New Beginning
Kapatid, huwag kang mapagod na ipagkitawala kay Hesus ang iyong buhay. Hindi mo pa man nakikita ang resulta sa ngayon, makakaasa ka na may magandang plano ang Diyos para sa ‘yo. Huwag kang mawalan ng pag-asa sapagkat Siya ay mabuti.
Kayang ayusin ng Diyos at palitan ng panibago ang ano mang nasira sa iyong buhay. Hindi Niya hahayaan na malugmok ka sa nakaraan. Lagi Siyang may nakahandang mabuting plano para sa ‘yo. Kaya kung tingin mo ay wala nang pag-asa sa buhay mo, may Diyos na lagi kang tutulungan na makabangon.
Hindi nagbabago ang pag-ibig ng Diyos para sa ‘yo. Ano man ang iyong nakaraan, tanggap ka Niya at tutulungan na makabangon. Kaya’t sa tuwing nakakaranas ka ng kalungkutan sa buhay, lagi mong isipin na may Diyos na minamahal ka nang lubusan.
Puno ba ng hinanakit ang iyong puso dahil sa iyong nakaraan? Nais mo bang makalaya mula sa tanikala ng galit? Hayaan mong si Hesus ang maghari sa iyong buhay. Kaya Niyang alisin ang ano mang nagbibigay bigat sa iyong puso at palitan ito ng pagmamahal. Lumapit ka lamang sa Kaniya.
May pag-asa pa nga bang maranasan ang totoong kasiyahan sa gitna ng magulong sitwasyon? Nakikita ng Diyos ang pinagdaraanan mo. Hayaan mong ipakita Niya sa iyo kung paano mo ito malalampasan nang kasama Siya. Patuloy kang magtiwala at manampalataya sa kung ano ang kaya Niyang gawin sa buhay mo. Dahil sa Kaniya, mararanasan mo ang tunay na kasiyahan na hindi kailanman mananakaw ninuman.
Paano nga ba magiging merry ang iyong Christmas? Discover the answer as you watch this episode of The 700 Club Asia, Tuesday, December 5, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA.





















































































































