Sino ang mag-aakala na ang batang naninirahan sa Payatas ay magkakaroon ng maayos na buhay at sariling bahay? Ayan ang naranasan ni Jolas na pagkilos mula sa Panginoon. Paano nga ba nangyari ito? Panoorin ang kaniyang kuwento.
Napuno ng galit ang puso ni Mernalyn dahil sa hindi magandang pagtrato sa kaniya ng kaniyang asawa. Lulong sa alak, paninigarilyo, at pambabae, hindi na rin nakakapagtaka kung bakit nagdesisyon na siyang hiwalayan ito. Subalit ang galit sa asawa ay naipasa sa kaniyang anak na nakaranas ng kalupitan sa kamay ni Mernalyn.
Maagang nalihis ang landas ni Jonathan. Sa murang edad, natuto siyang manigarilyo, uminom ng alak, at sumubok ng ipinagbabawal na gamot.
Lumaki sa isang broken family si Joebert. Kaya naman pinangarap niyang magkaroon ng pamilyang buo kapag nasa tamang edad na. Ito ang dahilan ng kaniyang labis na kagalakan nang biyayaan silang mag-asawa ng Diyos ng isang anak na babae. Ngunit nasubok ang kanilang pananampalataya nang ilang beses silang mabigong sundan ang kanilang panganay. Makararanas kaya sila ng himala ng Diyos?
Mahigit 12 taon na ang lumipas nang mag-viral sa internet ang insidenteng kinasangkutan ni Paula. Siya ang babae sa likod ng kumalat na video sa isang train station at nabansagang “amalayer” (I’m a liar) girl. Subalit sapat nga ba ang ipinakita ng nakunang video upang makatanggap si Paula ng masasakit na salita mula sa netizens? Ano nga ba ang pinagmulan ng gulo na umabot sa malalang reaksyon ni Paula?
Lagi na lamang bigo pagdating sa pag-ibig si Owie. Bilang isang single mother, tinuon na lamang niya ang kaniyang atensyon sa pagta-trabaho upang matustusan ang pangangailan ng anak. Hanggang sa kumilos ang Diyos at ipinakilala kay Owie ang lalaking magpapatibok muli ng kaniyang puso. Sino nga ba siya?
Hindi naging madali ang buhay para kay Edwin at sa kaniyang pamilya. Namuhay sila sa hirap at hindi sapat ang kinikita upang may panggastos sa araw-araw. Ito ang nagtulak kay Edwin upang makipagsapalaran sa Maynila at umasang magkaroon ng maayos na buhay. Ito nga ba ang tanging sagot sa problema ni Edwin? O may ibang plano ang Diyos para sa kaniyang buhay?
Hindi inaasahan ni Czarihan na sa kabila ng kaniyang kapansanan, makakatagpo rin siya ng lalaking magpapatibok ng kaniyang puso. Subalit, nahinto ang kanilang masayang relasyon nang malamang tutol ang ina ng kaniyang nobyo sa kaniya dahil sa kaniyang kalagayan. Nabalot ng lungkot si Czarinah lalo na at tatlong taon na rin silang magkasintahan. Paano niya ito tinanggap? Hindi na nga ba niya mararanasan ang umibig muli dahil sa kaniyang kapansanan?
Hindi naging madali ang buhay para sa magkapatid na Czarinah at Camille. Nararamdaman man nila ang pagmamahal sa kanilang tahanan, kabaliktaran naman nito ang kanilang nararanasan tuwing nasa eskwelahan. Lumala ang panunukso sa kanila na nakaapekto sa buhay ng magkapatid.
Laking pasalamat pa rin ni Brenda nang dumating ang panganay na anak na si Czarina sa kanilang buhay. Hindi nagtagal, pinagpala silang muli ng isa pang anak. Subalit, kagaya ni Czarinah, mayroon ding kapansanan ang nakababatang kapatid.
Hindi maipaliwanag ni Brenda at Alvin ang saya na nadarama nang malaman na magkakaroon na sila ng anak. Labis ang pag-iingat ni Brenda upang makasiguro na ligtas ang sanggol sa kaniyang sinapupunan. Subalit, nang dumating na ang kanilang anak, laking gulat ng mag-asawa na mayroon itong kapansanan. Ano nga ba ang kondisyon ng anak ni Brenda?

With great joy and gratitude, we celebrate the coming of the One who brought everlasting peace, love, and hope to this world, with HESUS AMING HARI, the newest Christmas song from Reverb Worship. Featuring the voices of Reverb Worship’s newest artists, the song is a joyful declaration that Jesus is King, this Christmas and forevermore. Because of this, we have a reason to sing, celebrate, and worship no matter what the season holds for each of us and our families. Isaiah 9:6 MSG For a child has been born—for us! The gift of a son—for us! He’ll take over the running of the world. His names will be: Amazing Counselor, Strong God, Eternal Father, Prince of Wholeness.

Simula ng maranasan ni Leo at Kath ang pag-ibig ng Diyos, nagbago ang takbo ng kanilang buhay at nagkaroon ng kapatawaran sa kanilang mga puso. Subalit, ano naman kaya ang magiging reaksyon ng mga taong nakapligid sa kanila ngayong may pagbabago na sa kanilang buhay?
With great joy and gratitude, we celebrate the coming of the One who brought everlasting peace, love, and hope to this world, with HESUS AMING HARI, the newest Christmas song from Reverb Worship. Featuring the voices of Reverb Worship’s newest artists, the song is a joyful declaration that Jesus is King, this Christmas and forevermore. Because of this, we have a reason to sing, celebrate, and worship no matter what the season holds for each of us and our families.
Sakit sa ulo ng eskwelahan si Kath. Laging pinapatawag ang kaniyang magulang dahil madalas siyang masangkot sa gulo. Ano nga ba ang dahilan ng kaniyang pag-uugali?
Dahil sa pagpanaw ng mga magulang ni Leo, mas nagkaroon siya ng kalayaan na gawin ang kaniyang gusto. Subalit, kasabay din nito ang patuloy niyang pagdalo sa gawain ng Panginoon.
Bata pa lamang si Leo nang mapansin niya ang kaibahan mula sa mga lalaking kalaro. Maliban sa malabot na pagkilos, nasanay din siya na puro kababaihan ang nakakasama. Ito ang naging dahilan ng kaniyang pagkalito sa kaniyang tunay na kasarian. Paano nga ba ito tatanggapin ng kaniyang mga magulang?
Nagsunod-sunod ang mga oportunidad na nagbukas para kay Minda. Naging maganda ang takbo ng kaniyang buhay at naging maayos ang kita sa trabaho. Subalit ang naging kapalit naman nito ay ang kawalan ng oras sa kaniyang asawa. Ano nga ba ang pipiliin ni Minda lalo’t nanggaling siya sa mahirap na buhay?
Dahil sa sunod-sunod na pagsubok na pinagdaanan ni Minda, nagkaroon ito ng epekto sa kaniyang pisikal na katawan. Dumanas siya ng matinding sakit na halos tumapos sa kaniyang buhay. Malampasan niya kaya ito?

Showing 1–20 of 277 results