The 700 Club Asia Full Episode: Kasama Mo Ang Diyos sa Pagharap sa Hamon ng Buhay
You Also May Like
Sa buhay, marami tayong mararanasan na iba’t ibang bagyo – nariyan ang physical, emotional, at kahit pa spiritual. Anuman ang bagyo sa iyong buhay ngayon, nararapat lang na tayo ay may matibay na kinakapitan upang hindi tayo matumba at sumuko. Alalahanin mo na ang Diyos ay laging nariyan para tulungan ka. Maaari kang lumapit at humingi ng tulong sa Kaniya. Panoorin ang mga kuwentong tiyak na magpapalakas at magbibigay sa ‘yo ng inspirasyon sa panahong ito. Dito lang sa The 700 Club Asia, Monday, July 19, 9 pm on our YouTube channel and 12 midnight on GMA.
Maraming mga bagay ang puwedeng umagaw ng ating attention; nariyan ang trabaho, mga anak, pamilya, pag-aaral libangan at kung ano ano pa. Sa dami ng maaari nating isipin, paano nga ba natin mapapanatili na maging sentro ng buhay natin si Kristo? Posible nga ba ito sa kabila ng kaliwa’t kanang mag responsibilidad at kaganapan sa ating buhay? Alamin sa The 700 Club Asia, Wednesday, July 21, 9 pm on our YouTube channel and 12 midnight on GMA.
May patutunguhan ba ang buhay na walang gabay ng Diyos? Kung isa ka sa mga umiiwas sa pagkilos ng Diyos sa iyong buhay at hindi mo na alam kung saan ka pupunta, may mensahe ang Diyos para sa ‘yo. Nais Niyang ayusin ang buhay mo kung magtitiwala ka lang sa Kaniya. Narito ang iba’t ibang istorya ng buhay na binago ng Panginoon. Be encouraged and be inspired kung paano sila nakaahon mula sa dilim ng kasalanan! Abangan dito lang sa The 700 Club Asia, Monday, July 26, 9 pm on our YouTube channel and 12 midnight on GMA.
Malapit ka na bang sumuko sa buhay? Pakiramdam mo ba ay pinagmamalupitan ka ng mundo at hindi pinagpapahinga sa mga bagyo at problema? We’re here for you! Tara at panoorin mo muna ang mga istoryang ito na magre-remind sa ‘yo that there’s a God who is greater than all of these! Let Him guide you and help you by watching these stories on Friday, July 30, 9 pm on our YouTube channel and 12 midnight on GMA.
Kapayapaan ba ang hanap mo? Sa dami ng kaganapan ngayon sa mundo, saan nga ba tayo makakasumpong ng tunay na kapayapaan? Posible nga ba tayong magkaroon ng peace sa gitna ng mga trial sa buhay? Ma-inspire kung paano pinagkakalooban ng Diyos ng kapayapaan ang mga lubos na nagtitiwala sa Kanya.
Sa gitna ng paghihirap at krisis na ating nararanasan, paano nga ba tayo makakatulong sa ibang taong nangangailangan? Sa paanong paraan tayo maaaring gamitin ng Diyos upang maging pagpapala sa kanila? Ma-inspire sa mga kuwento ng kapayapaan, pagpapala, at pagbabago!
Pakiramdam mo ba ay wala nang solusyon ang mga problema mo? Na wala nang lunas ang sakit mo at wala nang saysay mabuhay? Kapit lang! Nais ng Panginoong Diyos na ikaw ay tulungan. Sapat ang Kaniyang grasya sa iyong nararanasan.
Kulang ang mga salita upang mailarawan ang sakit ng pagdadalamhati. Ngunit kahit nakakaranas ka ng brokenness at pain, hindi ka iiwanan ng Diyos. Siya ang iyong sandigan at mapagkukunan ng pag-asa sa pagharap mo sa panibagong umaga.
The 700 Club Asia Full Episode: Kasama Mo Ang Diyos sa Pagharap sa Hamon ng Buhay
Huwag kang matakot sa tuwing dumaraan ka sa matitinding pagsubok. Kakampi mo ang Diyos at gagabayan ka Niya upang malampasan mo ang bawat problema na iyong kakaharapin. Manatili ka lang at manampalataya sa Panginoon. Kasama mo Siya sa pagharap sa mga hamon ng buhay.
Be the first to review “The 700 Club Asia Full Episode: Kasama Mo Ang Diyos sa Pagharap sa Hamon ng Buhay ” Cancel reply
This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.











































































































There are no reviews yet.