Hindi man naging maayos ang naging simula ni Loribel sa buhay, hindi naman hinayaan ng Panginoon na hindi maranasan ni Loribel ang magandang planong inilaan Niya. Ano nga ba ang ginawa ni Loribel upang makamit ang matagumpay na buhay?
Lasting growth and purpose can only come from one source—Jesus. Bahagi is a song about abiding in Him, staying connected to His presence, and surrendering to His will. The world may promise success and fulfillment in many ways, but apart from Christ, nothing truly lasts. When we choose to remain in Him, His life flows through us, making everything we do meaningful and fruitful. “I am the vine; you are the branches. If you remain in me and I in you, you will bear much fruit; apart from me you can do nothing.” (John 15:5)
Laking pasasalamat ni Loribel nang matapos na ang gyera sa Marawi. Subalit, hindi doon natapos ang misyon ni Loribel. Muli siyang tinawag ng Panginoon na bumalik sa kanilang lugar upang ipagpatuloy ang kaniyang nais na maging isang doctor. Laking pangamba naman ni Loribel kung saan siya kukuha ng kaniyang panggastos sa pag-aaral.
Matapos ang sunod-sunod na pagpapalang natatanggap ni Loribel, panibagong pagsubok naman ang kaniyang kinaharap. Nakaranas siya ng isang matinding sakit, dahilan upang makaramdam siya ng takot at pangamba. Subalit, isang araw ay nangusap sa kaniya ang Panginoon sa pamamagitan ng isang panaginip. Ano nga kaya ito? Sumunod nga ba si Loribel sa kabila ng pagsubok na kinakaharap?
Nagpatuloy si Loribel sa pagdalo sa gawain ng Panginoon. Dito ay kaniyang nakita ang pagkilos ng Diyos sa kaniyang buhay. Sunod-sunod din ang pagpapalang natatanggap ni Loribel kaya’t laking pasasalamat niya sa Diyos.
Hindi naging madali ang buhay para kay Loribel at sa kaniyang pamilya. Minsan ay isang beses lamang sila kung kumain dahil sa kakapusan sa buhay. Sumabay pa rito ang magulong relasyon ng kaniyang ama’t ina. Anong buhay ang naghihintay kay Loribel kung sa murang edad pa lamang ay ito na ang kaniyang kinagisnan?
Ilang beses naglabas-pasok sa kulungan si Boy at nasampahan ng iba’t-ibang kaso. Subalit, sino ang mag-aakala na magkakaroon pa siya ng maayos na buhay? Sino ang tumulong sa kaniya upang magsimulang muli?
Dala ng kahirapan, hinikayat si Boy ng kaniyang asawa na bumalik sa masamang gawain. Subalit patuloy na tumatanggi si Boy dahil sa pangungusap ng Panginoon sa kaniya. Hanggang sa patuloy na sinubok si Boy at ang kaniyang pamilya sa kanilang pangangailangan sa pera. Muli nga bang matutuksong bumalik si Boy sa masamang gawain?
Tuluyan mang nakalaya si Boy mula sa pagkakakulong, siya naman ang pinagdiskitahan ng kaniyang dating amo. Binaril si Boy at tinamaan ng tatlong beses, dahilan upang maging kritikal ang kaniyang kalagayan. Sa sitwasyong ito, nakita ni Boy ang pagkilos ng Panginoon sa kaniyang buhay. Sa anong paraan nga ba ito nangyari?
Imbes na maging matino, mas lalong lumala ang kasalanang ginagawa ni Boy sa kaniyang buhay. Natuto siyang pumatay sa edad na 19 at napabilang sa mga most wanted person sa kanilang lugar. Subalit, ano nga bang dahilan kung bakit humantong sa ganitong sitwasyon si Boy?
Nanggaling si Boy sa isang magulong pamilya. Naghiwalay ang kaniyang mga magulang nang dahil sa pang-aabuso ng kaniyang ama. Upang may maipangtustos sa pangangailang nilang magkakapatid, nagtrabaho bilang hostess sa club ang kaniyang ina. Dito nagsimulang makaranas ng pangungutya si Boy mula sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Saan nga ba humantong ang galit sa puso ni Boy dala ng madilim na nakaraan sa pamilya at mapanuksong kapaligaran?
Ano ang naging sikreto ni Lynn upang malampasan lahat ng pagsubok na kaniyang kinaharap sa buhay? Sino ang kaniyang naging kakampi sa oras ng kagipitan?
Laking pasalamat ni Lynn sa Panginoon nang tulungan siyang malampasan ang kaniyang karamdaman. Subalit, hindi pa rin doon natatapos ang pagsubok sa kaniya ng kaaway. Panibagong problema ang kinaharap ni Lynn nang masangkot ang isa pa niyang anak sa aksidente. Ito na nga ba ang magpapasuko kay Lynn?
Hindi pa man tuluyang naghihilom si Lynn mula sa pagkawala ng anak, panibagong pagsubok na naman ang kaniyang kinaharap. Nalaman ni Lynn na mayroon din siyang matinding sakit na puwedeng tumapos sa kaniyang buhay. Ngunit bakit mayroong kapayapaan si Lynn sa kabila ng kaniyang nararanasan? Saan nga ba siya humuhugot ng lakas ng loob?
Hinarap ni Lynn ang pagiging single parent at pinilit na itaguyod ang pamilya. Sariwa pa man sa kaniyang alalala ang pagkakawalay sa asawa, panibagong pagsubok naman ang kaniyang kinaharap. Muli na namang nasubok ang kaniyang pagtitiwala sa Diyos. Manatili kaya siyang matatag? O tuluyan na siyang bumitaw?
Minsan mo na rin bang naitanong kung totoo nga bang may Diyos dahil sa hirap ng iyong pinagdaraanan? Ganito ang naging sambit ni Lynn matapos makaranas ng madilim na nakaraan sa kaniyang buhay. Ano nga ba mga ito at humantong sa pagtatanong niya sa Diyos?
God's breakthrough is always available for you! Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa, kapatid. Hindi natatapos ang kabutihan ng Diyos sa Kaniyang mga anak. Manampalataya at manalig dahil handang iparanas sa 'yo ng Diyos ang kaginhawahan na dala Niya.
Hindi pa tapos ang Diyos sa buhay mo, kapatid. Nais Niyang maranasan mo ang breakthrough na nagmumula sa Kaniya. Siya ang kakampi mo sa gitna ng problema na iyong kinakaharap. Kaya huwag kang susuko. Malapit mo nang maranasan ang kaginhawaan.
Pagod ka na ba sa kakahanap kung saan matatagpuan ang tunay na kasaganahan? Kapatid, nariyan si Hesus na sagot at susi sa iyong problema. Siya lamang ang tanging makakatulong sa 'yo at kailanman ay hindi ka pababayaan.
May pag-asa pa na makalaya ka sa tanikala ng kahirapan at kasalanan! Puwede mo itong simulan sa pamamagitan ng pagkakatiwala ng iyong buhay kay Hesus. Siya ang magiging kasama mo sa pagbabago, kapatid.

Showing 161–180 of 1341 results