang ama dahil sa bisyo at magulong pamumuhay nito. Ngunit ngayon, mas mabigat na pagsubok ang dinaranas ni Iking at halos patapon na ang kaniyang buhay. Paano siya makakalaya sa ganitong sitwasyon? Mayroon pa bang tatanggap sa kaniya sa kabila ng kanyang magulong buhay?
Dahil sa pagkakamaling nagawa ng kaniyang ama, napilitan itong magtago mula sa mga awtoridad, dahilan upang maghiwa-hiwalay ang kanilang pamilya. Nakaranas din si Iking ng panunukso sa eskwelahan dahil sa kasalanang nagawa ng kaniyang ama. Sa patong-patong na kaguluhan sa buhay, ano nga ba ang magiging tugon ni Iking sa mga pagsubok?
Salat sa buhay. Hirap makapag-aral. Mapang-abusong ama. Ilan lamang ito sa mga naranasan ni Iking noong siya ay bata pa. Buo man ang pamilya, hindi niya naramdaman ang pagkakaisa sa kanilang tahanan, lalo na ang pagmamahal ng isang ama. Nadatnan din niya ang mga bisyo ng kanyang ama na naging dahilan ng pagkakabaon nila sa utang. Sa murang edad ni Iking, saan niya matatagpuan ang patnubay ng isang ama kung ganito ang kanyang nakikita?
Muling nasubok ang pananampalataya ni Elmer nang siya’y magkaroon ng matinding sakit na nagdulot ng takot sa kaniyang buhay. Malaking tanong para sa kaniya kung bakit niya nararanasan ang ganitong klaseng pagsubok. Ngunit ang isa pang tanong: Muli nga bang magiging matatag si Elmer sa gitna ng pagsubok?
Labis ang pasasalamat ni Elmer sa Panginoon nang siya’y makatapos ng pag-aaral. Sa kabila ng diskriminasyong kaniyang pinagdaanan, nanaig pa rin ang mabuting plano ng Diyos sa kaniyang buhay. Subalit, hindi inaakala ni Elmer na kahit sa pagtatapos ng kaniyang pag-aaral ay patuloy pa rin niyang mararanasan ang pagmamaliit ng iba.
Gustuhin man ni Elmer na tahakin ang landas tungo sa pagiging sundalo, mas pinili niyang mag-aral upang tugunan ang pagtawag ng Panginoon sa kaniyang buhay. Habang naglilingkod sa Diyos at nakapagtapos ng Bible school, hindi siya binigo ng Panginoon dahil nabigyan siyang muli ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo. Subalit, may mabigat na pagsubok siyang hinarap. Ano nga ba ito? Ito na nga ba ang hahadlang upang pabagsakin si Elmer sa buhay?
Isang mabigat na pagsubok ang kinaharap ng pamilya ni Elmer nang sunod-sunod na magkasakit ang kaniyang mga kapatid. Agad nila itong dinala sa anito na kanilang pinaniniwalaan, subalit laking gulat nila nang hindi ito gumaling at kalaunan ay nasawi. Saan ngayon hihingi ng saklolo ang pamilya ni Elmer, ngayong ang kanilang inaasahan ay binigo sila sa oras ng pangangailangan?
Bata pa lamang si Elmer ay namulat na siya sa ibang paniniwala na natutunan mula sa kaniyang mga magulang. Naniniwala sila sa tinatawag na “anito” o mga kapangyarihang espiritu na sinasabing kayang magpagaling ng anumang sakit. Ito ang paniniwalang tumatak sa murang isipan ni Elmer, lalo na’t siya mismo ay nakaranas nito. Pero ang tanong, tama nga ba ang landas na pinaniniwalaan ni Elmer? Anong klaseng buhay ang naghihintay sa kaniya?
Minsan, pakiramdam natin ay tapos na ang lahat. Wala nang pag-asa at wala nang bagong simula. Ngunit sa Diyos, laging may pagkakataong magsimula muli, kapatid. Siya ang nagbibigay ng panibagong lakas at pag-asa.

Showing 21–40 of 977 results