Prayer for Anxiety
Hiwalay ka ba sa asawa mo ngayon? Nawawalan ka na ba ng pag-asa na magkakaayos pa kayo? Always remember that God is in the business of restoring relationships. Handa Niya kayong tulungan upang maiayos muli ang inyong pagsasama. Magtiwala ka.
Darating sa punto ng buhay natin na magkakaroon talaga tayo ng disappointments, dahilan para mawalan tayo ng pag-asa. Nakakapanghina ng loob kapag hindi natin nakakamit ang inaasahan nating resulta. Pero huwag kang mawalan ng pag-asa dahil nariyan si God na handa kang tulungan upang lumaban sa buhay. Put your hope in Him!
Isang mahigpit na yakap sa mga sad and lonely during these difficult times. You are not alone!
Nais mo ba na makawala mula sa depression? Nakakaramdam ka na ba ng pagod mula sa mga pagsubok? Kapatid, you are not alone, God is with you!
Nakakaranas ka ba ng anxiety dahil sa pandemic? Sabi sa salita ng Panginoon, “He can give you the peace that surpasses all understanding.” Let God comfort you with His love as you join our live prayer time tonight sa PUSH Pilipinas, kasama sina Alex Tinsay at Felichi Pangilinan-Buizon Send us your questions and prayer requests so we could pray for you!