Pakiramdam mo ba ay wala nang pag-asang makaranas ka pa ng totoong kasiyahan? May maaari ka pang gawin! Lumapit ka lamang kay Hesus. Kaya Niyang bigyan ng saysay ang buhay mo at iparanas sa iyo ang kagalakan na iyong hinahanap.

Gaano man karumi ang iyong nakaraan, mayroong Diyos na handang tumanggap sa 'yo. Kayang balutin ni Hesus ng Kaniyang pagmamahal ang lahat ng iyong pagkakamali at bigyan ka ng panibagong umpisa. Lumapit ka lamang sa Kaniya.

Hindi nakakalimutan ng Diyos ang mga panalangin mo. Nakikita Niya ang iyong puso at sitwasyon kaya't huwag kang mawalan ng pag-asa. Patuloy ka lang kumapit sa Kaniya. Tapat si Hesus sa Kaniyang mga pangako, kapatid. Hindi ka Niya bibiguin.

Sa dami nang balita at kaguluhan sa paligid, saan nga ba matatagpuan ang katotohanan? Kung nais mong malaman, lumapit ka kay Hesus sapagkat sa Kaniya mo lamang makikita ang katotohanan. Hindi ka bibiguin ng Diyos.

Iwanan ka man ng mga taong nakapaligid sa ‘yo, makakaasa ka na hindi ka pababayaan ng Diyos. Tapat ang Kaniyang pagmamahal para sa ‘yo at hindi ito magmamaliw kahit kailan.

Naghahanap ka ba ng pagmamahal ng isang ama? Kung nagkulang man ang iyong earthly father, huwag kang mag-alala. Maaari mo itong matagpuan kay Hesus. Kaya Niyang iparanas sa ‘yo ang pag-ibig na kukumpleto sa iyong buhay. Lumapit ka lamang sa Kaniya. Mahal ka ng Diyos.

Sa tuwing dinudumog ka ng mga pagsubok at problema, malaya kang lumapit kay Hesus. Tutulungan ka Niya na malampasan, ano mang hindi magandang sitwasyon ang pinagdaraanan mo ngayon. Kay Hesus may kapanatagan.
Posible pa nga bang makalaya sa mga bagay at sitwasyon na matagal ka nang pinapahirapan? Makapangyarihan ang ating Diyos. Isuko mo lamang ang iyong buhay sa Kaniya sapagkat’t kaya Niyang bigyan ng solusyon ano man ang pinagdaraanan mo ngayon. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Tutulungan ka ng Diyos na makalaya.

Perhaps you find yourself in a current situation where you feel conscious about believing true information from false. If you're confused about what to believe, just turn to Jesus. He is the way, the truth, and the life. Simply depend on Him.

Gaano man karumi at kagulo ang iyong nakaraan, kaya ka pa ring tanggapin ng Diyos. Hindi magbabago ang Kaniyang pag-ibig para sa ‘yo bagkus handa pa Siya na bigyan ka ng bagong simula. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Mahal ka ng Panginoon.

Hindi pa huli ang lahat para magbago, kapatid. May pag-asa ka pa na makapagsimula muli kung naliligaw ka man ng landas. Lumapit ka lang sa Panginoon dahil kaya ka Niyang tulungan at may maganda Siyang plano para sa ‘yo.

Nais mo bang makalaya mula sa maling relasyon o maging sa masasakit na pangyayari sa iyong buhay?Let God help you and show you the right path. You can trust Him for God has the best plans for you.
Kayang iparamdam sa ‘yo ng Panginoon ang pag-ibig ng isang ama na kukumpleto sa iyong buhay. Hindi ka Niya iiwan o bibiguin man.
Nahihirapan ka bang makita na totoo ang Panginoon dahil sa hirap ng pinagdadaanan mo sa buhay? Huwag kang mawalan ng pag-asa for our God is real and alive. Nakikita Niya ang iyong pinagdaraanan at alam ng Diyos kung paano ka matutulungan. Manampalataya ka lang sa Kaniya.

Sa dami ng mga pangyayari sa ating paligid, madaling mawalan ng pag-asa. Ngunit tapat ang Diyos sa Kaniyang mga pangako. Kaya Niyang gumawa ng himala sa iyong buhay at makakaasa ka na hindi ka Niya pababayaan. Huwag kang bibitaw and believe that God has plan for your life.

Naghahanap ka ba ng tunay at walang hanggang pag-ibig? Maaari mong matagpuan ito sa Panginoon. At hindi ito katulad ng pag-ibig ng tao na may limitasyon at naghihintay ng kapalit. Kaya Niyang iparanas sa 'yo ang ganitong uri ng pagmamahal na hinahanap ng iyong puso at kukumpleto sa iyong buhay. Lumapit ka lang sa Kaniya.

Sa kabila ng mga pagsubok at problema, laging may pag-asa. Kapag kasama natin ang Diyos, tiyak na may pag-asa. Huwag kang mapagod na manalangin at magtiwala sapagkat mayroon tayong tapat na Panginoon sa lahat ng oras.

Sa tuwing nakakaramdam ka ng panghihina dahil sa tindi ng iyong mga problema, kanino ka humuhugot ng lakas? Know that we have a powerful God whom you can lean on. Handa Siyang tumulong sa iyo upang malagpasan mo ang bawat pagsubok sa iyong buhay. Kapit lang! Huwag kang susuko, dahil kasama mo ang Diyos.

Matindi man ang kapit sa ‘yo ng kasalanan, kaya kang tulungan ng Diyos upang makawala rito. Walang tanikala ang hindi kayang basagin ng Panginoon. Lumapit ka lang sa Kaniya at maging matatag sa iyong pananampalataya. Walang imposible sa Diyos!

Gaano man kagulo ang pinagdaraanan mo ngayon, you can always go back to God. Tanggap ka Niya sa lahat ng iyong pagkakamali at kaya ka Niyang mahalin ano man ang iyong nakaraan. Lumapit ka lang sa Kaniya.