Paano nga ba makakabangon mula sa buhay na may mapait na nakaraan? Saan mahahanap ang saklolo na matagal nang hinahanap?
Sa murang edad ni Dan ay natuto na siyang gumamit ng pinagbabawal na gamot. Impluwensya ito hindi lang ng mga pinsan kundi ng sariling ama niya mismo. Labis na naapektuhan ang pag-aaral ni Dan at dumagdag pa rito ng mabuntis niya ang kaniyang nobya. May pag-asa pa bang maiayos ni Dan ang kaniyang sarili? Saan niya matatagpuan ang saklolo sa oras ng pangangailangan?
Dahil sa kasabikan na maranasan ang pagmamahal ng magulang, hinanap ni Vernon ang pupuno sa kaniyang puso sa pamamagitan ng barkada. Subalit nagkamali si Vernon sa desisyon na kaniyang ginawa. Napariwara ang kaniyang buhay dahil sa droga at pakikipagtalik sa kapwa lalaki.
Napagdesisyonan na ni Niña na makipaghiwalay sa kaniyang kinakasama dahil sa mas tumitinding gusot sa kanilang relasyon. Mahirap man sa kaniya na tanggapin ito, nagsumikap siya at mag-isang itinaguyod ang mga anak. Sumubok din siyang muling makabangon mula sa kaniyang mga pagkakamali subalit paulit-ulit din siyang bumabalik sa maling gawain. Hanggang sa isang pangyayari ang gumambala kay Niña. Ano ito?
Nakulong ang kinakasama ni Niña dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga. Subalit imbis na lumayo, nahikayat din siya na makisama at ‘di nagtagal ay gumamit na rin ng ipinagbabawal na gamot. Mas lalo ring lumala ang kanilang mga alitan hanggang sa panibagong sikreto ang nabunyag kay Niña? Ano nga ba ito? May pag-asa pa nga bang maayos ang relasyon nila ng kinakasama?
Malaking pagsubok para kay Niña na itaguyod ang dalawang anak simula nang maghiwalay sila ng kaniyang asawa. Nahirapan din siyang makahanap ng trabaho dahil hindi siya tapos ng pag-aaral. Naging mailap din siya sa pakikipagrelasyon sa kadahilanang takot siyang masaktang muli. Subalit nang makakilala siya ng isang lalaki, muli siyang nabighani kung paano siya tratuhin at pangakuan ng maayos na buhay.
Lumaki sa masaganang pamilya si Niña. Nabibigay ng kaniyang mga magulang ang lahat ng kaniyang hilig dahilan upang siya ay lumaki sa layaw. Hindi nagtagal, napariwara si Niña at maagang namulat sa mga bisyo. Sumabay pa rito nang maaga siyang magkaroon ng anak. Subalit, isang rebelasyon ang nabunyag kay Niña sa gitna ng hindi pagkakaunawaan niya at kaniyang nobyo. Ano ito?
Sa kabila ng sunod-sunod na sakit na dumaan kay Rose at sa kaniyang pamilya, saan sila humugot ng lakas upang malampasan ang lahat ng ito? At paano ginamit ng Panginoon ang mga pagsubok na ito upang lalong mapatibay at mapalalim ang kanilang pagmamahalan bilang isang pamilya?
Panibagong pagsubok sa kalusugan ang hinarap ni Rose. Natuklasang may bukol siya sa kaniyang lalamunan na maaaring isang cancer. Muli na namang bumalot sa kaniyang puso ang matinding takot hanggang dumating sa punto na minsan ay nasambit niyang sana kunin na lamang siya ng Panginoon. Ito na nga kaya ang wakas? O isa lamang itong yugto ng pagsubok na muli niyang malalampasan?
Laking pasasalamat ni Rose nang maka-recover ang kaniyang anak sa pagkakaroon ng global development delay. Dito, ay mas nakita niya ang kapangyarihan ng pagtitiwala sa Panginoon. Subalit, hindi pa rin dito natatapos ang problemang kinakaharap ni Rose at kaniyang asawa. Patuloy pa nga bang kakapit si Rose sa Panginoon? O tuluyan na siyang lunurin ng problema?
Laking pasasalamat ni Rose sa Panginoon nang matugunan ang matagal na nilang panalangin. Nagkaroon sila ng anak na lalaki at ilang taon lang din ang pagitan ay biniyayaan naman sila ng kambal na babae. Ngunit, hindi ito naging madali para kay Rose at kaniyang asawa.
Katulad ng ibang mag-asawa, dalangin din nina Rose na magkaroon ng sariling pamilya. Ilang beses silang sumubok na makabuo subalit palagi silang bigo dahil sa sakit na mayroon si Rose. Ano nga ba ang karamdaman na mayroon si Rose? Matanggap pa kaya nila ang panalangin na matagal na nilang inaasam?
Kilala ang mga sundalo na isang magiting at matapang na mandirigma. Ganito ang katangian na mayroon si Leo. Subalit, imbes na lakaran ang tamang landas ay kaniyang ginamit ang kapangyarihan na mayroon upang manglamang ng kapwa. Nalulong din siya sa iba’t-ibang kasalanan na halos sumira sa kaniyang buhay. Isa kaya ang laban na ito na mapagtatagumpayan ni Leo?
Kilala si Pablo bilang pinuno ng P-pop group na SB19 na hindi lang recognized sa Pilipinas ngunit maging sa buong mundo. Ngunit sa likod ng tagumpay na tinatamasa ng kanilang grupo, dumaan din pala siya at ang kaniyang pamilya sa isang pagsubok na minsang nagdala ng takot sa kanilang pamilya.
Tingin mo ba na hindi mo na mararanasan ang mahalin nang tama at lubos dahil sa iyong nakaraan? Katulad ni Micah, hindi niya inakala na sa kabila ng kaniyang mga maling nagawa, mayroon pa rin palang totoong magmamahal sa kaniya. Sino nga ba ito? At paano siya tinanggap sa kabila ng kaniyang nakaraan?
Nagtapos ng kursong midwifery si Nida at nagkaroon ng pagkakataon na makapagtrabaho sa Libya. Sa panahon ng kaniyang pagta-trabaho, may isa siyang kaibigan na masipag na ipakilala sa kaniya si Hesus. Subalit dahil sa kalayaan na natatamo sa buhay, binalewala ito ni Nida. Hanggang sa isang matinding pagsubok ang kinaharap ni Nida. Ano nga ba ito? Sino ang naging saklolo niya sa mga oras na ito?
Anuman ang laban mo sa buhay, maging ito man ay kalungkutan, problema sa pamilya, karamdaman, o kahirapan, hindi ka nag-iisa. Dahil kasama mo ang Diyos, kakayanin mo itong malampasan. Sa paglapit mo sa Kaniya, hindi mo lamang mararananasan ang Kaniyang kabutihan. Matitikman mo rin ang tagumpay na may kasamang kapayapaan at pag-asa.
Hindi pa huli upang maranasan mo ang pagkilos ng Diyos. Patuloy kang manalig na sa patuloy mong pagtitiwala sa Kaniya, malalampasan mo ang mga pagsubok sa buhay. Huwag kang susuko, kapatid. Imposible mang mangyari sa ating paningin, ang totoo ay kaya ni Lord 'yan!
Kung sa paningin mo ay wala nang pag-asa, tandaan mong ang Diyos na pinaglilingkuran mo ay Diyos ng imposible. Sa Kaniya, may himala, pag-asa, at tagumpay! Patuloy kang maniwala dahil ang imposible sa tao, posible sa Diyos.