Videos
Nararamdaman mo na ba ang stress dahil sa sunod-sunod na gastusin? Nag-aalala ka ba kung saan ka kukuha ng mga panggastos sa araw-araw? Philippians 4:19 says, "God can supply all your needs." Kaya hindi mo kailangang mangamba dahil hindi ka pagkukulangin ng Diyos.
Hindi man maganda ang takbo ng buhay mo ngayon, alalahanin mo na may mga pangako ang Diyos na puwede mong panghawakan. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil nariyan Siya upang palakasin ka. Lagi mong tandaan, kasama mo ang Diyos sa lahat ng laban mo sa buhay.
There is nothing more powerful than the love of God for us. His great love can heal, transform, free us from the bondage of sin, and lead us to an abundant life.
Nais ng Diyos na maranasan mo ang masaganang buhay. Ano man ang pinagdaraanan mo, lagi mong isipin na kayang baguhin ng Panginoon ang sitwasyon na mayroon ka ngayon. Mahal ka Niya at hindi ka Niya iiwan kailanman!
One Music One Hope presents “Kwento Natin ‘To” with Arnel De Pano, Sheena Lee, and Joselle Feliciano
Tanging pagganti ang nakikitang solusyon ni Benjie sa pagkamatay ng kaniyang ama. Magagawa niya ba ang kaniyang masamang binabalak? Paano nga ba naranasan ni Kui Tang ang pagmamahal ng Panginoon kahit na siya ay nasa isang buddhist country? Hindi naging madali para kay Elvie ang tumulong sa gawain ng Panginoon. Ngunit, paano niya ito naitawid?
Hiwalay ka ba sa asawa mo ngayon? Nawawalan ka na ba ng pag-asa na magkakaayos pa kayo? Always remember that God is in the business of restoring relationships. Handa Niya kayong tulungan upang maiayos muli ang inyong pagsasama. Magtiwala ka.
















































































































