Prayer
Nahihirapan ka na bang magtiwala dahil sa sakit na naidulot ng nakaraan? Huwag kang mag-alala, kapatid. Tutulungan ka ng Diyos na mawala ang iyong takot at muling matutunan kung paano magtiwala. Kailanman ay hindi Niya binigo ang Kaniyang mga pangako sa atin kaya naman Siya ay tunay mong mapagkakatiwalaan ng iyong buhay.
Kasama mo ang Diyos, ano pa man ang problemang harapin mo. Kailangan mo lang magtiwala sa Kaniya at hayaan Siyang maghari sa buhay mo. Nakikita ni Hesus ang iyong sitwasyon kaya’t makakaasa ka na hindi ka Niya pababayaan.
Huwag kang mawalan ng pag-asa kung humaharap ka ngayon sa matinding pagsubok. Nariyan ang Diyos upang tulungan at gabayan ka. Sa iyong lubusang pagtitiwala sa Kaniya ng iyong buhay at sitwasyon, makakaasa ka na magiging katuwang mo ang Panginoon sa kung ano man ang maaaring dumating sa iyong buhay.
Isa sa mga pinakamagandang regalo na puwede mong matanggap ay ang magkaroon ng relasyon sa Panginoon. Dala nito ang masayang buhay na hindi mo matatagpuan saan man. At ang unang hakbang upang makamit ito ay ang tanggapin si Hesus sa iyong buhay.
Nakakaramdam ka ba ng kakulangan sa buhay mo ngayon? Naghahanap ka ba ng tutulong sa ‘yo upang mapunan ang lungkot sa puso mo?
Matagal ka na bang nakakulong sa kasalanan at kahirapan? Naghahanap ka ba ng tutulong sa 'yo na makawala sa tanikala ng buhay? Si Hesus lamang ang iyong pag-asa. Kaya ka Niyang tulungan na makalaya sa ano mang bagay na bumibihag sa 'yo. Lumapit ka lamang sa Kaniya at ialay ang iyong buhay. Hindi ka iiwan ng Diyos.
Sa mga panahon na pilit kang tinutumba ng mga problema, ialay mo lamang ang iyong buhay kay Hesus at gawin Siyang pundasyon ng iyong buhay. Palalakasin ka Niya sa araw-araw at bibigyan ng kakayanan na malampasan ang bawat pagsubok na iyong haharapin.